☣ CHAPTER TEN -I SHOULD KNOW THAT- ☣

355 42 6
                                    

JOSHUA'S POV

Hindi ko maipinta yung selos na aking nararamdaman. Ibang selos ito sa nararamdaman kong selos kay vin dahil hindi ko nakikita o nababantayan yung magiging kilos ni enzo kay Justin at isa pa hindi ko pa masyadong kilala tong enzo na to. Hindi mapalagay yung isip ko kung ano na bang nangyayare sa kanila, kung nasaan na ba sila at kung ano bang ginagawa nilang dalawa.

Sh*t, I don't think I can really handle this right now.

Nakakawala naman kasi ng mood yung ginawa ni Justin. Bakit ba kasi kaylangan nya pang manuod ng sine kasama yung lalakeng yun. Nakalimutan nya bang kami yung kasama nya. Plano ko pa naman sana na maglibot kaming apat after kumain. Kaya lang, para saan pa? Kasama nya na si enzo. Malamang sa malamang nagkakasiyahan na yung dalawang yun.

Dapat nga ako yung kasama nya. I mean kami. Diba?

Mukang magiging karibal ko pa tong enzo nato kay Justin. Badtrip naman oooh. Okay na ngang si Vin lang dumagdag pa sya.

Papauwi na kami. Ano pa nga bang gagawin namin? Kundi umuwi nalang, ganitong nawala na ko sa mood. Ako ang nagmamaneho ng sasakyan. Si Stacey naman mahimbing na natutulog sa likod dahil napagod daw sya at si vin naman, ayun seryosong nakatingin sa labas. Hindi rin maitimpla ang pagmumuka dahil panigurado na badtrip din sya sa nangyare. Sa totoo lang, kanina pa sya seryoso sa mall.

Ako gusto ko ng sumabog kaya lang hindi pwede. Hindi pwede na ilabas o ipakita yung selos na nararamdaman ko. Kaylangan ko pang mag kunwari na okay lang sakin yung nangyare para lang hindi maka halata si Stacey at vin.

Tinignan kong muli si vin at hindi mo talaga matitinag yung kaseryosohan ng muka nya.

"Pre, okay ka lang?" Tanong ko sa kanya para naman maputol yung katahikan dito sa loob ng sasakyan. Perooo, hindi nya ko kinibo. Muli kong inulit yung tanong ko.

"Pre, okay ka lang ba? Bakit ba napaka seryoso ng muka mo?" Ibinaling naman nya yung tingin nya sakin.

"Ikaw ba pre. Okay ka lang ba?" Tssss. Tinanong mo tapos tatanungin karin. Wala rin sa hulog tong batang to. Hahaha. Sinagot ko nalang yung tanong nya.

"Huh? Oo naman. Okay lang ako. Ano bang pinagsasabi mo dyan? Hayaan mo na kasi at least hindi sya kasama sa camping. Diba? And that is a good thing. Pumunta ka nalang sa positive side dude" Sinabi ko yun para itago yung selos na nararamdaman ko. Bakit nya ba ko tinatanong kung okay lang ako? Hindi kayaaaa....

"Hindi naman kasi yun pre. Yung iniisip ko" Huh? Kung hindi yun? Ano yung iniisip nya?

"Bakit? ano ba yung iniisip mo?" Tanong ko sa kanya para maliwanagan naman ako. Tumingin naman sya sakin at ibinaling ulit yung mga mata nya sa labas. Hindi ko naman sya tinitignan dahi itinutuon ko yung sarili ko sa pagmamaneho. Ilang Segundo din syang tumahimik bago nya sinagot yung tanong ko.

"Iniisip ko kasi kung parehas lang din tayo ng nararamdaman ngayon" Nakakahalata na ko kung anong pinupunto nito. "Tsss. Ano bang sinasabi mo dyan? Pre" Pero kaylangan ko parin magpanggap. Hindi sya dapat makahalata.

Matapos kong itanong yun tumahimik nalang ako at itunuon nalang ulit lahat sa pagmamaneho dahil hindi rin naman nya sinagot yung tanong ko. Sa palagay ko nakakahalata na sya. Hindi ko alam kung paano.

Ilang minuto din ang tinagal ng katahimikan nayun hanggang sa....

"Nakita ko kung papaano ka mag selos kanina kay enzo" Sagot nito sakin. Sabi ko na eh, Sa palagay ko hinuhuli nya lang ako. Hindi ko alam kung anong tumatakbo ngayon sa isip neto at ang tagal bago sagutin yung mga tanong ko.

Hindi ko muna sinagot yung tanong nya para iayon yung sinabi nya at katulad ng lagi kong sinasabi sa kanya. Dahil dapat consistent yung sagot ko at hindi ko alam kung bebenta pa.

DEAR HEART, WHY HIM? (BOYXBOY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon