Chapter 4 - My Work

3.3K 49 0
                                    

habang patakbo takbong nilalakad ni luna ang entrance ng T3 sabay nya ring kinakapa ID nya sa bag,para pag pasok nya sa loob deretso na agad sya sa pila ng kuhanan ng pass.

habang nakapila sa id pass papindot pindot sya sa celphone nya,at pangiwi ngiwi pa minsan, habang nakatingin sa screen ng fon nya.

hhmmppp, me ganyan ganyan pa kayong picture nyo edited naman!
bulong ni luna sa sarili nya habang patingin tingin sa facebook niya.

         at dahil nasa pinakaloob ang coffee shop na pinapasukan nya kailangan nya pang umakyat ng escalator para makarating dun.

morning ganda!!
ito ang bati sa kanya ni manong guard na nakabantay sa entrance ng papuntang boarding area.

morning kuya!!!

mukhang masaya umaga mo ngaun ah,sabay ngiting sabi ni luna sa guardya.

nakita kasi kita luna kaya masaya na ako!

hahaha,

wag kana umasa kuya dahil sampu na ang anak ko,indi ko na kayang dagdagan pa, baka ikamatay ko na!
     pabirong sabi ni luna.

ito ang gusto ni manong guardya ki luna napaka joker,talagang pinapatawa sya nito tuwing dadaan sa pwesto nya.

hahaha!
dami naman nun luna, baka di mo na abutin ang senior card mo nyan!

    ayyyy sama ugali mo kuya ha!
parang sinasabi mong maiksi nalang magiging buhay ko!
hahaha
trabaho kana nga lang dyan baka sakaling makita mo na 4ever mo,at ng lubayan mo na ako!
patawang sabi ni luna habang naglalakad palayo sa guardiya.

dahil papasok na sya sa loob,isinilid na nya sa bag nya ang kanyang fon kc dadaan sya ng screening at kailangan idaan lahat ng gamit dun.

pagkalabas ng bag nya sa xray machine dinampot agad ito ni luna,at nag mamadaling nag lakad.
natanaw nya agad ang coffee shop nila,
na me pangalang
Manhattan Cafe

juice ko lord ito na naman ang paligid kung magulo,a dahil sa late na sya alam nyang asar talo na naman sya ngayon sa mga kasamahan nya.
      sana bigyan mo ng liwanag ang araw ko ngayon lord, at sana lahat sila ngayon dyan ay kumakain at punong puno ang mga bibig ng kanin para tahimik sila sa pagdating ko...
mahinang usal ni luna sa sarili nya.

maria luna!!!
bati ni weng sa kanya.

mukang ang aga mo ngayon ah!!

ei naku!
ako tigilan nyo ha, 6 minutes lang ako late kaya patahimikin nyo araw ko ngayon!!

at deretso na syang pumasok ng locker room para mag ayos sa sarili at mag bihis narin ng uniform nya.

hi morning luna!
tara me dala akong food,kain tayo!
masarap to magugustuhan mo!

thanks,aries!
maya na busog pa naman ako eh,kumain muna kasi ako sa bahay kanina bago umalis.

papalabas na sya ng staff room para pumunta na ng counter ng madaanan nya sa kitchen si aries na sarap na sarap sa kinakain nya,

ano bayang dala mo aries?
at mukang sarap na sarap ka!

ano pa,e di ang paborito mong dinuguan!
hahahaha!!

pakyu ka talaga aries!
ubusin mo lahat yan,
mabilaukan ka sana!!

sa lakas ng tawa ni aries rinig na rinig pa ito ni luna habang papalabas sya ng kusina.
ang locker room nila ay malapit lang sa me kitchen , kaya dadaanan mo ito bago ka makapasok ng duon.

buwweeessiitt talaga to si aries!!pabulong bulong na sabi ni luna.
kahit kelan alaskador talaga,maya lang babawian kita,pangiti ngiti pa si luna habang sinasabi ito sa sarili nya.

 My Arrogant BoyfriendTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang