Chapter 4: The Shadowing

70 6 0
                                    

Halos mapatitig kami sa isa't isa dahil sa kinalabasan ng aming pag-uusap.

"That's non-sense!" natatawang sabi ni Tessa.

"Yeah." pagsang-ayon naman ng mga kaklase namin.

Siguro nga masyado lang akong nag-iisip ng kung anu-ano. Napahawak ako sa ulo ko saka tumawa dahil sa imahinasyon ko.

"Sa panahon ngayon wala naman ng imposible." napatingin kami mula sa nagsalita.

"Relic…" tawag ko nang mahina sakanyang pangalan.

"Everything and everyone has a reason. Kaya tayo nandito para malaman ang nakatagong lihim mula sa mga clue na meron dyan." dagdag pa niya kaya napatingin muli kami sa mga clue.

Lahat kami ay nag-iisip kung ano ang koneksyon ng mga bagay na ito sa isa't isa. Buong gulat namin nang bumukas ang TV sa max volume nito.

Napaatras kami mula sa pagkakaupo namin samantalang ako ay napahawak kay Relic.

"Don't be afraid. I'm here." narinig kong bulong ni Relic sa akin.

Walang kahit anong imahe ang lumalabas mula sa screen kung hindi purong gray at parang may mga maliliit na tuldok na gumagalaw.

Unti-unting naglaho ang gray at lumabas ang mga katagang…

I thought you're all smart. But I think you need a clue? Then your wish will come true.

"Sh*t! hindi na nakakatuwa guys. Itigil niyo na ang kalokohan na ito." napatayo ang isa sa amin at balak na sanang umalis ngunit buong gulat namin nang lumabas ang isang palabas.

Lumabas ang imahe ng isang cartoon character kumumpas ito sa hangin at may mga lumabas na mga dahon na hindi ko alam kung saan nanggaling. Simpleng dahon ngunit napatumba nito ang kanyang mga kalaban. Napugot nito ang ulo ng kaharap niya ipinakita dito ang sumisirit na dugo mula sa kanyang leeg.

Huhugutin na sana ni Tessa ang saksakan ngunit biglang lumabas ang malaking letter 'N' sa dulo kasama ang salitang…

Conquer your fears and face your death, Goodluck…

Tuluyan nang namatay ang TV nang mawala ang mga salitang iyon. Walang makagalaw sa amin at walang makapagsalita.

"Kung ganon…ang leaf ay ang kapangyarihan na mayroon ang tao.  Ang letter 'N' ay--" naputol ang sasabihin ko dahil sa pagsasalita ni Bishop.

"May gustong ipahiwatig ang suspect. Ang letter 'N' ay simbolo." paliwanag nito na walang kahit anong emosyon.

"Nagsisimula pa lamang ang lahat." napatingin ako kay Relic na katabi ko.

Tumayo si Relic at nginitian ako dahil ibang-iba ang nararanasan ko ngayon sa bagong school ko.

"Mukhang hindi na kita mahahatid Misha. Sorry, may emergency kasi sa bahay." sabi ni Relic sa akin na nginitian ko naman.

"Sige, ingat ka. Salamat." sabi ko sabay wave sa kanya ng kamay ko.

Umalis na rin ito habang ako ay nag-iisip pa rin sa dahilan kung bakit at paano nagawa ng suspect ang pangyayari sa TV.

"Tessa? Bago kami pumunta dito nanuod ka ba ng TV?" tanong ko sa kanya.

"Hindi. Simula kagabi ay hindi na namin nabuksan ang TV dahil mukhang may sira na ito kasi bigla na lang siyang nag-black out last night. Ngayon na lang ulit siya nagbukas. Papalitan na sana namin ito eh." pagpapaliwanag ni Tessa sa akin.

"So? noong gabing iyon ay baka may naka-access na, na device sa inyong TV." hinala ko sa mga nangyayari ngayon.

"Masyado mong inuubos ang talino mo ngayon, Misha." nakayukong sabi ni Bishop sa akin.

"Hindi naman." natatawa kong sagot sa kanya.

"Napapahanga ako sayo." nakangiting sagot naman nito sa akin.

Para bang nahypnotize ako ng kanyang ngiti at kusang ngumiti ang aking mga labi.

"Nanunuod ba ako ng korean drama ng live?" natatawang tanong ng isa kong kaklase.

"It's too early to destroy your life." pagbabanta ni Bishop rito habang masama ang tingin sa kanya.

Napatingin ako sa orasan at halos 8 o'clock na pala kaya napagdesisyunan ko na ring umuwi.

"Classmates, mauuna na akong umuwi. Gabi na rin kasi saka malayo-layo pa bahay ko." pagpapaalam ko sa kanila habang nagsusuot ng bag ko.

"Ingat Misha." sagot naman nila sa akin na sinuklian ko ng ngiti.

"Hatid na kaya kita?" sabi ni Wendell na kaklase ko.

"Hi--" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil pinutol na naman ako ni Bishop.

"Sumabay ka na sa akin. Aalis na rin ako." sabi nito habang nakapamulsang naglalakad palabas ng bahay nila Tessa.

"Sabay na lang ako kay Bishop, Wendell. Salamat Tessa." pagpapasalamat ko saka lumabas na ng bahay.

Nakita ko si Bishop na nakasandal sa kanyang kotse habang nakapamulsa.

"Nagkakasala ang aking mata. Jusko." bulong ko habang papalapit sa kanya.

"Bakit ka naman magkakasala?" sabi nito habang nakatingin sa direksyon ko.

"W--wala." bakit ako nauutal? napahigpit ang hawak ko sa aking strap ng bag ko.

Pinagbuksan ako ng pinto ni Bishop, tinitigan ko pa ang pinto dahil sa pagtataka.

"Pasok na." may awtoridad na utos nito sa akin.

"Sa-salamat" hindi ko malaman ang magiging reaksyon ko sa nangyayari.

"Saan ka?" tanong nito sa akin habang isinusuot ang seatbelt.

"Dyan lang." pagloloko ko pa sa kanya habang nakangiti.

"Seryoso ko." pagbabanta nito na agad ko namang sinagot.

"Sa Hera Subdivision sa Quezon City." madali kong sagot sa kanya dahil baka mapikon na ito sa akin.

Sinimulan na niyang magdrive habang inaayos ang GPS ng kanyang sasakyan para makakuha ng directions papunta sa amin.

Ilang minuto rin kaming nanahimik nang magsalita siya.

"Matalino ka nga talaga." sabi nito ng wala sa oras.

"Huh?" hindi ko maintindihan ang kanyang sinabi.

"Don't yield your own grave, Misha." sabi nito sa akin na lalong nakapagpagulo sa aking isip.

Ilang minuto ang lumipas at parang biglang bumilis ang takbo ng kotse.

"Bishop, parang bumibilis ka yata." sabi ko rito habang nakatingin sa kanya.

"May sumusunod sa atin. We'll make a turn." sabi nito habang seryosong nakatingin sa side mirror.

Tumingin naman ako sa likod at isang black na SUV ang aking nakita. Sinubukan kong tignan ang plate number ngunit hindi ko ito maaninag.

"Put on your seatbelt, miss." utos nito sa akin na agad ko namang sinunod.

Ilang minuto pa at nakarating na kami sa bahay saka ko nakita na wala na ang sumusunod sa amin.

"Pumasok ka na sa loob." palagi naman ako itong inuutusan.

"Thank you, Bishop." pagpapasalamat ko saka pumasok na sa loob.

Naghalf-bath na ako saka nahiga sa kama ngunit ganoon na lamang ang pagkagulat ko nang mapansin kong may nakatayo malapit sa poste sa labas ng gate. Sumilip ako mula sa terrace ng kwarto ko.

"Sino ka?" tanong ko sa sarili ko. Tinitigan ko itong mabuti ngunit nang mapansin niyang nakatingin ako ay agad siyang umalis.

Kinilabutan man ay nahiga na rin ako dahil sa pagod saka ko naisip ang mga clues.

"Masyado ka nanamang nag-iisip, Misha." sabi ko sa sarili ko at tuluyang pumikit.

The Infinite ChimeraWhere stories live. Discover now