☣ CHAPTER TWENTY SEVEN -ETERNAL MISERY- ☣

168 19 0
                                    

JUSTIN'S POV

Dear Diary,

It's been two weeks simula na mangyari ang aksidente. Nung nasa hospital kami para akong napako sa kinatatayuan ko. Halos mabingaw ako sa tunog na nangagaling sa cardiac monitor at tanging flat line lang ang nakikita ko. Wala man lang akong magawa kundi ang pagmasdan syang nakaratay at patuloy na nire-revive. Halos matuyuan ako ng luha sa kakaiyak.

Pinipilit kong iayos at ikalma ang sarili ko pero hindi ko magawa. Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na nangyare sa kanya yun. Halos gabi-gabi akong hindi makatulog kakaisip. Hindi ko sukat akalain na ako ang magiging dahilan ng lahat.

It's because of me, Everything is because of me and I hate myself.

-Justin De Guzman

"Okay ka lang?" Napatingin naman ako sa nagsalita at nakita ko si vin. Umupo ito sa tabi ko "Sa tingin mo magiging okay yung pakiramdam ko sa nangyare?" Kinuha naman nya yung ulo ko at isinandal nya sa balikat nya. "Magiging okay din ang lahat hindi mo naman kaylangan sisihin ang sarili mo sa nangyare dahil hindi mo naman kasalanan"

Nandito ako ngayon sa wisdom tree. Twing linggo pumupunta ako dito para makapagisip ng matino. Lagi kong tinatawagan si vin para lang samahan ako dito. Kahit papaano kasi naikakalma ko yung sarili ko.

Pero, kahit na ganun hindi parin mawala sa isip ko lahat ng nanyare.

*-*-*

FLASHBACK

"Capt. 10th dose of epinephrine na tayo pero still asystole parin. Pinatapanong ni doc kung nasan na yung relative ni harry" Mahinahon na sabi ni ellie. Tinignan ko sya at hindi ko naman magawang sumagot dahil hanggang ngayon nanginginig parin ang buong katawan ko. Para akong napako sa kinatatayuan ko at hindi makapaniwala sa nakikita ko "Capt?"

Si joshua naman na ang sumagot kay ellie "Natawagan ko na sya on the way na sya" Tumango naman si ellie at bumalik na sa ressucitation area.

"11th dose of epi dra given" Nakita ko namang umiling si Dra. Gumibao "Continue CPR. Nurse ellie charge defib to 200 joules" Sinunod naman agad yun ni ellie "Shocking patient to 200 joules. Everybody's clear?" Sumagot naman agad ang code team "Clear dra"

"Shock delivered" Tumingin ako sa cardiac monitor pero flat line parin. Napatingin na sakin si Dra. Gumibao at umiling na ito. Niyakap naman na ko ni joshua at humagulgol nalang ako. "Joshua hindi pwedeng mangyare 'to"

Bigla naman bumukas ang pinto ng emergency room kaya napatingin kami ni joshua. Nakita ko naman si rachelle pansin na rin na namumugto na ang mga mata ito. Kasama nya si steven at harry.

"Where's harry? Where's my brother?" Agad namang tumakbo si rachelle sa ressucitation area at narinig kong humahagulgol na ito. "Oh my gosh harry. Anong nangyare? Dra. Anong nangyayare sa kapatid ko?" Pinalabas naman sya agad ni ellie at si dra ang kumausap sa kanya. Pinaliwanag ni dra gumibao sa kanya ang lahat.

"Dra, hindi kayo pwedeng sumuko. Gawin nyo ang lahat maibalik nyo lang yung kapatid ko" hiyaw nya kay dra. Gumibao "Sige po gagawin po namin ang lahat" muling pumasok si dra sa loob.

Nabaling naman ang mga mata ni rachelle sakin "You son of a bitch" bigla naman nya kong sinugod at sinampal nya ako ng malakas. Tinanggap ko lang yung sampal kasi alam kong kasalanan ko 'to.

Hinarang naman ni joshua ang sarili nya sakin "Rachelle stop it. Walang gusto ng nangyare kaya wala ka dapat sisihin" Hiyaw sa kanya ni joshua

"Anong sabi mo joshua? Kung hindi ba naman kasi nilandi ng baklang yan ang kapatid ko. Hindi magkaka ganito si harry" Bigla naman nyang hinila yung buhok ko "Kasalanan mong lahat ng 'to. Kaya dapat sayo mamatay. Ikaw dapat yung mamatay bakla ka"

DEAR HEART, WHY HIM? (BOYXBOY)Where stories live. Discover now