☣ CHAPTER NINETEEN -MASCARADE BALL- ☣

239 30 0
                                    

JOSHUA'S POV

Ngayon ang araw kung saan binuhos ko ang lahat ng effort ko. Heart beat fast nga kung tawagin ni stacey. Pero, hindi lang basta pagbilis ng tibok ng puso ang nararamdaman ko bagkus halo halong emosyon. Para kong sinisilaban sa init ng katawan ko. Hindi ko alam kung paano ako magsisimula at kung ano ang kahihinatnan ng lahat. Hindi ko alam kung ma e-excite ako o kakabahan sa gagawin ko pero sana magbunga ng maganda ang lahat ng plano ko. "Are you ready?" Tanong na nagdala sa akin sa realidad. Pumasok si stacey at Umupo sya sa kama habang tinititigan ko parin ang aking sarili sa harap ng salamin. "Ano sa tingin mo?" Mahinahon kong sagot sa kanya.

Lumapit sya sakin at inayos nya ng mabuti ang neck tie ko. Bakit ganito yung pakiramdam ko? "Kuya, Hindi ako ang makakasagot nyan.... Ikaw. Alam mo kung anong magpapalakas ng loob mo....Tiwala because the only person you can count on pag dating dyan is yourself. You just have to trust and have faith" Napabuntong hininga nalang ako sa sinabi ni stacey.

Eto ang unang pagkakataon na lalabas kami ni justin. Hindi ko lubos maisip na aabot ako sa puntong ito. "Sige na kuya, lalabas na ko.... Basta alalahain mo lang lahat ng binigay kong tips... tips ng pinakamaganda mong kapatid" Hindi ko na sya sinagot at humarap ulit sa salamin. Pinikit ko ang aking mga mata pero naramdaman ko nalang na may yumakap sakin "Bakit stacey? Okay ka lang ba?"

Napansin ko naman na umiiyak sya "Bakit ka umiiyak?" Tanong ko sa kanya. Bumitaw sya sa pagkakayakap at pinunasan nya ang mga luha nya "Nakaka-proud ka lang kasi kuya,. Kaya ako naiiyak" Ngayon ko lang nakita si stacey na ganito. Bakit parang ang drama nya ngayon? "Basta kuya,. Kahit na loka-loka yung kapatid mo. Tandaan mo mahal na mahal kita at proud ako sayo. Tandaan mo ito. Proud ako sayo kasi nagpakatotoo ka."

Niyakap ko nalang sya bilang sagot pero bigla syang bumitiw "Wait, stop na natin ang kadramahan natin at nakakawala ng ganda and before anything else. Tinatanong mo kung ready kana diba?" Ang bilis naman magbago ng hangin "Bipolar ka ba?" Tanong ko sa kanya bigla naman syang natawa sa tanong ko "Of course not. Ano naman tingin mo sakin like hello. What I'm trying to say is your're not ready kasi nga wala ka pang perfume. You stink you know"

Kinuha nya yung pabango sa drawer ko at ini-spray nya sa buong katawan ko "Was that necessary? Grabe ka mag spray ah. Parang wala ng bukas" Tumingin naman sya ng masama sakin "Alam mo kuya wala ka talagang alam pag dating sa mga ganito.. Oh wait.. Dito ka lang muna. There's more" Lumabas sya ng kwarto at hindi ko alam kung ano nanaman tumatakbo sa utak nya.

"Kaya mo yan joshua. Tiwala lang" Bulong ko sa sarili ko. Hindi pa man ako eksaktong nakakalabas ng pinto bumungad na agad sakin si stacey "Tada"

"Alam ko naman wala ka ng time bumili ng flowers. So, I bought you this. Well, I do a pinch of research about sa kung anong favorite nyang flowers" Inabot nya sakin ang isang bouquet ng bulaklak "There you have it... A dozen of white tulips"

"Thank you stacey" Ngumiti naman sya at bigla nalang piniga yung ilong ko "Awww"

"Pampatanggal kaba, Sige na kuya. Go get your boyfriend" Natawa naman ako sa sinabi nya sakin "Let me rephrase that. Hindi boyfriend.... Girlfriend kasi babae ang turing ko sa kanya"

"Okay,.. sabi mo eh" Inayos kong muli ang sarili ko at lumabas na ng bahay dala dala ang bulaklak at masayang ngiti na nakasuot sa aking muka. Habang papalapit ako sa bahay nila hindi maiwasan ng dibdib ko na kumabog.

Nakita ko si tita na nagluluto sa kusina "Good evening tita,. Ready na po ba si justin?" Nangiti naman sya ng makita nya ako "Napaka gwapo naman ng manugang ko,. Oo, punta ka nalang sa kwarto nya"

*
*
*
*
*

JUSTIN'S POV

WOW! I can't believe I'm wearing white tonight. "You look... beautiful" Napalingon naman ako sa nagsalita. Hindi agad ako nakakibo sa nakita ko. Si joshua ba talaga yung nasa harap ko? Mas lalo syang naging gwapo sa black suit nyang suot "Para ka namang nakakita ng multo. Ready ka na?"

DEAR HEART, WHY HIM? (BOYXBOY)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt