☣ CHAPTER TWENTY SIX -HISTORY REPEAT ITSELF- ☣

169 22 0
                                    

JUSTIN'S POV

Dalawang araw na ang lumipas matapos ang paguusap namin ni joshua. Dalawang araw naring hindi nagpaparamdam si harry sakin. Nagaalala na ko sa kanya. Hindi nya din kasi sinasagot yung mga tawag ko. Lagi akong pumupunta ng condo nya para i-check sya pero laging walang tao. Ano kayang nangyare dun? Iniisip ko nga baka busy sya sa schedule nya kaya lang impossibleng hindi magpaalam sakin yun.

Nabaling naman ang mga tingin ko kay enzo ng bigla syang magsalita "Capt, Tinatanong pala ni monica kung nagkausap na kayo ni harry?" Napansandal naman ako sa upuan "Hindi pa nga eh. Nagaalala na nga ako sa kanya. Hindi nya din kasi sinasagot yung mga tawag at text ko. May balita ka ba sa kanya?" Umiling naman sya bilang sagot. "Ang alam ko lang nagkausap sila ni monica nung magkasama kayo ni joshua" Oo nga no. Bakit ba kasi hindi ko tanungin si monica?

"Capt, nga pala congratulations. Nabalitaan ko na kayo na ni joshua. May jowa kana ulit kaya pala blooming ka" hinampas yung braso nya.

"Wag ka kayang maingay pero salamat" maikli kong tugon "Mag kwento ka naman capt kung anong nangyare. Simula nung dumating ka hindi ka pa nagkwekwento samin ni monica"

"Capt. Sorry sa istorbo pwede po ba ko mag pa insert ng swero nakakadalawa na kasi ako bulged parehas" Pakiusap ni francine sakin. Tumayo naman ako at tumingin kay enzo "Mamaya nalang natin pagusapan yan after duty" Tumango naman si enzo at nagsulat na ulit sa patient chart. Pumunta naman ako sa patient ni francine at kinabitan iyon ng swero.

Matapos ang duty namin ay agad naming pinuntahan si monica sa ward niya. Nandatnan naman namin na nagaayos na sya ng gamit sa nurses lounge "Oh bakla, anong ginagawa nyo dito?" Bungad nya samin. Umupo naman ako sa upuan at tumabi sakin ni enzo. "Bakit parang napaksaseryso nyo namang dalawa? Ano bang chika?"

"May balita ka ba kay harry dalawang araw na kasi syang di nagpaparamdam sakin" naging seryoso naman ang muka at umupo ito. Bigla naman akong kinabahan sa ekspresyon na pinakita nya samin.

Nagkwento naman agad si monica sa kung anong napagusapan nila ni harry at nagulat ako sa mga narinig ko.

"What? Andito si stacey? Bakit hindi man lang sinabi ni joshua sakin yun?" Gulat kong tanong kay monica "Abay! Malay ko dyan sa jowa mo. So, eto na nga matapos tarayan ni stacey si harry at sinabing kayo na nga daw ni joshua umalis na sya. Hindi ko naman na sya pinigilan kasi alam kong kaylangan nyang mapagisa. Naloka nga ako kay stacey eh. Pinipigilan ko na ayaw magpatigil" pagpapaliwanag nito.

"Nakuu, malamang sa malamang broken yung si harry" Bulong ni enzo. Napatingin naman ako sa kanya "Broken?" Pagtataka ko.

"Hay nako ewan ko sayo justin. Ikaw naman kasi masyado kang manhid ang tagal tagal ng may gusto sayo si harry hindi mo nanaman naramdaman. Reyna ka talaga ng kamanhidan. Yung totoo naka anesthesia ba yang puso mo? Diba, ganyan din nangyare kay joshua. Nung umamin sya tsaka mo lang nalaman eh nagkaaminan na kayo ni vin. So, ang ending olats si joshua" Nagulat naman ako sa sinabi ni monica. Hindi agad ako nakapagsalita. May gusto sakin si harry?

"History repeat itself nga naman" Bulong ni monica. Hindi pwede 'to kaylangan may gawin ako. Hindi ko talaga alam na may gusto sakin si harry. Bakit nga ba ang manhid ko? "Tandaan mo justin may kasabihan tayo Each time history repeat itself the price goes up" Hindi ko naman na pinansin yung sinabi nya.

"Alam mo ba kung nasan sya?" Tanong ko kay monica. Inirapan naman nya naman ako "Bakla, nakikinig ka ba? Kaya nga pinapatanong ko kay enzo kung nagkausap na kayo kasi no show si harry. Ano bang nangyare sayo sa campsite at parang lutang ka?" Inis nitong sabi.

"Ako nalang maghahanap sa kanya off ko naman bukas eh" sambit ni enzo. "Sasama ko off ko din bukas" tumayo naman kaming tatlo at lumabas nurses lounge. "Ay! May off kayo? Uso pa pala yun?" Biro naman ni monica. Straight 1 week na kasi syang duty kay medyo mainitin ang ulo nya ngayon.

DEAR HEART, WHY HIM? (BOYXBOY)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن