Chapter 32: The Legendary Girl

72 5 3
                                    

Nagising ako dahil sa totoong pagsigaw ni Bishop. Nabitawan ko ang kanyang noo saka naman ito natumba sa aking balikat.

"S-sorry. Bishop?" tinapik ko ang kanyang balikat ngunit nakasandal lang ang kanyang ulo sa aking balikat.

"Bishop? Bishop! Gumising ka!" nagsimulang mamuo ang mga luha sa aking mata.

Kinuha ko ang nectar sa aking device saka binuhat ang kanyang ulo, pinainom ko sa kanya ito. Hindi ko na napigilan ang pag-agos ng luha ko ng hindi man lang ito gumalaw. Yinakap ko siya habang nagsisisi kung bakit ko ginawa 'yon.

"Thank you for hearing me." nanlaki ang mata ko nang marinig 'yon.

"Baliw ka ba!?" malakas kong sigaw sa kanya.

Kasabay nang pagngiti niya ang pagliwanag ng kalangitan.

"Lokohan ba 'to? Bigla-bigla na lang nagiging umaga at gabi?" natatawa kong sabi.

"Patunay 'yan na mayroong kumokontrol sa lugar na 'to." napalingon ako sa paglabas ni Kuya Luke.

Nagsimula na kaming magligpit ng aming mga gamit saka nagsimula muling maglakad. Totoo nga ang sinabi ni Prince dahil natatanaw ko na ang mataas na pader na tinatawag nilang 'barrier'.

Ilang metro na lamang ang aming layo nang magsilabasan ang aming mga kalaban.  Kay Bishop ay isang fire-breathing dragon, kay Relic ay water dragon at kay Kuya Luke ay isang cyclope . Samantalang si Tessa, ang kambal, si Prince at ang mga kasama ni Kuya Luke ay nakikipaglaban sa isang batalyon ng mga boars at mga leon.

"Misha! Takbo na! Sirain mo na ang barrier!" nagising ako dahil sa pagsigaw ni Relic na abalang umiiwas sa mga pag-atake ng dragon.

Sinunod ko ang kanyang utos at tumakbo papunta sa barrier. Dumadaplis sa aking paa ang mga matutulis na dulo ng mga talahib ngunit hindi ko ito pinansin. Napapalibutan rin ako ng mga kakaibang alitaptap na kung saan ay patuloy ang pag-ilaw ng iba't ibang kulay kahit umaga na.

Hahawakan ko na sana ang pader nang may nagsalita sa aking likuran.

"Not that easy." may panunukso sa tono ng boses ni Ethan Halt nang sinabi niya 'yon.

"Nagtiwala kami sa'yo! Wala kang kwentang guro!" sigaw ko saka tinutukan siya ng arrow sa kanyang lalamunan.

"Easy, Misha." natatawang sabi nito habang nakataas ang kamay.

Lalo akong nanggigil habang hawak ko ang bow ko.

"Malakas talaga ang loob mo na lumaban laban sa akin." tumawa ito nang malakas dahilan para mainis ako at bitawan ang arrow.

"Hindi ganoon kadali, Misha." nakangising sabi nito saka itinuro ang arrow.

Nanlaki ang mata ko nang unti-unting humarap sa akin ang sarili kong arrow at mabilis na bumalik papunta sa akin saka tumarak sa aking dibdib.

"Misha!" narinig ko pa ang pagsigaw ni Bishop sa hindi kalayuan.

Napaluhod ako habang hawak ang aking dibdib na puno ng sarili kong dugo.

"As I said, not that easy." malakas na tumawa na parang demonyo si Ethan.

"Hayop ka." saad ko habang hinihingal na nakatingin sa kanya.

"Wala kang kwenta pagdating sa akin. I can control metals, Misha. Kaya walang kwenta 'yang arrows mo." nakangising sabi nito sa akin.

"If you can control metals, I can control minds." ngumisi ako saka tinitigan nang mabuti ang kanyang mga mata.

"Anong ginagawa mo?" hindi ito mapakali sa kanyang kinatatayuan.

Unti-unti kong pinasok ang kanyang isip at kinontrol ang kanyang katawan. Pinalutang ko ang aking mga arrows at sabay-sabay na pinaulan sa kanya.

Ang isa ay sumakto sa kanyang noo dahilan para mapabagsak siya. Nilapitan ko siya at tinitigan ang nakadilat niyang mata.

"As I said, I can control and overload minds. You built me with this weapon and I killed you with you're own built invention." ngumisi ako sa kanya saka pinikit ang kanyang mga mata.

Tumalikod ako sa kanya saka hinarap ang mataas na pader. Hinawak ko ito at lumabas ang umiilaw na mga letra.


Infinite Chimera
"Destroyer's blood must shed here."

Hinawakan ko ang tumarak na pana sa aking dibdib. Unti-unti ko itong hinila saka sinundan ang hugis ng 'infinity' na nakatatak sa pader.

Nakasisilaw na liwanag ang lumabas mula rito na sinakop ang buong paligid. Kasabay nang pagdilat ko ang pagkabasag ng salamin na container na pinaglalagyan ko. Nawala ang pader at ang langit na akala namin ay totoo. Naging mist ang mga kalaban na mga hayop ng mga kasama ko. Nawala rin ang sugat ko sa dibdib

Nakita ko ang isa-isang pagkabasag ng mga salaming container na pinaglalagyan ng mga kaklase ko pati na nila Kuya. Para akong nagising mula sa isang mahabang panaginip.

Hinakbang ko ang aking paa papunta sa container na pinaglalagyan ni Bishop dahil siya na lamang ang hindi nagmumulat ng mata. Kasabay ng pagkatok ko ang pagmulat niya ng mata. Napaatras ako nang magsimulang magcrack ang container at saka nabasag nang tuluyan.

Niyakap ko siya nang makita ko ang kanyang pag-ngiti.

"Thank you for saving us." sabi nito habang mahigpit akong yakap.

"Thank you for waking me up." nakangiti ko ring sagot sa kanya.

Hindi ko napansin na mayroon pang isang container na naiwan na hindi pa nasisira. Kinatok ko ito ngunit hindi ito nag-crack o anuman.

"Bunso, mas pinili niya sa loob." liningon ko si Kuya ngunit bumalik pa rin ang tingin ko sa container ni Officer Diaz.

Sabay-sabay kaming humakbang papalabas ng kwartong minsan nang tinawag na 'Infinite Chimera'. Kasama ang aming natatanging abilidad.

Sumalubong sa akin si Papa at Mama.

"Vince? Misha?" niyakap kami ni Mama.

"Magdadalawang taon ka ng nawawala Misha at ikaw Vince walo na. Saan ba kayo nagpunta?" nag-aalalang sabi ni Papa.

Nakita kong niyakap si Bishop ng magulang niya saka ako nito kinindatan, sinuklian ko siya ng ngiti.

Officer Diaz's POV

Sasagutin ko ang misteryong ito. Maiiwan ako rito sa loob ng bangungot na 'to.

Isang babae ang gumawa ng isang alamat at siya si Misha Fontazillo.

"She who breaks the barrier."

_______________________________

"THE END"

The Infinite ChimeraWhere stories live. Discover now