☣ CHAPTER TWENTY -HEART BREAK- ☣

225 31 0
                                    


JUSTIN'S POV

"OH.MY.GOSH! Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sayong bakla ka. Nakita ko yun. Nasaksihan yun mismo ng mga mata kong birhen. Kung paano kayo naghalikan sa harap ng maraming tao. Bakla agaw eksena ka nung gabi nayun. Alam mo bang halos magkapasa na ako sa kakahampas ni Stacey sakin?" Daldal ni monica sa tabi ko. Magkasama kami ngayon dito sa mall. Gusto kong munang maglibang dahil hindi ko alam baka malapit na kong mabaliw sa kakaisip.

"Grabe talaga bakla,. Alam mo yung para akong nanunuod ng teleserye. Sobrang kinikilig ako nun. Tapos--- Waaaaahhh, Basta ang haba ng buhok mo bakla. Tinalo mo pa si rapunzel" Hinila na nya yung damit ko tsaka ako pinaghahampas "Aray ko naman monica" Galit kong sabi sa kanya.

"Ay, sorry. Kasi naman bakla hindi ko ma contain yung kilig na nararamdaman ko sa inyong dalawa" Mas kinikilig pa sya kaysa sakin. Ako tong natutuliro sa nangyayare. Isang linggo na ang lumipas simula nang insedenteng yun at hanggang ngayon ay wala parin akong kinakausap sa kanilang dalawa.

"Bakla, Alam mo kanina pa tayo paikot ikot dito sa mall. Kumain kaya muna tayo at nagugutom na ko" Pagrereklamo nya. Tinignan ko naman ang oras sa relo ko. Mag aala una na pala ng hapon. Ibig sabihin dalawang oras na kaming paikot ikot. "Sorry hindi ko napansin yung oras" Maikli kong sagot.

Pumunta kami ni monica sa isang fast food. Sya ang umorder ng kakainin namin at ako naman ang naghanap ng upuan.

Habang kumakain kami "Teka nga bakla. Diba nililigawan ka ni vin?" Tanong na nagpatigil sa akin. "Oo" Maikili kong sagot sa kanya.

"Wait nga. Mejs naguluhan ako. Kung nililigawan ka ni vin tapos nag halikan kayo ni Joshua sa harap ng maraming tao. Soooo, Ang tawag sayo ay haliparot. Tama ba ko friend? Tama ba?" Ngumisi naman sya ng sinabi nya yun.

"Monica, Nagpasama ba ko sayo para husgahan mo?" Tanong ko sa kanya. "Sorry na baks, So ano na nga?" Tanong nya ulit sakin.

"Hindi ko alam hanggang ngayon naguguluhan parin ako" Napangalumbaba naman sya sa sinabi ko "Eh sino ba kasing mas lamang sa nararamdam mo? Oppps. Wag mo kong bibigyan ng sagot na. Hindi ko nga alam friend. Baka masapak kita dyan" Tumingin ako sa kanya.

Eh naguguluhan nga talaga ako eh "Ganito kasi yan. Alam ko sa sarili ko na may nararamdaman ako kay vin. Diba nga nag I love you na ko. Umamin na ko sa kanya. Kaya lang---" Napatigil ako sa sinasabi ko nang dugtungan nya ito. "Kaya lang nagbago ang lahat nung gabi na yun. Naguluhan ka kasi bigla nalang may kung anong pumasok sa puso at utak mo" Tumango lang ako bilang tugon.

Kilalang kilala talaga ako ni Monica "Eh isa lang tawag dyan"

"Pok-pok ka" Bigla naman syang humagalpak sa kakatawa.

"Nakakatawa yun monica? Huh nakakatawa yun?" Inis kong sagot sa kanya "Hindi naman friend, Seryoso na... ang sakin lang. Kung sinong mas lamang dyan sa puso mo at kung sino yung alam mong magpapasaya sayo. Yun nayun."

Bigla naman tumunog yung cellphone ni monica. Tumayo ito upang sagutin. Sinenyasan ko lang sya. Sino ba nagpapasaya sakin? Sino ba Justin? Naguguluhan talaga ko. Haist ewan.

"bakla sorry, Something came up. I gotta go" Nagbeso lang ito sakin at dali daling umalis. Ano kayang nangyare. Dumukdok ako saglit. Mga ipang segundo din akong nakadukdok ng may nagsalita sa tabi ko ko dahilan para matingin ako.

"Mind if I join you?" Tanong nya sakin. Si harry, Yung kapatid ng impokritang si rachelle. Tumango naman ako sa kanya.

"Sorry ah, wala na kasing available na upuan sakto nakita kita kaya dito na ko dumiretso"

"Okay lang. Ano palang ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya. Natural Justin mall to. San mo nanaman ba kinuha yung tanong na yun. Tumitig lang sya sakin. Anong meron sa mga mata nya. Yung mga mata netong lalaking to. Yung matang mapanghusga. Pero, in fairness kung titignan mo sya para syang isang modelo. Maganda pagkakasyos ng buhok at maganda magdala ng damit.

DEAR HEART, WHY HIM? (BOYXBOY)Where stories live. Discover now