☣ CHAPTER SIX -THAT AWKWARD MOMENT PART 1- ☣

385 46 1
                                    

JOSHUA'S POV

"Gooood Mooorniiing, Sunshine" Hinawi ni Stacey ang mga kurtinang nagsisilbing tabing sa sinag ng araw na naging dahilan para imulat ko ang aking mga mata. "Bakit ba? Ang aga aga pa. Ano bang kaylangan mo?" Tinakpan ko ng unan ang muka ko at muli kong pinikit yung mga mata ko.

Ng walang pagaatubili bigla nalang syang tumalon sa kama ko at niyuyog yung katawan ko. "Kuyaaa naman eeeeiiii, alam mo naman na this is the day that the lord has made. I mean, hindi pa naman natin camping kaya lang eto yung day, para mamili tayoooooooo" pahiyaw nito sa tenga ko. Hindi ko nalang sya pinapansin dahil sobrang inaantok pa ko. Hanggang sa.....

"Teka, Teka, bakit ba parang puyat na puyat ka?" Ang tanong na muling nagpamulat sa aking mga mata.

*
*
*
*
*
*
*
*
*
*

JUSTIN'S POV

Sinag ng araw na nagmumula sa aking bintana ang pumukaw sa mga mata kong nakapikit. Unti unti ko itong minulat pero hindi kaya ng talukap ng aking mata dahil sa sobrang Antok. Pinilit kong tumayo upang isara ang kurtina at magsilbing harang sa sinag ng araw. Bumalik ako sa pagkakahiga at muling pinikit ang aking mga mata. Hanggang sa.....

"Papaano ako napunta dito?" Tanong na muling nagpamulat sa aking mga mata.

Napaupo ako bigla at tumingin mula sa salamin sa harapan ng aking kama at inalala ang mga nangyari kagabi.

Kagabi, si joshua...

*
*
*
*
*
*
*
*
*

VIN'S POV

Malakas na sinag ng araw ang gumising sa akin. Pero Hindi ko ito pinansin at bumalik nalang sa pagkakatulog. Pinikit ko yung mga mata ko. at hindi ko maiwasang isipin kung anong ginagawa nila Justin at Joshua dun sa may labas ng ganong oras. Hanggang Sa......

"Anong meron sa kanila?" Tanong na nagbuhay sa aking dugo at naging dahilan para imulat ko yung mata ko.

Wala akong nagawa kaya tumayo na lamang at lumabas na lang ako. Nakita ko si joshua na nagkakape sa kusina. Magandang pagkakataon ito para tanungin sya, kaya pinuntahan ko sya doon.

"Pre, bakit parang puyat na puyat ka? Tsaka bat namumula yung mga mata mo" paunang tanong ko sa kanya. Ayoko naman syang biglain sa itatanong ko. "Ah, naginom kasi ko kagabi" sagot nya sakin. Naginom? Tanong ko sa isipan ko.

"Grabe, Di ka man lang nagaya" tampo kong sabi. Nangiti lang ang loko loko. Nag timpla ako ng kape at umupo sa harapan nya. Seryoso syang nagkakape at kinuha ko yung pagkakataon na ito para mag tanong

"Pre, nakita ko kayo ni Ju---" at ng biglang

"Gooood Moooorning, Gentlemen" kinuha ni Stacey yung kape ko at humigop. Badtrip naman tong si Stacey.

"As the lead---, wait! Where's kuya Justin?" Dagdag pa nito. "Ako nalang pupunta sa kanya" Biglang sagot ni joshua. Agad agad syang umalis para puntahan si Justin. "Go! Kuyaaa" Pahiyaw nito kay joshua

"Hahahaha, ang cute ni kuya pag si Justin na ang usapan. Diba?" Nakakairitang tanong ni Stacey. "O, tapos?" Pangaasar ko sa kanya.

"Don't you get it. Ughhh! So slow. What I'm saying is, bagay sila. I mean, matagal na silang mag best friend. Don't you think na pwede na nila yun iangat sa next level. Kahit na lagi silang nagaaway at nagaasaran. Nakakakilig kaya pag ganun. Hahahaha. I mean, okay lang sakin na pumatol si kuya sa kapwa nya boy as long as si kuya Justin lang yun. Ang Gwapo kaya ng kuya ko and Gwapo din si kuya justin. So, bagay talaga silaaaaa.... Pinagtagpo sila ng uuuuuuniveeeerse para magmahalaaaan. Eeiiiiii, so kileeeg to the bones Ako. Masyado kasing torpe si kuya kaya sa kabwisitan nya lang dinadaan yung love nya for kuya Justin. Hindi mo ba nakikita yun?" Nangiinsulto ba to? Bakit? Hindi rin ba kami bagay ni Justin? Mas bagay kaya kami.

DEAR HEART, WHY HIM? (BOYXBOY)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin