Chapter 19: The Invisible and The Writer

24 3 0
                                    

Para bang bumagal ang mga pagkilos ng mga tao sa aking paligid nang ngumiti si Kuya.

Kasabay nang pagngiti niya ang pagtulo ng luha ko. Tumunog na rin lahat ng mga alarms ng school.

Pumasok muli ako sa aming classroom at unti-unti siyang nilapitan. Ibang-iba ang awra at itsura niya.

Nakasuot siya ng simpleng black shirt at white na pants, ang paborito niyang kulay. Kapansin-pansin ang kwintas niya na may 6 na singsing na nakasabit.

"Kuya?" tawag ko sa kanyang muli.

Itinuro niya ang locker ni Prince at Crystal Claire. Tumakbo ako sa kinalalagyan niya.

"Kamusta ka na, bunso?" nakangiting tanong nito sa akin.

"Wag mo na ulit ako iwan, kuya." umiiyak kong sabi sa kanya.

"Umalis ka na dito, bunso. Magpalipat ka na ng ibang school. Kailangan ka pa nila Mama." ginulo niya ang buhok ko habang nakangiti.

"Kuya, sama ako sa'yo." para akong bumalik sa pagkabata nang makita ko siya.

"Bunso, pakinggan mo si kuya huh?" saad nito saka ako hinawakan sa balikat. Pinunas niya ang aking mga luha sa aking pisngi.

"Pagkatapos mong makuha ang clues na nasa loob ng dalawang locker na 'yan ay umuwi ka na at umalis,okay? Hindi mo na kailangang hintayin dahil sila ang naghihintay sa'yo, bunso. Kaya magpalipat ka ng school." saad niya habang nakatingin sa mga mata ko.

"Kuya, ayaw ko… gusto kong sumama sa'yo." mas lalo akong humagulgol nang umilaw ang unang-unang singsing na nasa leeg niya.

"Bunso, h'wag nang makulit huh?  Sundin mo si Kuya, okay?" saad nito bago umalis na may hawak na dagger.

"Misha, gising!" naramdaman ko ang pag-alog sa akin ni Bishop.

"Kuya? Kuyaaaaa!" sigaw ko nang parang nababaliw sa gitna nang pagkakagulo ng mga estudyante.

"Misha, wala siya d'yan." saad sa akin ni Bishop ngunit nakikita ko pa rin ang palayong likod ni Kuya.

"Hindi, Bishop. Nakausap ko siya kanina. Nandito siya." tumakbo ako at sinundan ang likod ni Kuya.

"Misha, ano ba?!" iniharap ako ni Bishop sa kanya nang mahabol ako nito.

"Wala siya d'yan! Gumising ka! Ano bang nangyayari sa'yo?!" saad nito habang hawak ako sa aking balikat.

"Bitawan mo ako, Bishop. Susundan ko si Kuya, please." umiiyak ako habang nagmamakaaawa sa kanya, gustong-gusto kong makita si Kuya, gusto ko siyang makasama.

Tinitigan ako nito saka ako niyakap.

"Kumalma ka. Nandito ako, Misha. Please, gumising ka na." saad nito sa akin.

Gising na gising ako, Bishop.

"Bishop, please susundan ko siy--" hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil hinalikan ako nito.

Wala akong nagawa kung hindi ang pumikit at patuloy na tumulo ang aking mga luha habang nakalapat ang labi niya sa aking labi.

"Tara na." sabi nito nang humiwalay sa halik at hilahin ako pababa papunta sa sasakyan niya.

"Kung ano man ang nakita mo kanina. Kalimutan mo na, please Misha." saad nito habang hawak nang mahigpit ang aking kamay.

Sumalubong sa amin si Tessa at Pierre.

"Mysticia, automatic writing the ability to write without conscious thought. Para kay Kirby, pinakinggan namin ang song na nasa loob ng CD at ang title nito ay 'invincible'" paliwanag ni Pierre sa amin.

"Hindi naman ability ang invincible so ano ang ability na malapit sa salitang invincible?" tanong ni Tessa sa amin.

Invisible. Sagot ko sa aking isip dahil hindi ako makapagsalita dahil sa kakaisip kay Kuya.

"Invisible." sagot naman ni Bishop sa tanong nila.

"Yes, invisibility. The ability to render the user unseen to the naked eye."

The Infinite ChimeraWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu