Chapter 29: She Forgot

29 2 0
                                    

Naglakad kami papasok ng gubat may mga nakita kaming mga dryads na hawak ang kani-kanilang mga bows.

Habang tumatagal ay nararamdaman ko na ang pag-iiba ng klima.

"Lumalamig yata." parehas pala kami nang naiisip ni Tessa.

"Pssh!" saway sa amin ni Prince.

"Bak--" hindi natuloy ni Raven ang sasabihin niya nang may humatak sa kanya at tutukan ng patalim sa leeg.

"Teka, nagkakamali ka yata ng inaatake." tumalim ang mga mata ni Dawn nang makita ang lalaki.

"I'm sorry but I'm not." natatawang sabi nito.

Sinubukang pasukin ni Raven ang isip ng lalaki ngunit bumalik lang din ang sakit sa isip niya.

"Don't ever try it." nakangiting sabi ng lalaki.

Lumayo kami kay Dawn nang mapansin naming handa na itong lumaban.

Sinigawan niya ang lalaki ngunit agad din itong nawala sa pwesto niya.

"Hi." napatalon ako nang marinig ko ang boses na nanggaling sa likod ko.

Lumakad ako paatras habang hawak ang arrow ko sa likod. Itinutok ko ang arrow sa kanya.

"You're still gorgeous." nagulat ako sa sinabi niya.

"K-kilala mo ba 'ko?" tanong ko sa kanya.

"Masyado kang makakalimutin, Misha." natawa ito sa sinabi niya.

"Hindi kita kilala, sorry." mas tinutok ko pa ang aking arrow sa kanya.

"Luke, remember? The one that makes you happy whenever you're sad and also friend of your brother." nakangiting sabi nito.

Parang automatic na gumalaw ang utak ko at biglang nagflash ang nakauniform na lalaki habang kasama ko.

Lahat ng mga alaala ay doon lang bumalik. Naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko.

"K-kuya Luke?" halatang sumaya ang mga mata nito.

"Yes, I am." nakangiting sagot nito sa akin.

"Mish? Sino 'to?" napalingon ako sa kanang side ko.

"Si Kuya Luke, friend ni Kuya at best friend ko." doon lang muli nagising ang isip ko na bestfriend ko pala ang nasa harap ko ngayon.

"Pare, bat mo pinaiyak?" tanong ni Bishop kay Kuya Luke.

"Yah!" sigaw ko sa kanya habang nakatingin sa mukha niya.

"Tss." umirap ito saka sumandal sa puno na nasa likod ko.

"Bakit niyo kami hinarang?" tanong ko sa kanya.

"Hindi kami ang kalaban dito, Misha. Kung hindi si Ethan." halatang sumama ang mukha nito.

"That's imposible." natatawa kong sabi sa kanya.

"Bakit? Kasi pinatuloy ka niya sa district? You don't know the real Ethan, Misha." nakayukong sabi nito.

"Sino ba ang totoong Ethan, Luke?" tanong ko sa kanya.

"Tutulungan namin kayong pumunta sa barrier nang walang pahamak na dumadaan then you will know who the real Ethan is." masyadong intense ang mga pinagsasabi ng lalaking 'to.

"I agree." napalingon ako sa likod ko.

Ibig sabihin may alam din si Bishop? May alam siya sa mga nangyayari?
Hinawakan ko ang noo ni Kuya Luke ngunit hindi ako makapasok dito.

"You don't have my permission to do that, miss." nakangiting sabi nito saka hinawakan ang kamay ko at inalis sa noo niya.

Humarap naman ako sa likod ko at hinawakan ang noo ni Bishop.

Let me in, please…

"On the right time." nakapamulsang sabi nito saka yumuko.

What did I forgot?

The Infinite ChimeraWhere stories live. Discover now