☣ CHAPTER EIGHTEEN -HEART BEAT- ☣

306 37 13
                                    

JUSTIN'S POV

"Good Morning" Napamulat ako sa narinig kong boses. Nakita ko si Vin na nakahiga sa tabi ko habang hinahaplos yung buhok ko "Vin?" Binigyan nya ko ng isang matamis na ngiti "Ang sarap mo pagmasdan habang natutulog" Hindi ko man lang namalayan na kanina pa pala sya dito.

"Alam mo justin. Kanina habang tinitignan kita pakiramdam ko para na kitang asawa. Ang sarap sa pakiramdam ng ganito" Umupo naman ako mula sa pagkakahiga at ganun din ang ginawa nya "Asawa talaga? Hindi ba pwedeng..." Hindi ko na naituloy yung samsambitin ko dahil sa mga tingin nyang nakakatunaw. "Hindi ba pwedeng ano?" tanong nya. "Ano bang meron sa mga mata mo at sa twing titingin ka sakin para kong natutuliro?"

"Ganyan ko kasi tignan yung taong mahal ko. Hindi ko naman alam na may epekto pala sayo yung mga tingin ko" Asus, hindi daw alam... Hindi kaya nya napapansin yun. "Soooo, ibig sabihin marami ka ng minahal?" Tanong ko sa kanya "Minahal Oo marami hindi ko ikakaila yun.. Perooo, yung mahalin ko habang buhay.. ikaw lang" Kinilig naman ako sa sinabi "Teka nga babe.. Iniiba mo yung usapan. Hindi ba pwedeng ano?"

"Walaa, Anong bang ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya. "Nagantay pa naman ako babe..... Kasii, gusto ko.... Ako ang una mong makikita pag mulat ng mga mata mo. Ayaw mo ba?" Nakakaganda naman ng umaga yung sinabi nya "Teka nga, Paano ka pala nakapasok dito?" Tanong ko sa kanya. "Binigay sakin ni tita yung susi.. Sabi nya ako nalang daw gumising sa prinsesa nya" Juice ko, kung ibang tao to na rape na ko. Chaaar... "Bakit ba ang dae mong tanong? Ayaw mo ba ng ganito?"

"Hindi naman sa ayaw. Nagulat lang ako" Bigla naman nyang nilapit yung muka nya sakin. Tinakpan ko bigla yung bibig ko. Baka bigla nanaman nya kong halikan hindi pa ko nag toothbrush "May morning star ka babe" Pinunasan naman nya to "Kadiri" Dagdag pa nya.

"Baliw ka talaga" Sabay hampas sa kanya. Naglungkot lungkutan naman sya. Nagpapacute nanaman sya "Wag kang gumaganyan. Mas lalo kang nagiging cute" Nangiti naman sya sa sinabi ko at pinagpatuloy lang yung pagpapacute nya. "Eto, Mas cute" Nag pout sya at pinapapungay nya yung mga mata nya.

"OA na yan., Alam mo inaantok pa ko" Iniba ko nalang yung usapan. Baka mainlove lang ako ng todo sa ginagawa nya "Ganun ba? Ode, Matulog muna tayo" Tayo? Seryoso ba sya. Humiga sya sa at inihiga nya ko sa braso nya tsaka nya ko niyakap "Tulog muna tayo babe" Tumingin naman ako sa kanya at tinignan nya din ako sa mga mata ko. Bigla nalang bumilis yung tibok ng puso ko dahil mas lalo nyang nilapit ang muka nya.

"I love you" Sabay halik sa noo ko. Hindi ko alam pero bigla ko nalang syang niyakap ng mahigpit ng sabihin nya yun. Hindi ko na nagawa pang kumurap sa sandaling ipikit nya ang mga mata nya. Magkaharap yung mga katawan namin at napapalitan ito ng init na nagmumula sa isa't isa.

Pinagmamaasdan ko lang sya at sa pag haplos ng kamay ko sa muka nya sya namang dahan dahan na pag mulat ng kanyang mga mata nya. Yung mga mata nya talaga ang kauna-unahang nagpapabilis ng tibok ng puso ko. Parang mga mata ng anghel. Ang hirap iwasan lalo na pag napako kana sa kanila.

Napansin ko naman na ngumiti sya "Ang sabi ko I love you"

"Ang sabi ko matulog muna tayo" Sagot ko sa kanya. Inilapit nya yung ulo ko sa dibdib nya. Napaka bango nya. Katahimikan ang bumalot sa aming dalawa. Dining dinig ng mga tenga ko ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso "Vin, Ang bilis ng tibok ng puso mo" Sabi ko sa kanya

"Ganyan talaga pag nagmamahal ka ng totoo. Minsan hindi mo alam at hindi mo pansin yung tibok pala na nanggagaling sa puso totoo na pala" Tibok? Peroooo, madalas ng bumibilis ang tibok ng puso ko sa kanya.

-*-*-

"What? liligawan kana ni vin? and the fact na nagsasabi na sya sayo ng I love you at ang tingin nya sayo asawa na. Like, seriously?" Tanong ni Monica. Halatang gulat sya sa mga naikwento ko sa kanya "Oo... Ewan ko ba? Nagsimula yun nung sa camping" Sagot ko "So, super effective yung advice ko" Bulong nya "Huh? Anong effective yung sinasabi mo?" Tanong ko "Wala... Ikaw tatanungin ko ngayon. Anong sagot mo sa kanya nung sinabi nyang liligawan ka nya?"

DEAR HEART, WHY HIM? (BOYXBOY)Where stories live. Discover now