☣ CHAPTER ONE -TERRACE- ☣

710 53 5
                                    

Dear Diary,

Sino nga ba naman ang magaakala na mahuhulog ako sa mas bata sa akin. Yung tipong tatanungin ka ng

HA? BAKIT SYA?

SERYOSO KA?

NANGU-UTO KA NANAMAN NO?

ANONG NAGUSTUHAN MO SA KANYA?

BAKIT MADAMI NAMANG NANLILIGAW SAYO AH!

WALA NAMANG MERON SA KANYA.

WALA NAMAN SYANG IPAGMAMALAKI.

Minsan nakakairita narin yung mga tanong na ganito. Goodness! Maski nga ako hindi makapaniwala na nagkagusto at nahulog sa kanya. Yung tipong paulit ulit mong sinasabi sa sarili mo na "KAHIT KAYLAN HINDI AKO MAHUHULOG AT MAGKAKAGUSTO SA TAONG MAS BATA SA AKIN"

Pero anong nangyare? Kinain ko lang din yung mga sinabi ko. Ewan ko ba.. Maybe tama sila "AGE DOESN'T MATTER". Ano nga lang naman yung apat na taon na pagitan. Ang totoo nyan hindi ko rin alam kung anong nakita ko sa kanya at hindi ko rin masagot yung mga tanong nila sakin kasi nga hindi ko talaga alam, Basta ang alam ko. Masaya ko pag kasama ko sya. Yung tipong nabubuo yung araw ko pag mag kasama kami. Yung feeling na makita mo lang sya may kakaibang kuryente na biglang dadaloy sa buong katawan mo. Para kong nasasakop ng enerhiya nya pag magakasama kami. Ibang iba yung aura nya.

Pero hindi ko sukat akalain na sa kabila ng pagmamahal ko na yun. May nasasaktan na pala kong iba.

-Justin De Guzman

Napatigil ako sa pagsusulat sa aking diary naalala ko nung gabing nakilala ko sya. Ganitong oras din yun. Dito mismo kung saan ako nakaupo. Kung saan nagsimula ang lahat. Kung saan nabigyan ng kulay ang madilim kong buhay at binawi yun ng tadhana.

*-*-*

FLASHBACK

Gabi ng sabado ng ipakilala sakin ng kababata kong si Joshua si VIN. 13 years old sya at ako naman ay 17. Gwapo si vin. May pagka singkit ang mata. Matangkad, Maputi at maganda ang hubog ng kanyang katawan kahit bata palang sya.

Kaya nga unang kita ko palang sa kanya. Alam ko na agad na maraming paiiyaking babae 'to.

"Justin, si vin pala. Naalala mo sya?" Tanong sakin ni joshua. Napabaling ang mga mata ko sa taong natayo sa harap ko. "Oo, naalala ko sya. Anak sya nung labandera namin dati. Si nanay Onie" umupo si vin sa harap ko at si joshua naman sa tabi ko. "Wala ka man lang bang pa miryenda? May bisita ka oh. Tsaka nagugutom na ko" iritang sabi ni joshua. inirapan ko naman sya. "Bakit di ka kumain sa inyo?" Inis kong sabi.

DEAR HEART, WHY HIM? (BOYXBOY)Where stories live. Discover now