Chapter 52 - The Abduction of Luna

2.2K 34 6
                                    

nag ayos kaagad si luna ng mga gamit niya na dadalhin mamaya sa pag alis nila.

mabilis lang naman kasi natapos yung meeting nila kaya naihatid kaagad siya ni gabriel ng boarding house nila.

andaming magagandang nangyayari sa buhay niya ngayon,
una si gabriel..'
pangalawa ang mga magulang ni gabriel,
napakabait ng mga ito s kanya.
kaya pakiramdam niya meron na siyang pamilya ngayon at hindi na siya nag iisa.

at ngayon ito naman sa trabaho niya, nag offer ang kompanya nila ng tulong sa mga empleyado na gustog mag aral ulit.

dahil sa gustong matuto ni luna sa mga pastry lalong lalo na sa mga cakes kaya hindi siya nag dalawang isip na tanggapin ang tulong na binibigay ng kompanya nila.

biglang naalala ni luna ang schedule niya, para bang nakaplano ang lahat.

meron siyang leave na apat na araw kahit na hindi naman siya nag file.

paliwanag ng supervisor niya madami naman daw staff kaya ok lang na mag leave siya.

ano yun nataon lang..?
na wala akong pasok..
kaya makakasama ako ke gabriel ng dalawang araw sa casteileos.

ito ang sabi sa kanya ni gabriel kanina. wala nga siyang kaalam alam na isasama pala siya nito.

bahala sila kung gusto nila ako bigyan ng leave!
nangingiti na lamang si luna dahil sa dami ng iniisip niya.

basta ako masaya ngayon, lalo nat makakapag aral ulit ako..!

nakahiga si luna sa kama niya kaya naisipan niyang umidlip muna, dahil mamaya pa namang 7 ng gabi ang alis nila.

tiningnan niya oras sa relo niya, mag ti ten palang naman ng umaga kaya me oras pa siya na matulog muna.

nagsisimula palang siyang pumikit ng tumunog ang fon niya.

dali dali niya itong tiningnan na akala niya ay si gabriel ito.
nagulat nalang siya ng makita niya kung sino ang nagtxt sa kanya.

inspector santiago:
luna andito ako ngayon sa maynila meron kaming hinanap na tao na makakatulong sa atin para sa imbestigasyon.

kailangan mong pumunta ng san simon ngayon dahil kasama namin ang taong makakatulong sayo.

sumabay ka nalang sa amin antayin ka namin sa terminal ng bus, para mabilis byahe natin.

luna:
sige po, darating po ako.

inspector santiago:
bilisan mo luna para makarating tayo agad ng maaga sa san simon.
magdala kana rin pala ng pera luna para me pambayad ka sa tumulong sa atin.

luna:
ok po. bibilisan ko po.
salamat po.

nagmamadaling nagbukas si luna ng cabinet niya at kinuha yung perang naiipon niya.
binilang niya ito, umabot rin ito ng 12k.

kinuha niya lahat ito at isinilid niya sa bag niya.

hindi na nakuhang magbihis ni luna dahil sa pagmamadali niya.
agad agad siyang lumabas ng bahay para makaalis agad.
naisip niya na maaga pa naman makakabalik naman agad siguro siya bago mag alas singko ng hapon.

 My Arrogant BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon