Chapter 18 - The Murder

2.6K 42 10
                                    

nakahiga na si luna sa kama pero hindi parin siya makatulog,
andaming pumapasok sa isip niya.
   
tiningnan niya si ann sa kabilang bed na tulog na tulog na, mukhang napagod sa pang aasar sa kanya.

tama nga si ann,
pasulyap sulyap siya lagi kanina ke gabriel habang nakatayo ito malapit sa nag ddrive ng sinasakyan nila.

naalala niya lang kasi kung paano siya nilapitan nito sa tubig..
kung paano siya nito hinila palapit sa dibdib nito at niyakap ng mahigpit na para bang ayaw siyang bitiwan.

kaya halos himatayin siya ng idilat niya mga mata niya at makita niyang si gabriel pala ang yumakap sa kanya.

sa sobrang lapit niya kanina dito napagmasdan niya ang buong mukha nito.
hindi niya maiwasan na humanga dito lalo na sa mapuputi at pantay pantay na ngipin nito na lalong bumagay sa mukha niya.
     
halos hindi siya makahinga kanina kapag tinitingnan siya nito,
na para bang sasabog dibdib niya sa tuwing kakausapin siya ni gabriel na kulang nalang magdikit ang mukha nila sa isat isa.
             
kakaiba yung naramdaman niya kanina,
lalo na ng napunta ang kamay ni gabriel sa beywang niya para higpitan nito lalo ang pagkakayakap sa kanya.

para bang binalot ng kuryente ang buong katawan niya at wala na siyang ibang narinig kundi yung bilis ng tibok ng puso niya,
at ang paghinga ni gabriel.

walang siyang ibang naramdaman kanina kundi yung yakap ni gabriel na pinapahiwatig nito na hindi niya hahayaang me mangyaring masama sa kanya.

naiiyak na naman si luna dahil sa naalala niya,

kelan paba siya huling nakaramdam na merong nagmamahal sa kanya.
nag aalaga sa kanya, at pumuprotekta sa kanya.
       
huli niya lang to naramdaman sa pamilya niya at sa kuya niya.

sobrang pagmamahal ang binigay sa kanya ng mga ito. bata palang si luna ulila na siya.
mga lolo at lola nalang ang nagpalaki sa kanya. si ann na lamang ang tinuturing niyang kapatid.
         
sampung taon gulang palang siya nun ng masaksihan niya lahat ng kalunos lunos na nangyari sa pamilya niya.

tangdang tanda niya ang pangyayaring yun. malaki lupain nila sa san simon ito ang probinsiya kung saan siya pinanganak,
dalawa lang silang magkapatid siya at kuya niya lang.
     
dahil sa malaki ang lupain nila maraming nag kakainteres dito na bilhin at gawing commercial business.

pero hindi pumayag ang pamilya niya.hanggang sa me makaaway ang papa niya na isang kilalang tao.
        
isang gabi tulog na silang lahat. bigla siya nakaramdam ng sobrang pagka uhaw at dahil mag isa lang siya sa kwarto kailangan niyang lumabas para kumuha ng tubig sa kusina.
    
paglabas niya ng pinto nakita niyang nakabukas ang kwarto ng kuya niya at ilaw,
dahil sa katabi lang ito ng kwarto niya kaya sinilip niya kuya niya, pero ng itulak niya yung pinto wala dun ang kuya niya.
 
kaya ginawa niya naglakad na siya pababa ng hagdan.
at dahil sa yung kwarto ng magulang niya ay nasa baba kaya madadaanan niya rin ito bago siya makarating ng kusina.

pag baba niya nagtaka siya baket bukas mga ilaw at me mga ingay siyang naririnig at me naririnig din siyang iyak!
natakot siya at huminto muna siya sa paglakad,

nakita niyang nakabukas din yung pinto at ilaw ng kwarto ng magulang niya kaya unti unti siyang lumapit dito.
       
nang makarating siya ng pinto unti unti niya itong tinulak, hanggang sa tumambad sa kanya ang mama niyang nakahiga sa sahig na me mga dugo at wala ng buhay,

nakita niya rin yung tatay niya na puro dugo ang mukha at nagmamakaawa habang umiiyak na hawak hawak pa nung dalawang lalaki na para bang me tinatanong.
at yung isang lalaki naman walang ginawa kundi ang ilabas lahat ng gamit sa drawer na parang me hinahanap.
           
kitang kita ng dalawang mata niya yung mga mukha nung tatlong lalaki, dahil sa malaki ang kwarto ng mga magulang niya hindi siya napansin ng mga ito na nakasilip siya sa labas.
        
para siyang biglang nahilo sa nakita niya, awang awa siya sa magulang niya. nanginginig na siya takot at wala na siyang lakas para tumayo dahil sa kakapigil niyang umiyak ng malakas.

para narin siyang mamamatay ng oras na yun.
wala siyang nagawa kundi gumapang palayo ng kwarto na yun, hindi niya alam kung ano gagawin niya,hinang hina na siya sa kakaiyak.

nakita niya kuya niya na naglalakad papalapit sa kanya,
hindi ito makalakad ng mabilis dahil sa me sugat ang isang paa nito, pag lapit ng kuya niya niyakap siya agad nito at umiiyak din at sinasabi sken na wag ako maingay.
        
binuhat ako ng kuya ko na kahit hirap na hirap siya sa paglalakad pinilit niya parin na makabalik kami sa itaas.
       
pumasok kami sa kwarto ko at ini lock ni kuya yung pinto nito.
at pumunta kami malapit sa me bintana ng kwarto, iyak parin ako ng iyak.
      
luna...'' ....

makinig ka sken
gusto namin nina papa at mama na maging matapang ka ngayon..'

wag kana umiyak ayaw namin na umiiyak ka''
lagi mo tatandaan na mahal na mahal ka namin ha..''!!

saka siya nito hinalik halikan sa mukha
at walang sabi sabing inihulog siya sa bintana.

sunod na narinig ko ay mga putok na ng baril.

lahat ng ito ay nasa puso't utak ko, na parang bangungut na lagi nalang bumabalik saken.

hanggang ngayon nakabinbin parin yung kaso ng pamilya ko at hanggang ngayon hindi parin nahuhuli kung sino sino ang mga taong yun.
     
kaya tuwing umuuwi ako ng san simon lagi akong nagtatanong sa presinto kung me balita naba sa mga pumatay sa pamilya ko.
  
dahil sa hindi naman ako mayaman at walang akong pera kaya siguro pinapabayaan nalang nila ang kaso.

hindi ko namamalayan na umiiyak na naman pala ako,
     
lunaaa''!!!

umiiyak kaba?
tawag saken ni ann.

pero hindi ako makapagsalita pakiramdam ko naninikip dibdib ko.
naramdaman ko na bumaba ng higaan si ann at lumapit saken.

lunaaaa'!!

umiiyak ka nga,
halika nga dito!
at niyakap ako ni ann.

tama nayan..''
matatapos din lahat ng problema mo, hindi rin nila gugustuhin na makita kang ganyan.

gusto nila maging matapang ka dba....
matulog na tayo..
at sa tabi ko na si ann nahiga.
hanggang sa makaramdam narin ako ng antok.

 My Arrogant BoyfriendOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz