☣ CHAPTER THIRTEEN -THE CAMPING PART 2- ☣

278 41 2
                                    

VIN'S POV

-May the best man win- mga salitang pinasukan ko at hindi ko akalaing susubok ng tapang ko at lakas ng aking loob. Hindi ko akalain na ganito pala magiging kahirap para sa akin ito. Oo, alam ko ng may gusto si joshua kay justin simula palang nung dumating ako at nung inaya nya kong uminom... pero hindi pa ko ganoong sigurado nun kaya nagobserba pa ko. Pero, hindi ko akalain na dadating ang araw na ako mismo ang magsasabi at magtatanong sa kanya. Simula nung na-compirma ko na may gusto nga talaga sya kay justin.

Aaminin ko, kinabahan at pinanghinaan ako ng loob.

Pakiwari ko? para bang natalo na ko.

Hindi na ako nakagawa ng kahit anong hakbang simula nun.

Nung gabing nagalit si justin samin ni joshua. Kinabukasan pumunta ako sa kanila para sana humingi ng tawad sa kanya. Alam kong hindi ko gawain to. Perooo, para sa taong mahal ko? kaya kong ibaba ang pride ko. Pero laking gulat ko ng makita ko silang magkayakap at umiiyak si justin sa balikat nya. Alam kong nakita ako ni joshua nung mga oras nayun dahil ilang hakbang lang ang layo ko sa kanila. Ilang segundo ko din silang pinagmamasdan. Sobrang sakit ng nakita ko. Hindi ko na magawang humakbang nun para sana mapaghiwalay sila. Tinitignan lang ako ni joshua at nakita kong tumulo ang mga luha sa kanyang mga mata at nung oras na yun nakita ko sa mga luhang yun kung gaano nya ka mahal si justin. Tumalikod nalang ako at humakbang papalayo sa kanila. Ano bang laban ko sa isang best friend? Na laging nandyan para sa kanya.

Sabi nya wala syang lakas na loob na umamin kay justin pero sa nakikita ko mukang naguumpisa na syang magparamdam.... at ako? eto pinanghihinaan parin ng loob. Pilit kong sinasabi sa sarili ko na hindi ako mag papatalo kay joshua para lang lumakas ang loob ko. Perooo, sarili ko lang nag ginagago ko.

Tama naman si monica walang ibang makakalutong sakin kundi ang sarili ko. Kaylangan kong harapin kung anong pinasukan ko.

"I don't know. Bakit ka pinanghihinaan ng loob but gusto mo ba na maunahan ka ni joshua?" Nung tinanong sakin to ni monica. Napaisip ako. Kung hindi ko lalakasan ang loob ko at kung hindi ako ulit gagawa ng hakbang para iparamdam na may gusto ko sa kanya at kung gaano ko sya ka mahal. Baka pagsisihan ko lang ito bandang huli.

-*-
*
*
*

MONICA'S POV

Tahimik lang kami umiskapo ni vin palabas sa super creeping kakahuyan na ito. I mean, ako kahit papaano naman nagsasalita. Pero sya? tahimik lang talaga. Makikita mo sa kaseryosohan ng kanyang muka na malalim ang kayang iniisip. Hmmmm. I wonder, siguro iniisip nya yung sinabi ko sa kanya. Medyo hindi nga lang sya gentleman dahil yung isang sako pinabuhat nya sakin pero hindi ko ito binuhat bagkus kinaladlad ko nalang. Like, seryoso. Ang buong pagaakala ko sya ang magbubuhat dahil lalaki sya. Well, expected ko naman ng mangyayari to... naamoy ko na teh. Sinira nya ang beauty ko. Hindi kaya nya nakita na babae ako? Bakaaa, gumaganti dahil sa mga sinabi ko sa kanya kanina.

Nang Makalabas kami dumiretso ako kay stacey at justin na nakaupo sa kahoy sa harap ng tent. Si Vin naman inayos yung mga kahoy na kinuha namin.

"May pagka something pala yang si vin no? Pinabuhat ba naman sakin yung isang sako. Girl kaya ako" tumawa lang yung dalawa na parang ibig sabihing -we know-

Nagkwentuhan lang kaming tatlo ng mga pwedeng gawin later. Halatang mga first timer lang kami ni justin dahil wala kaming maiambag na exciting na scenario. Sa kalagitnaan ng kwentuhan namin nagulat ako kay stacey kasi hinila nya ko papalayo sa kay justin "San kayo pupunta?" Hiyaw ni justin samin. "Kay Mang Carlo hihiram lang kami ng itak" sagot naman ni stacey sa kanya.

DEAR HEART, WHY HIM? (BOYXBOY)Where stories live. Discover now