Chapter 20: The Empty One

31 3 0
                                    

Lumakad ako pabalik sa classroom namin ngunit pinigilan ako ni Bishop.

"Ano nanamang gagawin mo?" tanong nito sa akin.

"Akala mo nakalimutan ko na? Pangalawang beses na 'yon!" pinaghahampas ko siya ng bag ko.

"Isa!" pagbabanta nito sa akin.
Siya pa may ganang magbilang ngayon.

"Isa ha? Dalawa!!" sigaw ko saka siya malakas na hinampas ng bag.

Narinig ko ang pagring ng phone ni Tessa. Huhulaan ko…

"Prince and Crystal, right?" tanong ko kay Tessa na halos manlumo na ang mukha.

Tumango ito bilang pagsagot saka nagpatuloy ako sa paglalakad. Sinundan nila ako sa pagpasok sa room hanggang sa makita ko ang bukas na mga lockers.

"Nakakasawa na." saad ko saka galit na galit na pinukpok ang pad lock ng locker ni Prince.

"DVD at Letter 'I'." inilabas ko ang mga gamit sa locker mula sa locker ni Prince.

"Let's see. Warning and quote?" nagtaka ako sa nakuha ko sa loob ng locker ni Crystal.

Tinignan kong muli ang mga lockers namin. Naalala ko ang sinabi ni Kuya.

Hindi mo na kailangang hintayin dahil sila ang naghihintay sa'yo, bunso.

Lalong humigpit ang hawak ko sa martilyo at pinukpok ko ang mga natitirang nakasarang locker.

"Bag." sabi ko saka humingi ng bag kay Tessa.

Binuksan ko ang kay Samuel Grove at ang nasa loob ay mga katagang 'Look for the clue inside the Room 609' pati na Letter 'E'.

Pinuntahan ni Pierre ang room 609 dahil ayaw niyang makita ang kanyang clue na isang makapal na dictionary at Letter 'H'.

Sinundan ni Tessa si Prince dahil na rin sa parehas na dahilan na ayaw niyang makita ang clues niya.

Isinilid ko sa bag ang clue ni Tessa na isang bolang crystal at 'Letter C'. Sinunod ko ang kay Relic na isang 'Letter R' at batong may cracks saka salitang 'knock'.

Dinahan-dahan ko ang pagsilid ng mga clues sa bag na binigay ni Tessa sa ito nilagyan ng mga pangalan.

Sakto naman ang pagbalik nila. Nakita ko ang cute na aso na bitbit ni Tessa.

"Iyan ang clue ni Grove?" tanong ko sa kanilang dalawa.

"Oo, 'yan lang nandoon eh." sagot naman ni Pierre na tuwang-tuwa sa aso.

"Kayo na magbukas ng sa amin ni Bishop. Lalabas muna kami." saad ko saka hinila si Bishop palabas ng room.

Tessa's POV

Pagkasara ng pinto ay agad kong kinuha ang martilyo na nakapatong sa desk. Kinakabahan ako sa magiging clue ng dalawang 'yon.

"Pierre, ikaw na kaya?" napatingin ako sa kanya ngunit busy lang ito sa paglalaro sa aso.

"Sabi ko nga ako na." sagot ko sa sarili kong tanong.

Malakas kong pinukpok ang padlock ng locker ni Bishop saka ko nakita ang maliit na model ng refrigerator at sa loob noon ay may natutunaw na 'ice', kinuha ko naman ang 'Letter A'.

Kinuha ko ang bag saka doon nilagay ang clues ni Bishop. Sinunod kong sirain ang padlock ng locker ni Misha, nanlaki ang mata ko dahil…

"Walang laman."

The Infinite ChimeraWhere stories live. Discover now