☣ CHAPTER TWENTY TWO -HE'S BACK- ☣

199 30 0
                                    

JUSTIN'S POV

"Enzo maniwala ka naman sakin. It's not what you think it is" pagpapaliwanag ko kay enzo. Pero, natatawa lang sya sa sinasabi ko. Nandito na kami ngayon sa club. Kanina pa ko hindi mapakali dahil alam kong iba ang nasa isip ni enzo.

"Hindi mo naman sinabi sakin na may pagka naughty ka pala capt." Bulong nito sakin. Sabay tingin sa katabi ko. Nag fist bump pa silang dalawa.

Napansin ko naman umakbay sakin si harry "Kasalanan mo to" sinuko ko ulit sa sikmura si harry. "Napaka brutal mo talaga" bulong nito sakin.

"Wooooooo! Bakit ba mga nakaupo lang kayo dyan? Kanina pa ko sumasayaw sa dance floor. Sayang naman yung pinunta natin dito" Hiyaw ni monica. Tumngin naman sya sakin at ngumiti tska nya ko hinila. Natawa lang yung dalawang mokong. "Hoy! Monica bitawan mo nga ako" Pero hindi nya ko pinakinggan.

Sobrang lakas ng music na pinapatugtog nung DJ sa baba. Natural justin club 'to. Bumitaw ako sa kanya kaya napatingin sya sakin.

"Baklaaa naman mag enjoy ka. Taraa sayaw sa baba. Sobrang daming papa" Hiyaw ulit nito at uminom sya ng alak.

"Monica lasing kana. Mamaya may maka kilalaa sayo dito lagot ka" Hinila ko sya pabalik sa pwesto namin "Wala akong pakielam sa kanila. Woooooo! Party party. Kaylangan ko 'to at nakaka stress yung work natin wooooo" Hiyaw ulit nito. Umalis ulit sya may paindak indak pa ang katawan nya sa musikang tumutugtog. Tumingin naman ako kay enzo "Do something" sabi ko sa kanya. Ngumiti lang ito at umindak sa tugtog.

"Hayaan mo na sya. Minsan lang naman sya magsaya" sabi ni harry at hinila ulit ako sa upuan ko.

"Are you not enjoying the party?" Bulong nito sakin. "Labas muna ako. Langhap lang ako ng hangin" Pagpapaalam ko. Napakunot naman yung noo nya.

"Enzo, bantayan mo 'to baka mamaya mambabae nanaman 'tong lokong 'to" bilin ko kay enzo. Nang akmang tatayo ako hinila ulit ako ni harry dahilan para maupo ako sa binti nya "Kaylan mo naman ako nakitang nangbabae?" Bulong nito sakin. Inirapan ko lang ito at tumayo na ako. Binaling ko ulit ang mga mata ko sa kanya at kinindatan lang ako. Nakailang bote na ba sila ng alak?

Bumaba ako mula sa second floor ng club at sa di inaasahang pagkakataon may nabunggo ako "Ay sorry po" napatingin naman ito sakin "Emmanuel?"

"Justin, anong ginagawa mo dito?" Parang natataranta pa sya na makita ako. "Tara sa labas. Sa labas tayo wag tayo dito maingay masyado" tsaka nya ko hinatak palabas ng club. Sakto din at gusto kong lumabas. Pero, anong meron sa kanya?

"Kamusta kana?" Tanong ko sa kanya. Kumuha naman sya ng yosi at sinindihan ito "Okay naman, I heard sobrang galing mo daw na nurse. Lagi kang kwinikwento ni Helix sakin. Ikaw nga daw ang pinaka favorite nya sa hospital eh" madalang lang nya kasing puntahan si doc at busy din sya sa work nya sa manila.

"Hindi naman. Oa lang mag kwento si doc kasama mo ba sya?" Hindi naman sya sumagot ng itanong ko iyon at busy sya sa cellphone nya "Uyy! Emmanuel"

"Huh? Ano na nga ulit yung tanong mo?" Nilagay nya ulit yung cellphone nya sa bulsa nya "Sabi ko kasama mo ba si doc?" Umiling lang ito at animo'y may sinisilip sa paligid "Okay ka lang ba? Kasi muka kang natataranta dyan" Tanong ko ulit sa kanya.

"Oo naman" maikli nitong tugon. "Sige justin, mauna na ko may emergency kasi eh. Masaya ko nakita ulit kita" tinapik naman nya yung balikat at nag madaling umalis.

Anong nangyare dun? Aayain nya ko tapos iiwan din ako. Naglakad lakad muna ako sa labas para makapag isip dahil hindi naman din ako nag eenjoy sa loob at mga lasing na ata yung kasama ko.

Napansin ko nalang na may nakatingin sakin sa di kalayuan. Bigla akong kinabahan. Nakaramdam nalang ako ng panlalamig sa buong katawan ko. Parang bumagal ang oras. Yung lalaking yun pamilyar sya sakin. Pinilit kong ihakbang ang mga paa ko papunta sa direksyon nya. Mali ba ako ng nakikita? Namamalik mata ba ko?

DEAR HEART, WHY HIM? (BOYXBOY)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora