☣ CHAPTER TWENTY NINE -FORGIVENESS- ☣

247 14 0
                                    

JOSHUA'S POV

Labing dalawang oras na ang nakalipas matapos ang operasyon ni justin. Tinanggal kasi ng kutsilyong nakatusok sa hita nya at sa ngayon ay sinasalinan sya ng dugo dahil masyadong madami ang nawala sa kanya. Halos puro pasa din ang muka at tyan nito dahil sa ginawang pagbugbog sa kanya.Naawa ako na makita syang ganito at naiinis ako sa sarili ko dahil nahuli ako ng dating.

Habang pinagmamasdan ko hindi ko maiwasang hindi maluha. Sobrang sakit sa pakiramdam na makita yung taong mahal mo na nagdudusa. Kinuha ko ang picture naming dalawa sa bulsa at muli ko itong pinagmasdan.

Hinawakan ko ang kamay nya "Justin, gumising kana please andito  lang sa tabi mo yung boyfriend mong gwapo. Gumising ka na please. Mahal na mahal kita justin" Bigla naman may pumasok kaya napalingon ako "Umiiyak ka nanaman?" Tanong ni monica sakin. Napayuko naman ako at pinunasan ko ang mga luhang pumatak.

"Akala ko magpapahinga ka? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya "Galing ako sa apartment ni justin. Tinulungan kong magayos ayos sila tito at tita dun. Para naman pag nakauwi ang bakla maayos na. Oh" May inabot naman sya sakin "Bakit nasayo 'to?" Pagtataka kong tanong.

"Kilala mo ba talaga si justin?" Napakunot naman yung noo ko sa sinabi nya "Basahin mo nalang yan. Para malaman mo yung totoo" Pumasok naman si stacey kasama si enzo kaya naputol ang paguusap namin ni monica "Nagugutom na ko buti nalang sinamahan ako ni enzo na bumili ng pagkain" Iritang sabi ni stacey.

Inilapag ko muna yung diary ni justin sa beside table nya "Teka sinong bantay ni harry?" Napatingin naman sakin si stacey "Kuya wag masyadong ma stress. Pinalabas muna kami sa kwarto ni harry kasi tapos na daw ang visiting hours sa ICU" Bigla naman may kumatok sa pinto agad naman yung binuksan ni stacey "Vin?"

Nabaling naman ang mga mata ko sa kanya. Pumasok ito at nang makita nya si justin ay agad syang umupo sa tabi nito at hinawakan nya ang kamay. Napansin kong tumulo ang mga luha nito. Alam kong nasasaktan din syang makita ang kalagayan ni justin.

"Paano mo nalaman?" Tanong ko sa kanya. Napatingin naman sya kay stacey. "Nag chat ako sa kanya kuya. He deserve to know kung anong nangyare kay kuya justin. Don't forget ex sya ni kuya jus--" Tinakpan naman ni enzo ang bibig ni stacey "Mas maganda siguro kung sa labas muna kami para makapagusap kayo ni vin" Hinila naman nila monica at enzo palabas si stacey "Wait lang yung pagkain ko"

"Mamaya na tayo kumain stacey" Sabi ni monica. Nag pout naman si stacey at tuluyan na silang lumabas. Nabaling naman ang mga mata ni vin sakin "Anong nangyare? Sinong may gawa nito sa kanya?" Tanong nito sakin. Napabuntong hininga naman ako at pinaliwanag ko kanya lahat ng nangyare.

"Napaka walang puso nila. Bakit nila 'to ginawa kay justin? Mapapatay ko silang dalawa" Inis nitong sabi "Pare, nakakulong na si rachelle at si jaden naman nasa ibang hospital. Dahil nabaril sya ng pulis" Pagpapaliwanag ko

Naging seryoso naman ang muka nito "Joshua, promise me na pro-protektahan mo si justin kahit anong mangyare at hindi mo na hahayaan pang maulit 'to"

"Oo naman vin. Kahit hindi mo sabihin obligasyon ko yun bilang boyfriend nya" Paliwanag ko sa kanya.

"Pag naulit pa 'to aagawin ko ulit sya sayo" Bigla naman nag init ang ulo ko sa sinabi nya kaya tinignan ko sya ng masama. Nangisi naman sya "Ikaw naman di kana mabiro. Pero, salamat joshua dahil kung di ka agad dumating baka mas malala pa ang sinapit nya" Tumango nalang ako sa kanya

"Nga pala nung huli tayong nagkita. Gusto ko lang himingi ng paumanhin sa inasal ko sayo. Hindi ko dapat ginawa yun" Nangisi naman ang loko loko "Wala yun. Alam ko namang nagselos ka lang nun kung ako din yung nasa position mo baka nagawa ko din yun. Kaya nga hindi na ko gumanti. Inintindi nalang kita" Nag matured narin magisip tong loko lokong 'to.

DEAR HEART, WHY HIM? (BOYXBOY)Where stories live. Discover now