☣ CHAPTER FOURTEEN -THE CAMPING PART 3- ☣

251 38 1
                                    

JUSTIN'S POV

Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala sa ginawa ni vin. Namin ni vin....... Sino ba namang hindi mabibigla sa nangyare. Honestly, I really did not see that coming. Everything is not normal. I mean, sinong straight guy ang gagawa nun sa kapwa nya lalaki. My head is messed right now. I can't believed he did that and the fact that I kissed him back like parang ginusto ko din. Oo, I mean.... Totoo ginusto ko din sya, In a way. Pero, trust me hindi ko alam kung anong tumakbo sa utak ko. It feels like it's the right thing to do.

Gosh! I have no one else to blame... Maybe his aura? I don't know. I just don't know what to do....

After that kissed, parang ang awkward ng usisain pa sya. Nahiya na kong magtanong. I can't even look straight at him. Pero sya? parang........ Parang wala lang sa kanya yung nangyari. I mean, Parang normal lang sa kanya yung ginawa nya. He can even managed to laugh, makipagusap ng normal sa mga kasama namin at eto pa lagi nya kong tinitignan, pag titingin sya? Ngingiti na para bang inaalala ang mga nangyare. Gusto nya ba ko? O gusto nya lang talaga kong halikan?

"Hoy! Baks okay ka lang? Anong nangyare sa inyo ni vin? Bakit ka ganyan?" Tanong sakin ni monica na nagpabalik sakin sa wisyo "Huh? Wala.. Ano. I mean, wala.. ano namang mangyayare samin. Hindi naman..... Nagayos lang kami ng hammock. Yun lang yun"

Sh*t! act normal justin. Act normal. Masyado kang halata. Wag mo syang bigyan ng pagkakataong mag hinala. Best friend mo yan....... Best friend.

"Oookay, Sabi mo eh" Huh? Nakakapagtaka naman.... bumalik nalang kami sa pagaayos ng pagkain para sa boodle fight. After that moment with monica napaisip ako na kaylangan kong I-Erase muna sa utak ko ang nangyare beacuse if I keep doing this things baka lalo lang makahalata ang lahat especially monica. After all, kaylangan kong mag relax at mag enjoy hindi para ma stress. Right?

After naming magayos tinawag na ni stacey ang lahat. Kumpleto na kaming nakapaikot sa isang mahabang lamesa na punong puno ng masasarap na makakain. Halos lahat ng pang boodle fight na foods makikita mo sa ibabaw ng dahon ng saging.

Sobrang sa-sarap ng pagkain like inihaw na isda na may sasawang toyo na may kamatis at sili, inihaw na pusit at manok plus sweety gravy, Inasimang hipon na nakalagay sa mangkok na pag hinigop mo yung mainit nyang sabaw mapapakilig kana lang sa asim na tamang tamang pangpapainit sa na simoy ng hangin, Binabad na pork chop na tamang tama ang timpla na pinaghalong tamis at alat, nilagang kangkong, talbos ng kamote at kung ano pang gulay na may sawsawang bagoong na maanghang, malulutong na chicharon na nakapalibot sa mainit na kanin.

"Okay, everyone let's start" masaya kaming nagsalo-salo sa masasarap na pagkain na ito. Iba talaga ang saya ng nabibigay ng pagkain sa buhay ko pati sa buhay nyo. Diba?

"Justin" napahinto ako sa pagkain ng tawagin ni vin yung pangalan ko nasa harap ko "Bakit?" Tanong ko sa kanya. "Naalala ko lang..." Shocks, anong sasabihin nya? Anong naalala nya? Wag naman dito ang daming tenga. Napatingin silang lahat kay vin at nagaantay din ng sagot "na gusto mo ng tuyo sa boodle fight" para kong nabunutan ng tinik nung tinuloy nya yung sasabihin nya. Napabuntong hininga nalang ako.

"Bakit? Meron ka ba?"

"Eto naaa" sigaw ni mang carlo sa Di kalayuan. Napatingin naman kaming lahat sa kanya at nang makarating sya samin "O, justin. Eto na yung tuyo... Nagpunta kasi si vin sa kubo tapos nakita nya to. Eeeh, tinanong nya ko kung pwede syang manghingi at paborito mo nga daw" inabot naman sakin ni mang carlo yung isang mangkok na tuyo na nakababad na sa sukang may sili at bawang "salamat po mang carlo"

"Ay, wala yun... Kay vin ka magpasalamat" Napatingin naman ako kay vin "Salamat" ngumiti lang sya sakin at nagpatuloy na sa pagkain. "Sige, mag enjoy lang kayo dito mga bata" akmang Aalis na sana si mang carlo kaya lang pinigilan sya ni joshua "Mamaya na ho kayo umalis saluhan nyo na kami dito" Sumangayon naman si mang carlo at nakisali na sa kaguluhan.

DEAR HEART, WHY HIM? (BOYXBOY)Where stories live. Discover now