☣ CHAPTER SIXTEEN -YOUR EYES CAN SPEAK A THOUSAND WORDS- ☣

233 38 1
                                    

JOSHUA'S POV

Ilang araw na kaming hindi pinapansin ni Justin dahil sa nangyari nung camping at ilang araw ko narin syang pinupuntahan sa kanila. Perooo, sa twing pupunta ko hindi sya lumalabas ng kwarto nya. Ano bang nangyayari? Gusto ko syang makausap o makita man lang. Promise, I tried... but everytime na nag aatempt ako he's shuting me out and honestly I really don't know what to do. Nalulungkot ako sa nangyari. Naiinis ako sa sarili ko dahil sinaktan ko nanaman sya. Gusto kong bumalik na kami sa dati kasi miss na miss ko sya. Miss ko na yung taong mahal ko.

"Okay ka lang manugang" Napatingin ako sa nagsalita.

"Tita? Oo naman po, okay lang po ako" Napailing naman sya sa sagot ko. Halata bang nagsisinungaling ako? Umupo naman si tita sa tabi ko.

Nakaupo kasi ko sa harap ng gate sa bahay nila nagbabakasaling lumabas si justin at makausap sya. I really want to talk to him so badly. "Tsk. Tsk. Tsk. Muka namang hindi ka okay. Joshua, ang mga mata natin kaylan man hindi marunong magsinungaling. Kasi dyan mo makikita kung totong nagsasabi ka ng totoo. Tekaaa,... Dahil ba to kay Justin? Kasi pansin ko yun" natingin naman ako kay tita ng sabihin nya yun "Tama ba ko?" Napayuko naman ako ng tanungin ako ulit ni tita.

"Opo tita, tama po kayo. Ilang araw na nga po akong pabalik balik dito sa inyo. Ang totoo po nyan nahiya na po akong pumasok sa loob kasi baka makulitan na sya sakin. Kaya naupo nalang po ako dito sa harap. Nagbabakasakaling lumabas sya. Nandyan po ba sya tita?" Pagpapaliwanag ko kay tita. "Wala eh, maaga syang umalis kanina may pupuntahan lang daw sya" Nakaalis na pala sya. Saan naman kaya sya pupunta? Sayang hindi ko man lang sya naabutan

"Joshua anak makinig ka sakin. Wag kang magalala, magkakayos din kayo at kung ano man ang naging problema nyo maliit man o malaki. Mawawala din yan. Hindi ka rin matiis nun. Hindi ko alam kung anong nangyari at nagkatampuhan kayo at hindi rin ako magagalit sayo. Magkakayos din kayo"

"Sana nga po tita" hinawakan ni tita yung balikat ko at sa pag hawak ni tita sakin kahit papaano humupa yung nararamdaman kong lungkot. Pero bigla itong nagiba ng mag tanong syang muli.

"Matagal mo na syang mahal Diba?" Nakaramdam ng matinding kaba sa sinabi ni tita. Para kong isang makihiyang tumiklop sa narinig ko. Bigla akong nahiya kaya Hindi ko na sagot yung tanong nya. Napabuntong hininga naman si tita ng makita nya kung anong naging reaksyon ko.

"Okay sige, kahit hindi mo sagutin yung tanung ko. Okay lang, basta alam ko kung ano ang totoo dahil nakikita ko yun sayo. Katulad nga ng sabi ko, kaylan man hindi marunong magsinungaling ang mga mata lalo na pag nagmamahal ka. Nakikita ko yun sa twing tinitignan mo si justin. EYES CAN SPEAK A THOUSAND WORDS"

"Joshua, yung pagmamahal mo sa kanya nakakubli. Pag mamahal na tinatago sa salitang best friend. Peroooo, sana lang wag kang sumuko, lakasan mo yung loob mo. Alam mo, ang pagmamahal parang sugal yan. Wag mong itago kung anong nararamdaman mo dahil ang totoong nagmamahal nagsasabi ng totoo. Wag mong ikulong ang sarili mo. Pag mahal mo ang isang tao dapat ipaglaban mo" hindi ko namalayan na may tumulo na palang luha sa mga mata ko. Agad ko naman itong pinunasan at yumuko nalang. Naramdaman ko naman na hinhimas ni tita yung likuran ko. "Hindi ka matitiis nun ako na nagsasabi sayo. Basta ipangako mo sakin na hindi mo sya sasaktan. Dahil ayokong maranasan nya yung ginagawa ng papa nya sakin"

"Opo tita, pangako po huling beses na po ito" Nangiti naman si tita ng sabihin ko yun. Hindi ko namalayan na nahahalata na pala ni tita yung pagmamahal ko para kay justin.

"O sya sige na. Maiwan na muna kita dyan at magdidilig pa ko. Basta, isipin mo lahat ng sinabi ko" Tumayo na si tita at nag paalam samantalang nag tagal pa ko ng ilang minuto dun. Para magkapagisip ng tama.

DEAR HEART, WHY HIM? (BOYXBOY)Where stories live. Discover now