☣ CHAPTER TWENTY EIGHT -AGONY- ☣

149 19 0
                                    

JOSHUA'S POV

Naalimpungatan ako ng mapansin kong wala si justin sa tabi ko. Tinignan ko ang oras at alas otso na ng gabi. Malakas parin anag buhos ng ulan. Tumayo ako at nagbihis tinignan ko sya sa CR pero wala sya dun kaya lumabas na ako ng kwarto. Bigla naman akong nakaramdam ng kaba ng makita kong bukas ang pinto agad akong tumakbo palabas at nakita kong nakaparada naman ang sasakyan nya.

Muli akong pumasok sa loob ng apartment "Justin?" Hiyaw ko pero walang sumasagot. Pumunta ako sa kusina at napansin kong hindi parin nakaayos ang pinamili namin. Bumalik ako sa sala at umupo ako sa sofa. Kung ano ano ang pumapasok sa isip ko. Hindi ko maikalma ang sarili ko. Hindi ako makapagisip ng matino. Saan naman kaya pupunta yun ng ganitong oras?

Napansin ko naman na nasa sahig ang cellphone nya kaya mas lalo akong kinabahan agad ko naman itong kinuha. Tinignan ko agad kung sino ang huling tumawag sa kanya at ng makita ko ito.

"Franco?" Bulong ko. Tinawagan ko ito at agad naman nyang sinagot "Hello justin? Buti napatawag ka yung syringe na binigay mo sakin nawawala sa pinaglagyan ko. Pina checked ko yung cctv at may lalaking kumaha hindi ko nakita yung muka nya kasi naka cap pero nakaitim sya at matangkad" nagulat naman ako sa mga narinig ko kay franco "Justin pakiramdam ko may nakakaalam ng ginagawa natin. Anong gagawin natin?" dagdag pa nito.

"Boyfriend 'to ni justin at gusto kong sabihin mo sakin kung anong nangyayare at nawawala si justin" Inis kong sabi sa kanya "Oh my gosh!" Halatang nagulat sya sa sinabi ko. Nainis ako sa kanya dahil hindi na sya magsalita "Sumagot ka" hiyaw ko.

Pinaliwanag nya sakin ang lahat at hindi ako makapaniwala sa mga sinabi nya. Bakit hindi sinabi sakin ni justin ang tungkol sa bagay na 'to? Bakit kaylangan nyang sarilihin ang lahat?

Matapos nyang ipaliwanag sakin ang lahatay pinatay ko na yung tawag. Kinuha ko yung susi ng sasakyan sa kwarto at nagmadaling lumabas. Alam kong si rachelle ang may pakana ng lahat ng ito.

Mabilis kong pinatakbo ang sasakyan papuntang hospital. Alam kong nagbabantay ngayon si rachelle kay harry. Nang makarating ako sa hospital ay tinakbo ko na papunta sa kwarto ni harry.

Nakita ko naman si rachelle na may kausap sa cellphone nya. "Joshua? Anong gingawa mo dito?" Halatang nagulat sya sa pagdating ko.

Kinuha ko ang cellphone at binato ko iyon sa pader "What the hell? Joshua. What's your problem?" hiyaw nya sakin. Hinawakan ko naman ang mga braso nya "Nasan si justin? Sabihin mo sakin kung saan nyo dinala si justin?" Hiyaw ko sa kanya.

Nagtaka namam sya sa sinabi ko at tinaggal nya yung kamay ko "Ano bang sinasabi mo joshua? Diba kayo magkasama bakit sakin mo sya hinhanap" Inis nitong sabi "Bullshit rachelle, Wag ka ng magmaang maangan pa alam kong ikaw ang nagpadukot sa kanya. Diba binantaan mo sya na papatayin mo sya? Kaya pwede ba sabihin mo nalang sakin"

Inirapan naman nya ko "Do you honestly think na gagawin ko yun sa kanya? Oo nagalit ako pero joshua naman wag mo naman akong pagbintangan. Dahil una sa lahat alam mong puro salita lang naman ako" Inis nitong sabi

"Really? Then explain to me kung bakit may nagsasaksak ng toxin sa kapatid mo. Siguro ikaw din ang may gawa non" Nagulat naman sya sa sinabi ko "What did you just say?"

"Oh come on rachelle. Wag ka ng magpanggap na hindi mo alam. Kaya mo pinadukot si justin dahil nalaman nya yung ginagawa mo. Naiwan mo yung syringe na ginamit mo kaya pinatest ni justin--" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla naman nya kong sinampal "Ganyan ba ka walang puso ang tingin mo sakin? Na pati sarili kong kapatid papatayin ko dahil lang sa galit?" Napansin ko namang may luha ng pumapatak sa mga mata nya.

"Oo joshua galit ako pero hindi ko magagawa yung binibintang mo sakin. How dare you say that in front of me? Hindi ko magagawang patayin ang sarili kong kapatid at mas lalong hindi ko magagawa na ipadukot si justin. Kaya nga diba pinipilit kong makipag ayos sa kanya?" Pinunasan naman nya ang mga luhang pumatak sa mga mata nya "I should be thankful kasi he found out na may ganun na palang nangyayare at para lang patunayan ko sayo na wala akong kinalaman sa sinasabi mo. Tutulong akong maghanap"

DEAR HEART, WHY HIM? (BOYXBOY)Where stories live. Discover now