☣ CHAPTER TWENTY THREE -CONFRONTATION- ☣

174 30 0
                                    

JUSTIN'S POV

Pagkababa ko ng kotse ni harry. Agad kong inilibot ang mga mata ko. Maganda yung lugar may mga magagandang puno na ang mga bulaklak ay dilaw at pula. Sobrang aliwalas tignan. Ang ganda ng set-up ng lugar na 'to. Kapansin pansin din ang mga tao na animo'y busy sa kaya kanyang gawain. Teka nga, Nasan ba kami?

Napantingin naman ako kay harry at nag hanap ng kasagutan. "Asan ba tayo?" Pagtataka kong tanong sa kanya. Ngumiti naman sya at hinawakan ang kamay ko dahilan para mabaling ang mata ko sa direksyon na yun. "Basta, sumunod ka nalang sakin" Maikli nitong tugon at hinila nya ko. Wala naman na akong nagawa kundi ang sumunod.

Pero, mas nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. Mga malalaking camera, monitor at spotlight ang bumungad sakin. Napabitaw naman ako sa kamay nya "May photoshoot ka ngayon?" Tanong ko ulit sa kanya. "Hindi naman kasi photoshoot 'to. Justin, shooting to ng first commercial ko" Nagulat ako sa sinabi nya. Talaga ba may commercial na sya? Pero, bakit hindi man lang nya binanggit sakin. Kaylan sya nag audition para dito? Hinampas ko agad sya sa braso "Araaay"

"Bakit hindi mo sinabi sakin? Tapos sa apartment ka pa natulog imbes na makapagpahinga ka ng maayos hin---" hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko dahil may tumawag sa kanya kaya nabaling ang mga mata namin sa nagsalita. "Mr. Harry Gomez" Agad naman itong ngitian ni harry "Manageer, kamusta? Nakatulog ka ba ng maayos?" Tanong ni harry. Inirapan naman nya si harry halata kasing nanguuto lang tong loko loko na 'to "Late kananaman. Hindi ka pa sumisikat ganyan na yung attitude mo paano nalang ku--" agad naman nya itong inakbayan "Sorry na manager hindi na 'to mauulit. Promise"

Nakonsensya naman ako sa narinig ko. Kasalanan ko 'to. "Abay Dapat lang. Pasalamat ka wala pa yung director kung hindi malilintikan ka talaga sakin. Sige na pumunta kana dun at magpa ayos kana. Dun ka sa blue na tent" Galit nitong sabi. Medyo may edad narin yung lalaki. Muka talaga syang nag ha-handle ng mga talents dahil sa pormahan nito.

Nabaling naman ang mga mata nya sakin at binaba nya ang salamin nya at tinignan ako nito mula ulo hanggang paa "Sino naman itong kasama mo?" Medyo kinabahan ako sa kanya dahil nanlilisik ang mga mata nya sakin na para akong hinuhusgahan. Hindi naman ako nakasagot kaya si harry nalang ang nagsalita "Si justin manager. Yung kwinikwento ko sayo"

Hindi pa man nakakapagsalita yung lalaki ay agad akong hinila ni justin "Sige manager papayos na ko" muli kong binalingan ng tingin yung lalaki at nakatingin parin sya sakin. Bakit kaya? Ganun na ba ako ka haggard?

Pagpasok namin sa tent ay agad na syang inayusan ng make up artist nya at ako naman ay umupo sa isang tabi. Pinagmamasdan ko lang sya at hindi ko maiwasang hindi mabilib sa kanya. Paano ko ba naging kaibgan ang ganito ka gwapong nilalang. Pag sumikat tong lalaking 'to talagang titilian sya ng mga babae at pati narin binabae. "Okay ka lang?" Tanong nya sakin "Oo naman" maikili kong tugon.

"Pag nagugutom ka may pagkain dyan sa tabi mo" Tumango naman ako "Pwede ba kong manuod mamaya?" Tanong ko ulit sa kanya.

"Oo naman bakit pa kita isasama kung ikukulong lang kita dito sa tent" Sagot nito sakin "Lily, iabot mo nga sa kanya yung I.D para makapasok sya mamaya sa set" Agad namang inabot sakin ni lily yung I.D at isinuot ko iyon. "Si lily yung makakasama mo mamaya para naman may kausap habang nag sho-shoot kami. Mabait yan" Nginitian ko naman si lily "I'm justin" inabot ko naman sa kanya ang kamay ko. Nakipag kamay din naman sya sakin "Ako po si lily"

Matapos syang ayusan at nagtungo na sya sa set. Hindi ko na sya nagawang kausapin dahil pumasok na yung manager nya na nagagalit nanaman at mainit daw ang ulo ng director. Nang makarating kami ni lily sa set hindi ko maiwasang hindi mamangha sa nakikita ko. Ngayon lang kasi ako nakakita ng nag sho-shooting. Ganito pala kabusy ang mga tao dito.

DEAR HEART, WHY HIM? (BOYXBOY)Where stories live. Discover now