Chapter 8: The Unacceptable Suspicion

56 4 0
                                    

Misha's POV

Nakaramdam ako nang pagsakal sa aking leeg kaya naman kaagad akong dumilat.

"Sana hindi ka na lang nakialam." nanlaki ang mata ko nang makita ko ang nakacap at mask na lalaki noon.

"Acckkk! B-bitawan m-mo ako." hinampas-hampas ko ang kanyang braso upang mapabitaw siya sa akin pero mas lalo lang itong sumikip.

Nakita ko ang isang baso ng tubig sa side desk ng higaan ko kaya unti-unti ko itong inabot at sinadyang ihulog ito sa sahig.

Panigurado ay narinig ang ingay na iyon sa labas ng kwarto dahilan para mapabitaw ang sumasakal sa akin.

"Matalino ka, Fontazillo." nakangiting sabi nito saka sumampa sa bintana at tumingin pa sa akin.

"Sino ka?" narinig kong sabi ni Bishop sa lalaki ngunit mabilis itong gumalaw at tumalon sa labas ng bintana saka tumakbo.

Naubo-ubo ako saka hinabol ang aking hininga. Bakit gusto niya akong patayin?

"Okay ka lang?" tanong ni Bishop sa akin.

"Oo. Medyo nawalan lang ng hininga." sabi ko habang nagtatali ng buhok.

Kailangan kong bumangon para malaman kung ano ang kalagayan ng mga kaklase ko.

Bumangon ako at nagsimulang maglakad palabas.

"Saan mo balak pumunta?" tanong ni Bishop sa akin habang nakapamulsa.

"Sa room." maikli kong sagot sa kanya at nagpatuloy sa paglalakad.

"Miss Fontazillo, go back to your bed." utos sa akin ng nurse sa clinic.

"Okay na po ako." sabi ko saka lumabas at nagmamadaling umakyat sa hagdan.

Muntik na akong matumba sa hagdan dahil nahilo ako bigla ngunit nasalo naman kaagad ako ni Bishop.

"Lampa." sabi nito saka tumingin sa ibang direksyon.

"Alam ko na 'yan." sabi ko habang nakangiti saka umakyat muli sa hagdan.

Pagkabukas ko sa back door ay ang pagpasok naman ni Samuel at Prince sa front door. Napansin kong may hawak silang flashcard. Pumasok ako saka tinanong ang dalawa.

"Ano 'yan?" tanong ko habang seryosong nakatingin sa kanilang dalawa.

"Raven Walker/Dawn Walker." sabay nilang sabi at itinaas ang hawak nilang flashcard na mayroong dalawang number '1'?

Tumalikod ako at kinuha ang martilyo sa ibabaw ng mga locker saka pinukpok ko ang padlock ni Raven.

*pok pok pok pok*

"Misha!" sinubukan pa akong pigilan ni Tessa ngunit natanggal ko na ang padlock saka binuksan ang pinto ng locker.

"Sabi ko na nga ba." nakita ko ang letter 'I' at isang model of human's brain na may mga iba't ibang salita. Ano naman ang koneksyon ng number 1?

Sinunod ko naman ang locker ni Dawn, sinira ko ang padlock nito saka binuksan.

"Megaphone?" kinuha ko ito pati na ang letter 'N' bukod doon ay may nakita pa akong isa pang flashcard.

"1 atsaka plus sign." sabi ko saka ito nilabas at naglakad papunta sa teacher's table.

"Uhmm... Misha?" tawag sa akin ni Tessa habang nakaupo ito.

"Hmm?" nakangiti kong tanong sa kanya.

"Pinacut na nila ang oras ng klase natin. Kung gusto niyo sa bahay na lang namin tayo gumawa ng conclusion." sabi niya habang nakatayo at may hawak pang medical kit.

"Walang lalabas." nagulantang kaming lahat nang biglaang pumasok ang mga pulis.

"Officer Diaz?" nagulat ako ng makita ko siya.

"Parang gulat na gulat ka naman, Miss Fontazillo." nakangiting sabi nito habang pumapasok.

"Hindi naman po." natatawa kong sabi sa kanya.

Naupo kaming lahat nang umupo ang pulis sa upuan ng teacher's table.

"Ano ba ang mayroon sa section niyo?" nakayukong tanong ng pulis sa amin.

Walang sumagot sa amin dahil maski kami ay nagtatanong din sa aming sarili kung ano ang mayroon sa amin.

"Excuse me sir, as far as I know kayo dapat ang umaalam nyan, hindi po ba?" nakangiting sagot ni Relic sa tanong ng pulis.

"Mr.Robinson, we're doing our best he--" naputol ang sasabihin ng pulis dahil sa pagsingit ni Bishop.

"Kung ang nais ninyong sabihin ay ginagawa niyo ang inyong makakaya ay huwag na ninyong ituloy. Makakaya? Ilang estudyante na ang nawawala sa aming klase pero wala pa rin kayong lead." nakapikit na saad ni Bishop mula sa kanyang kinauupuan.

"Masyadong malinis ang pagkakaplano ng krimen na ito." nakakunot-noong sabi ni Officer Diaz na ngayon ay nakahalukipkip na.

"Excuse me sir, kahit gaano kalinis ang pagkakaplano ng krimen ay imposibleng wala itong butas. Parang isang damit kapag bagong bili ibig sabihin walang damage?" hindi ko alam kung saan nanggaling ang mga salitang iyon at kusang lumabas ito mula sa aking bibig.

Halatang nagulat ang mga kaklase ko sa aking sinabi saka naman napatayo si Officer Diaz.

"Miss Fontazillo, hindi ka ba nagtataka? Bago ka pumasok sa section na ito ay saka naman ang pagkawala ni Ivan Walters, matapos ang pagkawala ni Kesha Gonzales ay pumalit si Amelia Wartz. Hindi mo ba napapansin at parang ginagawa lang kayong mga laruan na maaaring palitan ng suspect nang ganoon kadali?" nakangiting tanong nito sa akin.

"Ang pagpasok ng mga bagong estudyante sa aming section ay ang solusyon na nakikita ng aming eskwelahan. Pilit na tinatakpan ang butas para hindi lumabas sa media na ang Infinite Chimera Academy, ang may pinakamataas na seguridad na paaralan, ay nawawalan ng mga walang kamalay-malay na estudyante." sabi ko nang naiinis sa kanya dahil walang sinuman sa aming section ang may kinalaman at may kasalanan dito.

"Wala nga ba?" nakayukong tanong nito.

Doon ako napatayo at napahampas sa aking desk.

"Kung akala ninyo ay ganoon kadali para sa amin ang sitwasyon na ito ay nagkakamali kayo, Officer. Walang patutunguhan ang inyong pag-iimbestiga kung kami mismo ay inyong pinaghihinalaan." sabi ko saka kinuha ang bag ko atsaka lumabas.

Bago ako tuluyang umalis ay nakita ko pa si Sir Ethan Halt,ang aming adviser, na nakasandal sa front door.

"Sir Ethan?" tawag ko sa kanya saka siya tumingin sa akin nang nakangiti.

Bakit ganoon? Pakiramdam ko ang mayroong kakaiba sa kung paano siya ngumiti.

"Aalis ka na ba? Mag-ingat ka, Miss Fontazillo." pagpapaalam nito sa akin saka ito kumaway habang papasok sa aming classroom.

"O-okay po. Thank you sir." pinilit kong ngumiti saka naglakad palayo sa kanya.

Ikinabit ko ang earphone ko saka itinodo ang volume ng tugtog mula sa phone ko.

Hindi ko namalayan na narito na pala ako sa harap ng gate at naghihintay ng sasakyan pauwi.
Ilang minuto na rin akong nakatayo at medyo nangangawit na rin ako.

Nanlaki ang mata ko nang mayroong yumakap sa akin mula sa likod at hinila nito ang earphone ko sa tenga.

"Bakit ba inoobliga ko ang sarili kong iligtas ka kapag may gustong manakit sayo?" nagulat ako sa nagsalita dahil hindi ko inakala na siya ito.

"Bishop?"

The Infinite ChimeraWhere stories live. Discover now