Chapter 26: The Mind's Eye

32 2 0
                                    

Dinala kami ni Tessa sa isang malaking dome. Itinulak niya si Bishop sa isang screen.

"Pick your terrain." pinindot ni Bishop ang iceland na picture na nasa board.

"Then go inside." nakangiting sabi sa amin ni Tessa.

Pumasok kami nang sabay sa dome at tinignan ang paligid na nagsisimula nang maging yelo.

Pinalibutan kami ng mga mababangis na hayop. Tumungtong ako sa isang ice cap at doon tumira ng mga arrows.

Nakita ko ang magaling na pakikipaglaban ni Bishop. Dalawa ang balak umatake sa kanya sa likod kaya naman bumunot ako ng dalawang arrow.

"Die." saka ko pinakawalan ang dalawang arrow na saktong tumama sa gitna ng noo ng dalawang baboy ramo.

"It's my time to help you." nakangiting sabi nito sa akin.

"I don't think so." inilabas ko ang aking dagger saka sinaksak ang isa pang baboy ramo sa aking likuran.

Naglaho ang lahat ng mga mababangis na hayop nang parang mist nang mapatay namin ang lahat ng ito.

Nagulat ako nang may tumapat sa akin na isang babae. Siya yung babaeng maganda.

"Ke--Kesha?" tawag ko sa kanyang pangalan.

"Hi!" naiinis niyang bati sa akin saka hinagisan ako ng isang throwing knife, na dumaplis sa balikat ko.

"Misha!" rinig kong tawag sa akin ni Bishop.

"Face your own enemy, boy." napatingin ako sa nagsalita.

"I-Ivan?" ayan nanaman ang mga pagbabanggit ko ng mga pangalan.

Isa pang knife ang paparating ngunit kaagad ko itong naiwasan.
Mabilis akong tumakbo papalapit kay Kesha saka siya tinutukan ng dagger sa leeg.

"I'm not your enemy." saad nito saka itinuro ang malaking fire-breathing dragon sa likod ko.

Inilayo ko sa kanya ang kanyang paint brush dahil doon nanggaling ang dragon na ito.

Tumalon ako sa likod ng dragon at sinaksak ang kanyang batok. Ngunit nagpumiglas ito kaya nahulog ako sa malamig na yelo. Magpapakawala sana ng apoy ang dragon ngunit nagulat ako nang maging yelo ito.

"We're even." nakangiting sabi ni Bishop saka ako kinindatan nito.

Agad akong bumangon saka inilabas ang aking bow at pinakawalan ang isang arrow papunta sa papel na pinagdodrawingan ni Kesha.

"Opps! Sorry!" nang-iinis kong sabi.

"I'm losing my temper!" sigaw niya sa akin nang tumama ang aking arrow sa papel niya at tumusok sa isang puno.

Tumakbo ako papunta sa kanya saka hinawakan ang kanyang noo. Hindi ko alam kung bakit ko 'to ginagawa.

"Anong ginagawa mo?" natatawang sabi nito sa akin. Hindi ko siya masagot dahil mismo ako ay hindi ko alam.

Tumitig ako sa kanyang mata at doon ko nakita ang kanyang mga alaala. Nakita ko ang aking sarili habang nakasabunot siya sa akin.

Nakita ko sa loob ng kanyang isip ang pinakakinatatakutan niya. Mas lalo kong idiniin ang aking index finger sa kanyang noo.

"Ahhhhhhhhh!" napasigaw si Kesha habang umiiyak ngunit parang wala akong naririnig.

"T-Tama na! Tama na Misha! Ahh!" naramdaman ko ang sakit sa kanyang boses.

"The game is over!" narinig ko ang pagsigaw ni Sir Ethan.

Napabitaw ako sa noo ni Kesha saka nakita si Bishop nang nakangiti.

"My weakling turn into a monster. A hot chic." natatawang sabi niya sa akin dahilan para mapangiti ako bago mawalan ng malay. Ngunit narinig ko pa ang sinabi ni Sir…

"It's psionic blast the ability to overload other's mind."

The Infinite ChimeraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon