Chapter 15: The Continuation

33 3 0
                                    

Naramdaman ko ang paghinto ng sasakyan ni Bishop.

"Dito na ko, Misha." pagpapaalam ni Tessa sa akin.

"Sure ka? Kanto pa lang 'to oh." sabi ko saka sumilip sa bintana.

"Sasabay na kami kay Tessa." sabi naman ni Pierre na tinapik si Prince.

"Oo nga pala, magkapitbahay tayo." napangiti ako sa sinabi ni Prince.

Magkakalapit lang pala mga bahay nila.

"Sige, ingat kayo." sabi ko nang nakangiti bago sila bumaba.

Agad na pinaandar ni Bishop ang sasakyan at idinrive papunta sa direksyon na kung saan ang bahay namin.

"Ikaw Relic saan ka?" tanong ko sa kanya.

"Kila Bishop." nakangiting sagot nito sa tanong ko.

Nakita ko ang pagtapak ni Bishop sa break tanda na nandito na kami.

"Ingat kayo. Salamat." pagpapasalamat ko saka binitbit ang aking bag.

"Pasok tayo." sabi ni Relic saka ako inunahang bumaba ng sasakyan.

"Teka! Hoy!" sabi ko nang nagmamadaling bumaba ng sasakyan.

Bago ako bumaba ay kinuha ko ang bag ko ngunit hinila din ito ni Bishop.

"Alas-dose na. Akala mo ba hindi ka papagalitan ng parents mo?" sabi nito saka bumaba na dala ang aking bag.

"Ako na magbibitbit n'yan." saad ko habang hinahabol siya maglakad.

"Ako na. Masusuot mo ba 'to ng may pilay sa kabilang kamay?" sabi nito habang umuupo sa harap ko.

"Ano naman 'yan?" nagtatakang tanong ko sa kanya dahil sa pag-upo niya sa harap ko.

"Sakay na. Makakalakad ka ba ng may sprain sa paa?" pilit aking umiwas sa mga pinagsasabi nito.

"May tahi ka pa. Kaya ko sarili ko. Di ba nga, sabi ko hindi mo ako obligasyon." sabi ko saka ginulo ang kanyang buhok.

Naglakad ako kahit paika-ika at nagdoorbell. Agad namang lumabas si mama at papa na may suot na towel sa katawan.

"Ano bang iniisip mo, Misha?!" galit na sigaw ni mama sa akin habang akbay siya ni papa.

"Sorry po ma, pa." paghingi ko sa kanila ng tawad.

"Okay lang, anak. Wag ka na lang ulit magpagabi. Alam mo bang halos atakihin sa puso ang mama mo sa kaba." natatawang kwento sa akin ni Papa.

"Sabi ko naman sa'yo. Okay siya eh." dagdag pa ni Papa saka ako niyakap at tinapik ang kanang braso ko.

"Waaahhh!" napasigaw ko at napahampas kay Papa.

"Pa, masakit po." naiiyak kong sabi sa kanya.

"Sila?! Sila ba ang nanakit sa'yo?!" tanong sa akin ni Papa habang umaaktong susugurin sila Relic.

"Hi Tita!" bati ni Relic kay mama.

"Tita? Kailan pa ako nagkaroon ng pamangkin na ganito kaputi? Hindi ba isa lang ang maputi sa pamangki--" naputol ang sasabihin ni Papa dahil binatukan siya ni Mama.

"Good evening po." nakangiting bati ni Bishop kila Mama.

"Good evening din. Pasok muna kayo." sabi ni Mama saka kami pinapasok sa bahay.

"Ma, masakit yung katawan ko. Kayo na muna po bahala sa kanila." saad ko dahil para akong lalagnatin.

"Ano bang nangyari sa'yo?" tanong sa akin ni Mama saka ako pinaupo.

"Nagpapaka-ibon po kasi siya kanina." sambit naman ni Bishop mula sa kanyang inuupuan.

Kinuha ni Mama ang dalawang ice bag saka nilagay sa aking balikat at paa.

Inikot ni Papa ang aking talampakan. Ilang beses ko na rin siyang nasipa dahil sa sakit.

"Ma, ayoko na! Masakit talaga!" sigaw ko sa kanilang dalawa ni Papa nang naiiyak.

"Sige na. Magpahinga ka na doon sa taas. Papatingin ka namin sa doctor bukas." halos hindi na ako makatayo upang umakyat nang hagdan.

"Bishop, Relic una na ako. Maraming salamat." pagpapasalamat ko sa kanila na sinuklian nila ng ngiti.

Umakyat na ako sa taas saka naglinis ng kang katawan pagkatapos ay agad na akong humiga sa aking kama at natulog.

Nandito nanaman ako? Naamoy ko ang simoy ng hangin na may amoy ng strawberry. Sa di kalayuan ay nakita ko ang mga kulay green na tao at matutulis ang mga tainga.

Nakita ko na sila. Nakita ko na sila sa Greek Mythology. Tinatawag silang dryads kapag nasira ang puno nila ay mamamatay rin sila.

Sa kabilang banda ay nakita ko naman ang mga satyr, ang mayroong ulo ng tao at paa't buntot naman ng kambing, na gumagawa ng mga armas na gawa sa kahoy.

Kasunod ng kanilang pagawaan ay ang mga centaurs kung tawagin. Sila ang mga nilalang na kung saan kalahating tao at kalahating kabayo. Nage-ensayo silang gumamit ng pana.

Ang mga oread naman ay matatanaw mo sa isang malapit na bundok sa di-kalayuan habang nag-aayos ng kanilang mga tahanan. Sila naman ang mga nymphs ng kabundukan.

Nakita ko ang mga kaklase ko na lumalabas mula sa kani-kanilang bahay na nakita ko noon. S--si Amelia kasama niya si Mysticia at Kirby?

"B--bakit kayo narito?" tanong ko sa kanilang lahat nang makalapit sila sa akin.

"Kinulong kami ni-- Teka! Sino ka ba?" sabi ni Mysticia kasabay nang pagtunog nang nakabibinging sigaw mula sa bundok na kung saan naroon ang mga oread.

"Pasensya na, babae. Ngunit hindi ka namin kilala." sabi ni Kesha saka tumakbo na hawak ang kanyang pana.

Nakita ko ang isang malaking cyclop na nanlilisik ang nag-iisang mata sa kanyang noo.

Napasigaw ako nang matapakan ako nito.

"Mishaaaaaaa!"

The Infinite ChimeraWhere stories live. Discover now