Chapter 3: The First Reliable Hint

78 7 0
                                    

Dumating na rin ang mga pulis upang mag-imbestiga dahil halos 6 na oras na nang mawala si Kesha.

"Class maupo kayo." pag-saway sa amin ng aming adviser siya yung nakasalubong ko kanina sa pinto ng kakaibang room.

Agad naman silang naupo sa kanya-kanya nilang upuan. Naghanap naman ako ng vacant seat ngunit ang tanging bakante lang ay yung kay Kesha, Bishop at Relic pati na yung nasa dulo.

"Misha, maupo ka muna sa upuan ni Kesha." agad ko naman siyang sinunod at umupo.

"Dalawang estudyante na ang nawawala dito sa ating klase. Si Ms. Gonzales at Mr. Walters hanggang ngayon wala pa ring nakakaalam kung nasaan silang dalawa. Ilang araw lang ang pagitan ng kanilang pagkakawala." halatang namomroblema si Sir habang sinasabi niya ang mga iyon.

Narinig namin ang pagkatok sa pinto ng aming room. Agad naman itong nagbukas.

"Excuse me sir, baka po pwedeng  makausap si Ms.Fontazillo." sabi ng pulis kay sir na ikinatingin ng lahat sa akin.

"Misha Fontazillo, maaari ka ba naming imbitahan sa presinto upang maging witness?" saad ng pulis habang ako'y nakatingin lamang sa kanya.

"Syempre naman po." sabi ko sabay isinuot ang aking bag.

Bago ako lumabas ng room ay hinabol pa ako ni Tessa habang nakangiti.

"Classmates let's welcome Ms. Misha Fontazillo to our section." pagpapakilala ni Tessa sa akin sa harap ng classmates ko saka sila nagpalakpakan.

"Huwag kang kabahan. Sabihin mo lang lahat ng nakita mo." nakangiting sabi ni Tessa saka ako pinakawalan.

Nang palabas kami ay iniescort pa ako ng mga pulis pasakay sa police mobile. Nakita ko naman si Relic sa harap ng fountain na kinatatayuan ko kanina gusto ko man siyang lapitan ngunit masyado nang malayo ang aming pagitan.

Sa paglabas ng sasakyan ay nakita ko si Bishop na nasa kanyang kotse habang may kausap sa phone.

Ilang minuto pa ang aming ginugol upang makapunta kami sa Police Department.

"Ako si Police Inspector King Diaz. Ako ang in charge sa pagkakawala ng iyong mga classmates sa Infinite Chimera Academy. Ang kailangan ko lamang ay sagutin mo ang lahat ng aking mga katanungan." siya pala ang nag-uusisa ng mga kaso nila Kesha.

"Opo." pagsang-ayon ko sa sinabi niya saka ako umayos ng upo.

"Anong oras at saan mo huling nakita si Ms. Gonzales?" tanong nito sa akin habang may hawak na ballpen.

"Mga 1 pm po sa harap ng fountain sa grounds." kumpleto kong sagot sa kanya.

"Anong ang huli niyang sinabi sayo?" tanong nito habang nakatingin pa rin sa mga mata ko.

"Layuan ko daw po si Relic Robinson. Huwag daw po akong masyadong malandi dahil transferee lang daw po ako saka niya po ako sinabunutan." halata namang nagulat siya sa aking isinalaysay.

"Matapos iyon?" gusto niya bang isalaysay ko nang buo. Ayoko, gusto kong kami muna magkakaklase ang makaresolba nito.

"Wala na po siyang sinabi sa akin saka po siya umalis." hindi ko na sinabi na may sinabi pa si Bishop sa kanya.

"Salamat Ms. Fontazillo. Tara at ihahatid na kita." aktong tatayo ito ngunit pinigilan ko siya dahil kaya ko naman na mag-isa.

Habang naglalakad ako ay malalim ang aking iniisip dahil na rin sa pagkawala ng dalawa kong kaklase ng wala man lang clue. Masyadong malinis ang pagkawala nilang dalawa.

*peep peep*

Hindi ko napansin na naka-green light pala ang stop light.

"Ano nanaman ba ang ginagawa mo?" tanong sa akin ng lalaking humila sa aking kamay.

"Relic…" tawag ko sa kanya na ikinangiti nito.

"May group study ang klase natin baka gusto mong sumama." tanong nito sa akin habang nakangiti.

"Hindi pa ako nakakapagpalit eh." sabi ko habang nakatingin sa aking damit.

"Tara sasamahan kita." sabi nito nang masigla.

Naglakad kami papunta sa bahay namin nang magkarating kami ay nagdoor bell kaagad ako.

"Oh nandyan ka na pala Mish--" hindi natuloy ni mama ang kanyang sasabihin dahil nakita niya si Relic.

"Ma si Relic Robinson po classmate ko." pagpapakilala ko kay Relic na ngayo'y nakangiti.

"Good evening po. Nice meeting you po." magalang na sabi ni Relic kay mama.

Pinapasok naman kami ni Mama at pinaghanda niya muna si Relic ng makakain.

"Relic, dyan ka muna huh? Magbibihis lang ako." nakangiti kong pagpapaalam sa kanya habang umaakyat ng hagdan.

Agad kong inilapag ang bag ko sa desk ko at nagshower saka nagbihis na dahil parang matagal na rin ako sa kwarto. Inayos ko ang maliit kong backpack saka inilagay ang mga kailangan ko at bumaba na.

"Ma, pupunta lang po ako sa group study ng klase namin huh? Pasabi na lang po kay Papa." sigaw ko mula sa sala na panigurado ay narinig ni mana na nasa kusina.

"Sige na, mag-iingat kayo! Relic iuwi mo si Misha ng buo rito sa bahay huh?" pabalik na sigaw ni Mama mula sa kusina.

"Yes tita." napatingin naman ako kay Relic dahil sa tawag niya kay mama.

"Tita? Tita mo na siya ngayon? Pinsan ba kita? Bakit nakiki-tita ka?" seryoso kong akusa sa kanya habang naglalakad palabas.

"Aba!" natatawang sabi nito saka ako hinabol.

Pinadala na rin pala niya ang kanyang sasakyan dahil medyo traffic na kung magco-commute kami.

"About sa pagkawala ni Kesha at Walters. Ano ba ang nangyari sa Walters na iyon?" hindi ko mapigilan ang aking pagka-curious sa mga nangyayari.

"Kakaiba ang naging welcome gift ng klase natin sayo." hindi ko malaman ang naging reaksyon ni Relic sa kanyang sinabi dahil hindi naman ako nakatingin sa kanya.

Nakarating naman kaagad kami sa bahay ni Tessa. Kinatok namin ang pinto saka bumungad samin si Tessa.

"Nandito na si Relic at Misha." sabi ni Tessa habang nakatingin sa aming magkaklase.

"Hello!" bati ko sa kanila habang nakangiti.

"Hi Misha!" sabay-sabay nilang sabi sa akin habang kumakaway.

Pinaupo nila ako sa couch saka nagsimulang magsalita si Tessa.

"Noong mawala si Ivan Walters isang araw lang din ang lumipas bago nagpakita ang clue." sabi nito na ikinagulat ko.

"Mayroong clue?" tanong ko sa kanya nang nagtataka.

"Meron. Isang leaf atsaka letter N. Iniwan ito sa kanyang locker." inilabas ni Tessa ang kanyang mga sinabi.

"Kung ganon…" sabi ko habang nag-iisip.

"Posibleng ang suspect ay nasa loob ng room?" sabi ko habang nagugulat.

The Infinite ChimeraWhere stories live. Discover now