☣ CHAPTER SEVENTEEN -UNDERCOVER AND JEALOUSY- ☣

243 38 1
                                    

JOSHUA'S POV

Magkasama sila justin at vin ngayon at gusto kong malaman kung saan sila pupunta. Hindi kasi ko mapakali sa sinabi ni vin kanina kay Justin yung "Ako babe, pag nagmahal ako binibigay ko pati puso't kaluluwa ko. Gusto mo pati katawan ko. Sayo na" Kaya ngayon sinusundan ko sila. Baka kasi kung saan dalin ng mokong na to yung taptap ko. Mahirap na... Kaya susundan ko lang sila kahit saan sila magpunta. Nakasuot ako ng itim jacket na may hood, pantalon na itim, sapatos na itim at sunglass para hindi nila ko mapansin. Muka akong ninja sa ginagawa ko.

"Saan kaya sila pupunta" bulong ko. Nakita ko namang inakbayan ni vin si justin. Nag init bigla yung dugo ko kaya kumuha ako ng maliit na bato tsaka ko binato sa kanya. Bull's eye... Napabitaw naman sya at agad syang tumingin sa direksyon ko kaya nagtago ako sa malaking puno. Narinig ko naman silang naguusap kasi medyo malapit lang yung punong pinagtaguan ko.

"Bakit?" Tanong ni justin kay vin "May bumato sakin" Napatingin naman si justin sa likuran nila "Sino namang babato sayo eh wala namang tao sa likod natin. Patingin nga baka nasugatan ka. Saan ka ba banda nabato?" ng sabihin ni justin yun napasilip ako sa kanila "Dito banda sa balikat ko" Sagot naman ni vin. Kala mo naman malaking bato na yung binato ko sa kanya. Ang arte. Habang tinitignan naman ni justin yung balikat ni vin sya naman ang titig nya ng husto kay justin. "Kiss mo nga babe, para mawala na yung sakit" Pilyo talaga.

Hinamapas naman ni justin yung balikat ni vin "Aray, bakit ba?" Buti nga. Kala mo makaka score kang mokong ka. Akin lang ang taptap ko.

"Tantanan mo nga ako vin, niloloko mo lang ata ko eh" Bigla naman hinalikan ni vin si justin sa pisngi. F*ck, what the hell? Biglang kumulo yung dugo ko sa nakita ko. Ang sakit sh*t. Parang tinusok yung puso ko ng maraming karayom. Napasama pa ata yung pagbato ko. "Bakit mo ginawa yun?" Tanong ni justin habang hawak hawak nya yung pisngi nya. Bastos kang vin ka. Ako nga ginagalang ko sya. Tapos ikaw?

"Ayaw mo kong i-kiss eh, kaya ikaw nalang I kikiss ko tsaka bakit naman kita lolokohin? E, Totoo nga to sayo... (Sabay turo sa puso)" Aba nag pacute pa tong loko lokong to. Hindi bagay sayo baliw. Gusto ko silang lapitan at sapakin tong si vin. Kaya lang mapupurnada yung plano ko. Napatingin naman si vin sa direksyon ko kaya nagtago ulit ako. Nakita nya kaya ako? Sana hindi.

Sa muling pagsilip ng mga mata ko nakita kong hinawakan ni vin yung kamay ni justin "Vin, nakakahiya... Baka mamaya kung ano sabihin ng makakakita satin" Sabi ni justin. "Wag mong pansinin yung sasabihin ng ibang tao. Pakielam nila, basta Andito lang ako. Lagi akong nasa tabi mo at masanay kana kasi lagi ko ng hahawakan yung kamay mo sa harap maraming tao tsaka isa pa mamaya siguradong mage-enjoy ka sa pupuntahan natin" Napangiti naman si justin ng sabihin yun ni vin. Enjoy? Loko loko talaga tong batang to. Siraulo ka, subukan mo lang talaga. Mas lalong hinigpitan ni vin yung hawak nya sa Kamay ni Justin. Putcha, Nakakainis na to.

Naglakad na sila papalayo sakin. Parang gusto kong pumatay ng kaibigan. Wala ng nagawa si justin dahil siguro mahigpit yung hawak sa kanya ni vin. Tsk, may gawin ka lang sa kanya. Susugurin talaga kita. Nang mapansin kong medyo malayo na sila nagpatuloy na kong sumunod. Harap harapan ko ng sinasaktan yung sarili ko sa ginagawa ko.

Habang sinusundan ko sila napapansin kong lahat ng nakakasalubong nila tinititigan sila. Napapayuko nalang si justin sa nangyayari. Ano kayang nasa isip ngayon ni Justin?

Pumara si vin ng tricycle at sumakay sila. Saan kaya dadalin ng mokong nato yung taptap ko. Dali dali akong pumara ng tricycle para sundan sila "Manong sundan nyo po yung tricycle nayun. Yung hindi po tayo mahahalata" Ano kayang ginagawa ni vin kay justin ngayon? Hindi ako mapakali kasi hindi ko sila nakikita. Kaya panay ang silip ko sa labas.

DEAR HEART, WHY HIM? (BOYXBOY)Where stories live. Discover now