☣ CHAPTER TWENTY FOUR -I FIND MY WAY BACK TO YOU- ☣

178 25 0
                                    

JUSTIN'S POV

Nang makita ko muli si vin bumalik lahat ng masasaya at malulungkot ala-ala ko na kasama ko sya. Matapos nya kong hiwalayan parang gumuho ang mundo ko. Ang daming tanong na pumapasok sa isip ko. Mali ba ko ng piniling tao? Mali ba ako ng pinaglaban? Bakit iiwan nanaman nya ko? Bakit lagi nalang akong iniiwan ng mga lalaking minamahal ko? Ano bang mali sakin?

Haggang ngayon parehas kaming hindi makagalaw sa kina tatayuan namin. Gulat na gulat na makita ang isa't isa. Anong gingawa ng lalakeng 'to dito? Bakit sa dinami dami ng araw ngayon na pwede kaming magtagpo. Ngayon pa? at dito pa talaga sa lugar na 'to. Pinaglalaruan ba talaga ako ng tandhana?

Nang akmang lalapit sya sakin ay napa atras ako "Ga-galit ka pa rin ba sakin?" Tanong nito. Hindi ko magawang sumagot dahil para akong nawalan ng boses. Ano bang dapat kong sabihin? Nakatitig lang ako sa kanya.

Napansin ko naman na napayuko sya ng hindi ako nag salita "Na-naintidihan ko kung galit ka parin sakin" muli nitong sambit. "Pero, gusto ko lang sabihin na kaya ko ginawa yun dahil gusto kong isalba yung pagkakaibigan nyo ni joshua" Dagdag pa nito. Isalba? Ano bang isasalba? Galit narin sakin si joshua. "Kahit na masakit pa sa akin mas pinili ko nalang lumayo"

"Kung mahal talagang minahal mo ko. Bakit hindi mo ko nagawang ipaglaban?" Alam kong nagbabadya ng tumulo ang mga luha sa mata ko. Hindi naman sya nakasagot ng tanungin ko sya "Minahal mo ba talaga ko?"

"Bakit hindi ka makasagot? Minahal mo ba talaga ako vin?" Napansin ko naman na may pumapatak ng mga luha sa mga mata nya "Minahal kita justin" Maikli nitong sagot. Pero hindi parin sya makatingin sa mga mata ko.

"Minahal? Umasa ako vin na pag ikaw yung pinili ko magiging masaya ko. Umasa ako na hindi mo ko iiwan because you promised. I had to choose vin and I picked you because I love you Sinaktan ko yung bestfriend ko para sayo" ramdam ko ang mga luhang pumapatak sa mga mata ko "I'm an idiot and I'm selfish because I'm so inlove with you and I don't want to lose you. Alam mo na aalis si joshua at yet you chose to leave"

"Ang dali mo kong sinukuan vin. Asan ang pagmamahal dun? Vin, ang totoong nagmamahal hindi sumusuko" Tamihik parin syang nakikinig sakin. Pinunasan ko ang mga luhang pumatak sa mga mata ko. Tinalikuran ko sya at naglakad.

"I'm sorry justin kung nasaktan kita pero alam ko sa sarili ko na minahal kita sa paraang alam ko at hanggang ngayon mahal parin kita" Napatigil naman ako ng sabihin nya yun "I still love you justin"

"At kahit anong gawin ko hindi ko kayang kalimutan ka That's why I'm here. Lagi akong pumupunta dito kasi nagbabaka sakali ako na makikita kita dito kahit na alam kong malabo mangyare yun" Humarap naman ako sa kanya at muli syang tinignan sya sa mga mata "and then you came through all of this justin you're the one thing that has kept me from giving up"

Lumapit ako sa kanya at niyakap sya "I can forgive you but we can't go back. You have to let me go. Stop loving me vin" matapos kong saabihin yun ay bumitaw ako sa pagkakayakap. "We have to move on with our lives" mahinahon kong sabi sa kanya pero hindi parin sya tumitigil sa pag iyak. Muli nya ulit akong niyakap "I'm sorry justin. Sorry talaga. Susubukan ko ulit magsimula"

"Okay na yun. Kalimutan na natin yun. We can still be friends kung gusto mo lang naman" biro ko sa kanya. Natawa naman sya ng sabihin ko yun "Sige na tumigil kana kakaiyak. Nawawala yung ka gwapuhan mo bahala ka ikaw din" bumitaw naman sya sa pagkakayakap. Nakita ko naman na syang nakangiti. Alam kong masakit sa kanya 'to. Alam ko ito ang dapat kong gawin.

"Friends?" Inilahad ko sa kanya ang kamay ko at kinuha nya yun "always" sagot nito.

Matapos naming mahimasmasan ay umupo muna kami saglit sa ilalim ng puno. Nag kwento lang sya ng nangyare sa buhay nya. Akalain mo yun second year college na pala ang mokong at nagtayo na sya ng business kasama nya si ate malou. Para daw matustusan ang pagaaral nya. Sya parin daw ang nagaalaga kay mikeey.

DEAR HEART, WHY HIM? (BOYXBOY)Where stories live. Discover now