Chapter 18: The Figure of Her Trauma

35 3 0
                                    

"Napakagandang bati n'yan sa umaga." seryoso kong sabi kay Bishop saka tumayo sa kama.

"Kasalanan ko bang ako kaagad tinawagan?" sagot naman nito sa akin.

"Susunod na ako sa baba. Maaga tayong pumasok ngayon." saad ko habang nag-aayos ng aking mga gamit.

Umalis na ito saka pumunta sa kwarto ni Relic upang gisingin ito. Nagshower na ako saka mabilis na bumaba sa dining room para mag-almusal.

"Good morning po!" masigla kong bati sa magulang ko nang nakangiti upang hindi nila mahalata na mayroon kaming problema ngayon.

"Okay na ba 'yan?" tanong ni Papa sa akin saka nginuso ang aking braso.

"Opo." nakangiti kong sabi sa kanila kahit medyo masakit pa rin hanggang ngayon.

Matahimik kaming kumain habang nagkakatinginan nila Bishop at Relic.

"Bakit ba kayo nagtitinginan?" natatawang tanong sa amin ni Mama dahilan para mapaiwas kami ng aming mga tingin.

"Wala po." sabay-sabay naman naming sagot.

Pagkatapos naming mag-almusal ay agad kaming umalis upang maagang makapunta sa academy.

Nagpark kaagad si Bishop sa underground parking lot ng school. Nauna ako sa kanila maglakad, sakto naman na nakita ko si Tessa na papalapit rin sa amin.

Napansin namin na nagkakagulo sa bulletin board. Kaya naman nakipagsiksikan kami. Ilang beses na ring nabunggo ang aking kamay dahilan para mapangiwi ako sa sakit.

Intruders of the Academy, attacked last night

Nagkatinginan kaming lahat nang mabasa ang headline ng article na nakadikit sa bulletin board.

Agad naman kaming umakyat sa room para matignan na ang laman ng locker ng dalawang nabawas muli sa amin.

"Panigurado ay may pilay ang babae sa kanyang kamay. Ikaw ba naman tumalon mula second floor pababa." narinig kong usapan ng mga guards na nagbabantay sa pinto ng aming room.

"Act naturally." bulong sa akin ni Tessa nang malapit na kami sa room.

Ibinaba ko ang aking kanang braso saka naglakad ng diretso.

"Good morning po!" bati ko sa kanila habang nakangiti.

"Good morning din."  sagot sa akin ng isang guard.

Umupo kami ng diretso sa aming mga upuan saka ako pinagtinginan.

Inilabas ko ang aking phone nang maramdaman ko ang pagvibrate nito. Ikinabit ko ang headset ko saka sinagot ang tawag.

"Go na, Pierre." saad ko saka binaba ang tawag.

Gagawa lang naman siya ng eksena sa baba para makuha lahat ng atensyon ng mga guards.

"May sunoooog!!" sigaw ni Pierre habang nakatingin sa bintana ng aming room.

Lahat naman ng mga kaklase ko ay nagpanic at dinala ang kanilang mga bag maliban sa amin.

"Pinapatawag tayo sa baba!" saad ng nagbabantay na guard sa aming pinto.

Pasimple kong kinuha ang martilyo sa desk saka pumunta sa lockers. Sakto naman ang pag-alis nila saka ko naman pinukpok ang padlock ng locker ni Mysticia at ni Kirby.

Binuksan ko ang locker ni Mysticia.

"Pen at Letter I." iniabot ko kay Tessa ang mga clues saka sinunod ang kay Kirby.

"Radio? Letter M." hinablot ko lahat ng letters sa mga lockers ng mga nawawala naming kaklase.

Lumabas kami ng kwarto at napalingon muli ako. Nanlaki ang mata ko nang makita ko si…

"Kuya?"

The Infinite ChimeraWhere stories live. Discover now