Chapter 14: The Fog-Like Thingy

39 4 0
                                    

Nakaya niyang bumulong sa akin kahit na medyo nabasag ang kanyang boses. Pilit niyang tinatakpan ang mukha ko.

"Ma--may ki-kinuha lang po sa locker, kuya. Aalis na rin po kami." kinakabahan kong sagot sa kanya.

Hindi ko alam kung kinakabahan akong mabisto o kinakabahan ako dahil sa ginagawa ng lalaking ito sa akin.

"Nang ganitong oras at sa ganyang posisyon?" tanong nito sa amin dahilan para mamula ako.

"Nagulat po kasi ako sa pagdating niyo kaya biglaan akong napayakap sa kanya." pineke ko ang tawa ko para maniwala siya. " Atsaka sobrang importante lang po kasi." naaninag ko naman ang kanyang mukha na mukhang nagtataka.

"Sige na. Umalis na kayo pagkatapos ha?" sabi niya sa amin saka umalis.

Agad akong lumayo kay Bishop saka nagpatuloy nang paglalakad. Sakto naman na nakahanap ako ng daan papunta sa aming room.

"Nakapuntos ka d'on, pare" natatawang sabi ni Prince. Narinig ko pa ang tunog na kung saan parang may hinampas, palagay ko ay tinapik niya si Bishop.

Hindi nakakatuwa para sa akin dahil 'first kiss' ko 'yon!

Dumaan ako sa blind spot sa baba ng camera saka ligtas na nakapunta sa harap ng pinto ng aming classroom.

Kinuha ko ang I.D ko sa aking bulsa at i-swinipe ito sa lock ng room.

"Opened." maingay na sabi ng device na nakakabit sa pinto.

"Wag kang maingay!" napayakap sa pinto si Pierre, lahat sila ay napangiti maliban sa akin.

Binuksan ko ang pinto saka nakita ang laser beam na sinasabi ni Tessa.

Napailing ako dahil imposible talagang makapasok kami dahil sa pinagpatong-patong talaga ang laser.

"Kaya 'to." pagpapalakas ko ng kanilang mga loob.

Isinuot ko ang aking ulo sa butas ng dalawang laser. Isinunod ko ang aking kanang paa at ang aking kanang kamay. Nakahanap naman ako ng butas na medyo malaki kaya sinubukan kong yumuko at sumuot doon.

Ngunit sa hindi malamang dahilan ay natamaan ko ang isang beam.

"Opps! Sorry." sabi ko saka tumakbo papasok ng room at kinuha ang martilyo sa teacher's table.

Wang! Wang! Wang! Wang!

"Bilis!" sigaw sa akin ni Misha na nagpapamic na dahil sa ingay ng alarm sa aming room.

"Mauna na kayo!" balik kong sigaw sa kanya saka pinukpok ang pad lock ng locker ni Amelia.

"Hindi ka namin iiwan!" sigaw pa ni Tessa.

Prrrrrttt! Prrrrrtttt!

Lahat kami ay napatingin sa kanang side ng corridor at halata sa kanilang mga mukha ang kagustuhan nilang tumakbo.

"Takbo na!" kasabay nang pagsigaw ko ang pagtakbo nila maliban kay Bishop at Relic.

"We'll be waiting at the back gate." sabi ni Bishop saka tumakbo.

Naiwan pa si Relic ngunit nginitian ko ito saka siya umalis.

"Habulin ni'yo!" utos ng isang guard sa apat niyang kasama.

Kinapa ko ang panyo ko ngunit wala na akong makapa. Nagamit ko na pala lahat ng panyo ko.

Pinukpok ko ang pad lock saka madaling binuksan ito.

"Miss! Tigil!" tinakpan ko ang aking mukha gamit ang aking buhok.

Nakita ko ang inflater ng lobo at 'Letter I'.

Binitbit ko ito saka nagtangkang lumabas sa front door ngunit nakalock ito. Pumunta ako sa back door ngunit nandoon naman ang dalawang guard.

Napatalikod kaagad ako sa kanila para hindi nila makilala. Nakita ko ang mga bintana sa aming room.

"No choice." pumunta ako sa harap nito at sumilip doon ko nakita si Bishop at ang mga kaklase ko.

Kailangan kong makababa. Kailangan naming makatakas dito.

"Hey!" sigaw ko sa kanila saka inihagis ang mga gamit na nakita ko sa locker ni Amelia.

"H'wag mong ituloy ang binabalak mo." sabi sa akin ni Relic.

"No choice. Nacorner ako!" balik kong sigaw sa kanila.

Dahan-dahan kong itinapak ang aking paa sa grills saka bumaba. Nang maramdaman kong wala na akong maaapakan ay napatingin ako sa baba, nasa dulo na ako ng second floor.

"Again, I have no choice." sabi ko saka humarap sa kanila nang nakangiti.

"Kinakabahan ako!" sigaw ko sa kanila nang natatawa.

"H'wag mo kaming tawanan, miss." ayan nanaman ang nagbabantang tingin ni Bishop sa akin.

Binitawan ko ang pagkakahawak ko sa isang bakal saka tuluyang tumalon.

Bumagsak ako sa lupa nang nakatungkod ang aking kamay sa lupa. Masakit 'yon.

"Tara!" sabi ko saka naunang tumakbo habang natatakpan ng aking buhok ang aking mukha.

"Okay ka lang?" tanong sa akin ni Tessa habang tumatakbo.

Sinubukan kong iangat ang aking kanang kamay ngunit napangiwi lamang ako.

"Oo." nakangiti kong sagot kahit na nasasaktan. Hindi maganda ang pagkakabagsak ko dahilan para sumakit ang kanang braso at kaliwang paa ko.

Naunang sumampa sa bakod sila Tessa at Pierre na sinundan ni Prince at Relic. Nahuli naman kami ni Bishop.

"Una ka na." sabi ko saka siya binigyan ng daan.

"Bilis." kalmadong sabi nito saka ako hinintay na sumampa sa bakod.

Isinampa ko ang kanan kong paa at itinungkod ko ang aking kanang kamay. Napangiwi ako sa sakit ngunit tiniis ko ito.

Tumalon ako sa kabila at doon na sumakit lalo ang aking katawan. Tumakbo kami papuntang sasakyan ni Bishop at doon pinagkasya ang aking sarili.
Apat sa likod at kaming dalawa ni Bishop sa harap.

"Evaluate na natin 'yan." sabi ko habang hawak ang kanan kong braso.

"Ang hirap nito." napapailing na sabi ni Pierre.

Ilang minuto kaming nanahimik at pinag-iisipan kung paano at ano ang kapangyarihan ni Amelia.

"Ahh!" napangiwi ako nang mag-turn si Bishop at mapasandal ang kanan kong kamay sa pinto ng sasakyan.

"Okay ka lang?" tanong sa akin ni Relic.

"Oo." sagot ko habang nakangiti.

"May masakit ba?" nagtatakang tanong sa akin ni Bishop.

"W-wala." pagtanggi ko kahit na sa loob-loob ko ay gusto kong sumigaw sa sakit ng braso at paa ko.

Hindi sinasadyang napump ni Prince ang inflater sa tenga ni Tessa.

"Ano ba?!" sigaw ni Tessa kay Prince na ikinatawa nito.

"S-sorry, Ms.President." nakapeace sign na sabi ni Prince.

"Alam ko na!" sabi ni Pierre na gumising mula sa katahimikan.

"Ano 'yon?" tanong ko sa kanya nang nagtataka.

"Ang laman ng inflater ay helium right? Helium is one of the gases." sabi nito na ikinatawa ni Relic.

"Alam namin 'yan, Pierre." natatawang sabi ni Relic.

"It's sublimation, the ability to transform into gas, mist or fog-like thing."

The Infinite Chimeraजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें