☣ CHAPTER FIVE -UNDER THE MOONLIGHT- ☣

404 49 5
                                    


JUSTIN'S POV

"San ba kasi tayo pupunta? Magagabi na oh" tanong ko kay Vin. Hindi kasi ako sanay na lumabas ng ganitong maggagabi.

"Sakay" sabi ni Vin.

"Huh?" Napatingin ako kung saan nya ko pinapasakay. "Sabi ko sakay" pagpipilit nya.

"Ano kasi... Eh" pagaatubili kong sabi.

"Hindi sya sumasakay ng single na motor, takot syang sumakay sa ganyan" bilang may nagsalita sa likod namin, si Joshua.

"Halika na, sanay ka na, wag kang magalala. Safe ka sakin" Sabay kindat. Tumingin lang ako kay joshua at sinesenyasang bawalin nya si Vin

Tinitigan nya lang ako ng seryoso at tumingin ulit kay Vin "Sige, pre pasok na ko. Bahala na kayo dyan" Anong problema nun? Grabe naman sya, hindi man lang ako tinulungan. Humarap ulit ako kay Vin.

"Ah, Vin ano kase. Hindi kasi ako sumasakay talaga ng single, natatakot kasi ako" pag-papaliwanag ko sa kanya. Tumingin sya sakin ng seryoso "Ganito nalang tumingin ka sa mga mata ko" tumingin ako sa mga mata nya. Bakit ganun? Napakapungay ng mga ito.

"Just, SAFE KA SAKIN, Okay? Wag kang mag alala" nung sinabi nya yun parang nakaramdam ako ng tiwala. Napabuntong hininga nalang ako at pikit matang sumakay sa single.

Kinuha ni Vin yung mga kamay ko at nilagay nya sa bewang nya "Ayan! Kapit ka lang sakin ng mahigpit" nakikita ko sya sa side mirror, nakaharap kasi sa kanya yung isa. Napakatamis ng mga ngiti nya. Ngiting nakakatunaw.

Nung pinaandar nya na yung single mas lalo akong lumapit sa kanya at mas hinigpitan ko ang kapit ko. "O, hahaha hinay hinay lang at baka hindi ako makahinga sa sobrang higpit ng yakap mo"

Hindi ko na sya pinansin at pumikt nalang ulit ako. Naramdaman ko nalang na pinaandar nya yung motor. Naririnig ko si Vin na tumatawa.

"Hahaha. Dumilat ka nga dyan para kang babae" napadilat naman ako sa sinabi nya. Babae naman ako. Sa puso nga lang.

"Ano kamo? Nangaasar ka ba?"

"Hindi naman gusto lang kita padilatin, para nalaman mo na nakasakay kana sa umaandar na single" paliwanag nito. Oo nga no, ang galing napasakay nya ko sa ganito.

Seryoso ba talaga to? Hahahaha. Nakakatuwa naman.

"PALALAAG" sabi ni Vin "Ano yun?" Hindi ako pinansin ni Vin kaya tinignan ko nalang sya sa side mirror. Napaka GWAPO nya.

"PAHULOOG" Kung ano-ano talaga yung sinasabi ng busit nato.

"JA LIKO" Pinipilit kong i-connect yung palaglag at pahulog sa pag dra-drive nya pero yung "JA LIKO" Sinasabi nya tuwing liliko kami and I guess, I get that right. Hahahaha.

Tinitignan ko lang sya habang nag dra-drive at sa hindi inaasahang pagkakataon nahuli nya kong nakatingin sa kanya kaya iniwas ko agad yung tingin ko sa kanya. Ngumisi lang ang loko.

"Nandito na tayo" sabi nya at inihinto yung motor "Huh? Dito? In the middle of nowhere?" Honestly, hindi ko talaga alam kung nasan kami. Sobrang dilim at tanging sinag lang ng buwan ang nagsisilbing liwanag sa lugar na ito.

Bumaba ako sa motor at sya naman ay umupo ng pa side. "Tumingin ka sa langit" sabi nya.

Pag tingin ko sa taas. Wow! Grabe namangha ako sa aking nakita. Napakagandang kalangitan punong puno ng mga bituin. Para silang mga anghel na sumasayaw sa kalangitan.

"Nabanggit mo kasi sakin dati na gustong gusto mo sila Tignan tuwing gabi" Napatingin ako sa kanya. "Huh? Naalala mo pa yun? Ang tagal na nun ah" sabi ko sa kanya.

DEAR HEART, WHY HIM? (BOYXBOY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon