☣ CHAPTER NINE -THE CONSEQUENCES PART 2- ☣

343 42 1
                                    


VIN'S POV

Ginutom kaming apat matapos ang ilang oras nilang pamimili at pagsunod sunod namin sa kanila. Nagkasundo-sundo na kami na magsama sama at itigil na ang mga laro ni joshua. Pero, hindi parin sya pumayag na iurong yung consequence sa dalawa.

Sa totoo lang napipilitan lang naman talaga ako na sumangayon sa mga pinapagawa nya. Hindi ko gusto na pahirapan, asarin at ipahiya si Justin. Hindi ko idea tong katarantaduhan na ito. Ang idea ko lang, sundan sila para may magbuhat ng ipamimili nila. Hindi ko idea na sundan sila para matyagan sila sa mga ipinapagawa ng tarantadong to. Hindi ko alam kung anong merong kokote itong si joshua at naisipan nya ang mga bagay nato.

Naasar ako sa kanya kasi tuwang tuwa sya kapag nabwibwisit nya si Justin at parang hindi makumkumpleto yung araw nya pag wala syang nagawa para maasar yung taong mahal ko.

Anong klaseng best friend yan? Naturingan mas matanda sa akin pero ang isip. Daig pa ang bata.

Nanahimik lang ako kanina kasi, itinatago ko yung inis ko sa kanya. Hindi ba nya naisip na may kahihiyan din naman yung dalawa. Wala rin naman akong idea na ganito sya kalala mag parusa. Pwede naman sana syang pumili ng mas madali at hindi nakakahiya sa dalawa.

Kung alam ko lang na ganito. Sana, ako nalang ang gumawa ng paraan para matalo kami.

Ang hindi ko pa maintindihan sa siraulong to kung anong tumatakbo sa isipan nya at sa twing pumoporma ko kay Justin lagi syang na ka kontra. Lagi syang nagmamaepal.

Ang sabi nya sakin best friend lang sila. Pero sa ginagawa nya, binibigyan nya lang ako ng dahilan para isipin na may gusto din sya kay Justin at yun ang kaylangan kong siguraduhin at kung tama ang hinala ko.

Hindi ako papayag na sa kanya mapupunta si Justin. Hindi sa ganung klaseng paguugali. Hindi hindi.

Torpe ako. Oo, alam ko yun. Hindi ako magaling sa aminan. Pero kaya kong ipakita sa kanya na gusto ko sya. Kaya kong ipakita sa kanya ang pagmamahal na nararamdaman ko. Kaya kong iparamdam sa kanya na sya lang ang bukod tanging nagpatibok ng ganito sa aking puso.

Mahal ko sya hindi lang dahil wala lang...

Mahal ko sya dahil sya yun.

Oo, alam kong bata pa ko at alam ko rin na hindi pumapatol si Justin sa mas bata sa kanya.

Pero kaya kong baguhin yun at Makikita nyong lahat yun.

*
*
*
*
*
*

JUSTIN' POV

Papunta kaming apat sa isang fast food dito sa mall. Nagkasundo sundo nga kaming apat na magsama-sama. Pero, etong si joshua pinapairal parin ang pagiging mokong. Sooo, eto kami ni Stacey, muka paring timang hanggang ngayon. Hindi na namin pinapansin yung mga taong nakatingin saming dalawa. Bahala na sila kung anong gusto nilang isipin. Basta ang mahalaga ngayon ay makakain. Papasok na sana kami sa loob kaya lang biglang nagsalita si Vin.

"Ako nalang sasama kay Justin na mag order" Tumingin lang sa kanya si Joshua at tinignan din naman nya ito. Ang seseryoso ng mga muka nila. Anong meron? Bahala na nga sila dyan.

Si Stacey naman dumiretso na sa loob para maghanap ng mapwe-pwestuhan namin. Hindi na umimik si joshua at sinundan nalang si Stacey sa loob.

"Kaya kaba nag presinta na samahan ako. Kasiii, para makasigurado kayo ni joshua na gagawin ko parin yung consequence? Yun ba ibig sabihin ng tinginan nyo kani kanina lang?" Tanong ko sa kanya. Nangiti naman sya sa sinabi ko. "Hindi. Kaya ako nag presinta, kasi ayoko ng gawin mo yung bagay nayun" Sagot naman ni Vin,

DEAR HEART, WHY HIM? (BOYXBOY)Where stories live. Discover now