Chapter 78 - The First Night

2.1K 48 0
                                    

nakapasok na si gabriel ng kwarto nila pero si luna ay nakapikit parin mula ng binuhat niya ito galing sa labas.

nang marating niya ang kama ng silid nila dahan dahan niyang inilapag dito si luna.

ito ang unang gabi nilang magkasama sa kwarto bilang mag asawa. at ito rin ang unang gabing makakatabi niya si luna sa pagtulog.

nagkasama man sila ni luna sa iisang bubong dati, pero ni minsan hindi sila nagsama nito sa iisang silid. at ayaw niya rin na mangyari yun. dahil mas pinili niya na antayin ang araw na ito...

ang araw na wala ng pwede pang magpahiwalay sa kanila ni luna. ang araw ng pag iisang dibdib nila.

.........luna..........'
mahina niyang tawag dito.

nailapag niya na ito sa kama pero nakapikit parin si luna.
at dahil nasa ibabaw siya ni luna ng mailapag niya ito, itinukod niya ang mga braso niya at ini angat niya ng bahagya ang katawan niya para hindi ito maging mabigat kay luna.

.....luna........'!?

baket ayaw mo idilat yang mga mata mo..?

bakit dimo ako tingnan.....''!

dahil sa nakatitig siya sa maamong mukha nito, kitang kita niya ang pamumula ng mukha nito. habang kinakausap niya ito ng me halong panunukso.

walang nagawa si luna kundi ang magtakip na lamang ng mukha gamit ang mga kamay niya. pakiramdam niya nag iinit ang mga pisngi niya. at alam niyang namumula na siya.

tigilan mo nga ako dyan gabriel!

inaantok na ako kaya ako nakapikit..!

ito nalang ang nasabi niya sa pangungulit sa kanya ni gabriel. kasi ang totoo, nahihiya siya dito. nahihiya siya na nahawakan na ni gabriel ang ilang masisilang parte ng katawan niya.

hahahaha!!

malakas na tawa ni gabriel.

inaantok...?

o...' nahihiya kalang luna....?

inilapit lalo ni gabriel ang mukha niya sa tenga ni luna at saka muling nagsalita ng pabulong.

hindi mo kailangan mahiya sa akin...
dahil lahat yan ay makikita ko at mahahawankan ko....."

at sinong me sabing matutulog ka ngayon??

ang tagal kong inantay ang araw na ito luna, ang araw na handa kanang ibigay ng buong buo ang sarili mo sa akin.

at alam ko, na handa kana ngayon at naramdaman ko yun kanina...'

kung kanina lang mukha niya ang nag iinit, ngayon pakiramdam niya nagliliyab na ang buo niyang katawan.

hindi niya alam kung sa mga salita ni gabriel, o sa matipunong boses nito na kumukuryente sa kanya tuwing nag sasalita ito ng pabulong sa tenga niya.

napapikit na lamang siya ng magsimula na naman na halikan siya ni gabriel simula sa dulo ng tenga niya, hanggang sa magtagpo ulit ang mga labi nila.

parang ayaw nang ilayo ni gabriel ang labi niya sa bibig ni luna, kahit na abutin siyang magdamag dito hindi siya magsasawang halikan ito.

 My Arrogant BoyfriendWhere stories live. Discover now