Chapter 10: The Merging

48 4 0
                                    

Lubos na lamang ang pagkagulat ko nang makita ko ang nasa loob ng kwarto ni Bishop na mukhang mag-asawa at may kaedaran na.

Ang babae ay nakasuot ng simpleng dress na kulay nude at nakabun ang kanyang buhok. Bakas pa sa mukha nito ang kagandahan noong kapanahunan niya.

Ang lalaki naman ay nakasuit at nakasalamin katulad nang sa babae ay may taglay rin itong kagwapuhan.

"Bakit hindi mo ako pinigilan?" bulong ko kay Relic na ngayon ay katabi ko na.

"Anong hindi pinigilan? Kanina a ko tawag nang tawag sa'yo." sabi nito sa akin habang hinihingal pa dahil sa pagtakbo.

Humarap muli ako sa dalawang mag-asawa at ngumiti nang kinakabahan.

"P-pasensya na po." sabi ko saka isasara na ang pinto nang magsalita ang babae.

"Kaibigan ka ba ng anak ko?" natigilan ako sa sinabi niya at napahinto sa pagsasara ng pinto.

Anak niya si Bishop? Nanay at Tatay ito ni Bishop?

"Po?" natataranta kong sabi saka tinapik si Relic na katabi ko.

"I'm asking you, kaibigan ka ba ng anak ko?" medyo may taray na ang kanyang pagtatanong.

"Ahh o-opo." sagot ko nang kinakabahan na nakasilip sa pinto.

"Pasok ka hija." sabi ng lalaki habang nakangiting nakaupo sa couch.

Kinakabahan akong humakbang papasok ng kwarto ni Bishop. Kasunod ko naman si Relic na komportableng lumalakad.

"Hi tita't tito!" bati ni Relic sa kanila nang makapasok kami.

"Oh, Relic nandyan ka pala." sabi ng babae habang nakangiti.

"Kanina pa ako humihingi ng tulong ngayon mo lang naisipang magsalita." bulong ko sa kanya na may kasamang masamang tingin.

"Maupo kayo." nakangiting sabi ng lalaki sa amin na sinunod naman namin.

"Ikaw ba ang dahilan kung bakit nagkaganito ang anak namin?" tanong sa akin ng babae na mayroong nagbabantang tingin.

"Isabel!" saway sa kanya ng kanyang asawa.

"Mam, sorry po." sabi ko nang nakayuko.

"Bakit ka nagso-sorry d'yan?" nagulat ako sa nagtanong at napatingin sa higaan ni Bishop.

"Bishop?" gulat kong tawag sa kanyang pangalan.

Agad namang tumayo ang mama niya at sumunod naman ang kanyang papa.

"Bakit kayo nandito?" tanong ni Bishop sa kanyang mga magulang.

"Magpahinga ka muna." sabi ng kanyang mama sa kanya saka inayos ang blanket ng kanyang kama.

"Dapat pala palagi akong nasasaksak para lang mapansin ni'yo." sarkastikong sabi ni Bishop habang nakangiti.

"Sino ba ang babaeng ito?" nakatingin sa akin ang kanyang mama. "At nagpapakabayani ka?" dagdag pa nito.

"Hindi ko alam." nakaiwas ang tingin ni Bishop sa akin.

Naiinis ako sa sinagot niya sa kanyang ina. Parang ipinamumukha niya talaga sa akin na kasalanan ko ito.
Fine, kasalanan ko ito pero…

May dinial ang babae at saka tumingin sa akin.

"Security, please come here. There's a--" hindi niya natuloy ang kanyang sasabihin at sinagot ko na siya.

"It's my fault, mam. Again, I'm very sorry, Mr. and Mrs. Castiel." sabi ko habang nakayuko.

"Mukha po yatang nagkamali ako nang pinasukang kwarto, pasensya na po." tumingin ako kay Bishop "Sorry." dagdag ko at humakbang papalapit sa pinto.

The Infinite ChimeraWhere stories live. Discover now