☣ CHAPTER TWO -THE RETURN- ☣

514 51 1
                                    

JUSTIN'S POV

Ilang taon din ang lumipas ng umalis si VIN dito sa lugar namin. Nang iwanan nya ko ng wala man lang paalam. Hindi ko alam kung paano nya nagawa sakin yun. Kung anong dahilan nya. Kung may dahilan nga ba sya.

Marami ng nangyare sa buhay ko. Graduate na ako ng kursong Nursing and I'm about to take the Nurse Licensure Examination this coming november. Hanggang ngayon hindi parin nawawala yung tampo ko kay vin. Tampo lang ba talaga? O may kasamang galit? Hindi ko alam kung anong gagawin ko pag nakita ko sya isang araw.

Simula nung umalis sya ay wala na akong naging balita sa kanya. Si joshua naman pag magkasama kami hindi nya binabanggit yung pangalan ni vin dahil daw nagbabago yung mood ko pag pinaguusapan namin sya. Bakit ba? Pakiramdam ko kasi hindi ako importante sa ginawa nya. Pag tapos kong ma attached iiwanan nya ko ng ganun.

"Good morning anak. Mag breakfast ka muna" Bungad sakin ni mama habang nadidilig sa garden nya. Hinalikan ko naman sya sa pisnge "Good morning din sa pinaka magandang nanay sa balat ng universe" natawa naman si mama ng sinabi ko yun.

"Ma nga pala kila joshua nalang ako mag breakfast nag promise kasi ko sa kanya na dun ako kakain ngayon. Baka magtampo. Alam mo na" tumango naman sya bilang tugon. Masaya akong lumabas ng gate at inat inat. Maganda ang sikat ng araw ngayon ah. Tinapat ko ang aking kamay sa sikat ng araw at pinakiramdaman ito.

Nang ibaling ko ang katawan ko sa bahay nila joshua. Para kong sinabuyan ng malamig na tubig. Paanong---

Tama ba yung nakikita ko? O namamalikmata lang ako. Nanlaki yung mga mata ko sa nakita ko. Sya ba talaga to? Apat na taon na ang lumipas. Bakit ngayon lang?

Si vin nga itong nasa harap ko. Bumilis ang tibok ng puso ko sa hindi maipaliwanag na dahilan yung galit na nararamdaman ko ay naglaho nalang bigla. Pinagmamasdan ko lang sya. Ang laki din ng pinagbago nya.

Mas naging gwapo sya ngayon, tumangkad at higit sa lahat kapansin pansin yung ganda ng hubog ng katawan nya ngayon. Justin, focuse hindi yan ang kaylangan mong isipin ngayon. Isang tanong ang pumasok sa isipan ko.

Anong ginagawa nya dito?

Pinilit kong ihakbang ang mga paa ko sa direksyon nya. Parang ang bigat ng bawat hakbang ko. Gusto ko syang kausapin. Gusto ko syang makita ng malapitan. Gusto kong sagutin nya lahat ng mga tanong na gumulo sa isip ko apat na taon na ang nakakaraan at higit sa lahat gusto ko syang sapakin.

Pero, paano kung hindi nya ko sagutin. Napahinto naman ako ng may tumawag sa kanya na aking kinagulat.

"PAPA!" Binuhat nya ang batang tumawag sa kanya at hinalikan sa pisnge. "Bakit Mikey?" tanong nya sa Bata. Napahinto ako sa paglalakad at natulala. Parang tumigil ang mundo ko sa narinig ko. Napatitig nalang ako sa kanilang dalawa habang masaya silang naguusap nung bata.

PAPA? May ANAK na sya? Pero diba ang bata nya pa para mag anak? Ilan taon palang ba sya? Sinong asawa nya? Kasama nya kaya? Mas lalong gumulo ang utak ko sa mga tanong na yun. Para akong nanghihina.

Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman o dapat ba may maramdaman ako. Ang alam ko lang nanlalamig yung buong katawan ko. Napabunyong hininga nalang ako.

Naramdaman ko nalang na may lumapit sakin kaya napatingin ako sa kanya. Napansin nya siguro na pinagmamasdan ko lang si vin at yung batang bitbit nya. Ngumiti naman ito at alam kong nagbabadya nanaman syang mang asar. Hindi dapat ako maapektuhan sa nakikita ko. Umarte ka justin ng hindi affected. Please! Galingan mo.

DEAR HEART, WHY HIM? (BOYXBOY)Where stories live. Discover now