Chapter 5: The Peculiar Day

63 6 0
                                    

Halos mapabaligtad ako sa pagkakahiga nang marinig ko ang malakas na pag-alarm ng phone ko.

"Maaga pa." sabi ko sa sarili ko saka pinatay ang aking alarm.

Wala pang isang minuto nang mag-ring ito. Sinagot ko ito nang hindi tumitingin sa caller ID.

"Hello?" naiinis kong tanong sa tao sa kabilang linya.

"Matulog ka lang huh?" sabi nito sa akin na ikinangiti ko naman.

"Alam ko na yan. Hindi mo na kailangang ipaal--" naputol ang aking sasabihin nang magsalita muli ito.

"Do you want me to slay you right now?" tanong sa akin nito dahilan para magising ako.

Unti-unti ko na siyang nabobosesan at nang marealize ko kung sino ito ay napaupo ako sa kama.

"Bishop?!" pasigaw kong tanong sa kabilang linya.

"Baka naman gusto mo nang tumayo dyan. Ano? Kayo na ba ng kama mo?" walang emosyong tanong nito sa akin.

"Ano bang gusto mo? Atsaka ano naman sayo kung malate ako kakatulog?" tanong ko sa kanya na may halo ng inis.

"Wag mong hintayin na i-drive ko paalis ang sasakyan ko." pagbabanta nito sa akin saka pinatay ang tawag.

Wag mong hintayin na i-drive ko paalis ang sasakyan ko.

Hindi ako gumagalaw sa kama hangga't hindi ko narerealize ang gusto niyang sabihin.

"I-drive ang sasakyan paalis?" nanlaki ang mata ko nang marealize ko iyon.

Sumilip ako sa terrace ng kwarto ko at doon ko nakita ang nakasandal at nakapamulsang Bishop na parang may sinisipa sa kanyang paanan.

"Ommo!" hindi ko alam ang gagawin ko ngunit inumpisahan ko nang pakalmahin ang sarili ko at nag-umpisang mag-ayos.

Bumaba ako sa sala para magpaalam na kay Mama.

"Kanina pa may naghihintay sayo sa labas." sabi nito sa akin saka inabot sa akin ang aking baon.

"Ito na nga po lalabas na." natatawa kong sagot sa kanya.

Lumabas ako nang hindi pa kumakain ng almusal kaya pinabaunan ako ni Mama ng dalawang sandwich.

"Gusto mo bang malate pwes ako ayaw ko." hindi ko malaman ang aking magiging reaksyon dahil sa itsura niya.

Brain: ang gwapo niya, heart.

Heart: mas gwapo si Relic, di ba liver?

Liver: Manahimik nga kayo!

Intestine: Ginugulo niyo lang ang lamang loob ni Misha eh.

Pati ba naman mga lamang loob ko nagtatalo na.

"Pasok. Tatawa pa eh." nagbabantang sabi nito sa akin.

Di naman ako tumatawa eh napayuko akodahil sa sinabi niyang iyon.

"Thanks." sabi ko saka pumasok sa loob ng kotse.

Ilang minuto ang lumipas bago kami nagsalita muli.

"Bakit ba late ka gumising?/ Bakit mo ko sinundo?" sabay naming tanong sa isa't isa.

"Wala lang./ Eh ganon gising ko eh." sabay pa rin namin sagot sa isa't isa.

"Gaya-gaya!" sabay pa rin naming sabi sa aming mga sarili.

Hindi na ako nagsalitang muli dahil baka magsabay nanaman kami sa pagsasalita. Ilang minuto rin kaming nanahimik.

The Infinite ChimeraWhere stories live. Discover now