☣ CHAPTER FOUR -WHAT AND WHY- ☣

444 47 2
                                    

JOSHUA'S POV

"Sa Sabado" Hinayaan ko na lamang si VIN ang sumagot ng tanong nya. Hindi na ko umimik dahil aaminim ko medyo nagtampo ako sa nangyare kanina. Hindi naman sa ayaw ko sya isama kaya lang kasi. Ako? ilang beses ko na sya inaya mag camping pero hindi sya sumasama sakin. Alam ko na busy talaga ang kursong NURSING. Kaya lagi ko nalang sinasabi sa kanya na naiintindihan ko at alam ko rin naman na wala syang ginagawa ngayon, graduate na sya eh! Hindi pa naman sya nag re-review for Board examination.

Ang hindi ko lang kasi nagustuhan yung expression ng muka nya at yung mga tingin nya ka VIN. Gusto ko syang kasama mag camping promise ✋ kaya nga kahit papaano natutuwa ako. Kasi gusto ko din naman syang lumabas sa comfort zone nya, masyado kasi syang taong bahay.

Kaya lang halata naman na kaya lang sya sasama kasi, kasama si VIN. Don't get me wrong ha. Hindi ako nagse-selos. Ano kasi, best friend ko kasi sya kaya ganun. Best friend lang ba talaga? Basta. Makikita nyo nalang yun.

Pero kanina nakakatuwa sya panoorin. Natutuwa ako pag nakikita ko syang naiinis ang cute kasi nya, bagay na bagay sa kanya maging mataray tapos "HIS LAUGH..... HIS LAUGH IS CONTAGIOUS" Totoo to ha. Hindi ako nagbibiro pag tumawa sya matatawa ka rin.

Sanay akong ganyan lang sya at ayokong magbago yun. Kaya nga naasar ako pag magkasama sila ni VIN o pag magkikita sila. Kasi parang binabago nya yung ugali nya.

Yung NGITI, MATA at pati KILOS nya. Lahat yun parang hindi sya.

Sa ngayon nandito ako sa ilalim ng puno sa likod ng bahay namin, nakasandal. Madalas kaming tumambay dito ni Justin. Sabi nya gustong gusto nya daw dito kasi nakakapag-isip sya ng maayos. Maaliwalas kasi at malilim. Yung sinag ng araw hindi gaanong tumatama sa balat mo kasi natatakpan ito ng mga dahon, saktuhan lang ba.

Bilang akong napahawak sa labi ko. Kanina, muntik ko na syang mahalikan hindi ko alam kung anong pumasok sa isipan ko at nasabi ko yun.

"DIBA GUSTO MO KONG HALIKAN? YUNG LABI MO PARANG INAAKIT AKO"

Ang totoo nyan, hindi ko talaga sya binibiro nung sinabi ko yun sa kanya. Talagang gusto ko syang halikan. Hindi ko alam kung anong insekto ang pumasok sa utak ko para gawin yun. Para akong nawala sa wisyo.

Napapikit ako. Hindi ko nalang pinansin kung anong magiging reaction nya. Basta pumikit nalang ako. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Kaya lang, nung papalapit na yung mga labi ko sa labi nya bigla akong bumalik sa tamang pagiisip at napaisip ako na BEST FRIEND ko sya, BEST FRIEND lang din ang tingin nya sakin BEST FRIEND lang kami.

Tsaka isa pa, ayokong masira ang pagka-kaibigan namin dahil lang sa may kung anong insekto ang pumasok sa utak ko. Kaya lahat dinaan ko nalang sa BIRO katulad lang ng lagi kong ginagawa sa kanya.

"Sana lang hindi sya naka halata kanina"

Pumikit na lamang ako at inuntog-untog ko yung ulo ko sa puno kung saan ako nakasandal.

"Gooooooddnesss...... Nawala lang ako ng isang buwan na baliw kana agad" Pamiliar yung boses na yun. Dahan dahan kong minulat ang aking mga mata.

"Stacey?" Si Stacey, nakababata kong kapatid. Babae sya kung poporma pero wala syang arte sa lahat ng bagay. Dahil yun yung kaunauhan tinuro ko sa kanya simula nung namatay ang parents namin. Kaya nga lang sobrang daldal nya at lagi syang may opinion sa lahat ng bagay.

DEAR HEART, WHY HIM? (BOYXBOY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon