☣ CHAPTER THREE -THAT MOMENT WITH MY BEST FRIEND- ☣

433 48 6
                                    

JUSTIN'S POV

🎶🎶🎶 HOY! Baklaaaaa...... May tawag kaaaaaa.. Sagutin mo naaaaaa... Boom panes, Boom Boom panes panes. Baklaaaa. May tawag kaaaa. Hellooooooooo! Ano ka baaaaa? 🎶🎶🎶

"Sh*t! sino ba to?" Inis kong bulong.

Ang aga aga naman. Kinuha ko agad yung cellphone ko sa bedside para matigil na sya. Haist! Kaasar. Ano ba kasing pumasok sa isipan ko at nagpalit ako ng ganitong ringtone at Boses pa talaga ni MONICA yung ginamit ko.

Pag-tingin ko kung sinong tumatawag. Si MONICA -Kaibigan ko simula nung First year college kami- dalawang word lang pwede kong sabihin sa kanya "BAKLANG BABAE"

Speaking of the devil.

Hello!

"Goooooooood Morniiiiing, Sleeepyyheadd. Tayo tayo din pag may time" Nilayo ko agad sa tenga ko yung cellphone at baka mabingaw ako. Kaloka, kaylangan talagang nakasigaw?

"Bakit ba monica? Ang aga aga mo namang tumatawag" Tanong ko sa kanya.

"Anong Oras na?" Tanong sakin ng gaga.

"Seriously? Tumawag ka para lang magtanong kung anong oras na? Wala ka bang relo? O wall clock dyan sa bahay nyo at kaylangan mo pang mangbulabog ng natutulog para lang Magtanong ng O--" Hindi na ko pinatapos ng bakla sa pagsasalita.

"Bilis na tignan mo nalang yung Oras" pagde-demand ng bakla. Tinignan ko naman kung anong oras na sa cellphone ko.

"6:30, seriously? 6:30? Wala ka bang ibang pwedeng gawin ng 6:30 ng umaga? Hindi ba dapat natutulog ka pa ng mga oras nato." Inis kong sagot sa kanya.

"Ay! Taaaaaarrraaayyyy. alam mo girl, ang dami mong kuda. Anyways, nagtext sakin si tita gisingin daw kita para maiba naman daw ang pag-gising sayo. So, ayun sakto naman na nagising ako ng maaga. Okay ba? Yung diabolical plan ko? Huh. Okay ba?. O, sya bumangon ka na mag toothbrush at ang bago ng hininga mo"

"Hoy!" *Toooooot*

Ay, baklang to pinatayan ako hindi nanaman ako pinatapos magsalita. Sasabihin ko pa naman sana na mas mabaho yung hininga nya.

(Inamoy ko naman yung sakin). Hmmmmm! Hindi naman ganon kabaho. Ang O.A ni bakla.

Tumayo na ko at nagready. Ano kanyang naisipan ni mama at pinagising pa ko sa baklang babae nayun. Siguro, napagod na sya sa kakagising sakin. Matapos kong maligo dumiretso agad ako sa kusina. Nakita ko agad si joshua pero hindi ko sya pinansin. Dahil pa ko sa ginawa nya nung nakaraang araw.

"Prosperous plan Mother" (with sarcastic tone)

"Good morning din sayo anak" Sagot sakin ni mama. Halatang sya may pakana eh.

"Sabi ko sayo tita eh, effective na ipagising sya sa kaibigan nya. Gimme five tita. Appir!" Pagmamaepal ni Joshua at nakipag appir talaga tong si mama sa kanya ha. Tssss. Pabida talaga.

Ngumiti lang ako ng ngiting aso at inirapan ko sya. So, plano pala talaga ng unggoy nato na ipagising ako kay Monica.

"O, sya sige maiwan ko muna kayong dalawa dyan ha may gagawin lang ako sa labas" Sabi ni mama.

"Okay ma" Mabait kong sagot kay mama at pagka-alis na pagka-alis ni mama tinitigan ko agad ng masama si Joshua.

"So, Monkey. Anong ginagawa mo dito ng ganito kaaga?"

"Ka---"

"Wag mo ng subukan pang ibukas yang bibig mo. Kung nandito ka para inisin ulit ako. Wag kang magalala itatayo ko na ang banderang puti para sayo. Dahil nung nakaraan ka pang busit ka. In short. YOU WIN!" Pagtataray ko sa kanya.

DEAR HEART, WHY HIM? (BOYXBOY)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt