Chapter 11 - Monte Carlo Resort

2.7K 40 0
                                    

luna..!! lunaaa!!
oyyyy,!!!
andito na tayo!!

naramdaman niyang pinipisil pisil ni ann yung ilong niya.

lunaaaa! gising na.......dito na tayo....!
pabulong na sabi ni ann.

iminulat agad ni luna mga mata niya, at nakita niyang nakabukas na ang pinto ng van at ibinababa na ni mang gerry at ann ang mga gamit nila.

pagbaba niya ng sasakyan biglang natulala si luna sa nakikita niyang kagandahan ng paligid, nakabuka pa bibig niya sa sobrang paghanga niya sa lugar na kinatatayuan niya.

nananaginip ba ako??!!

sobraaaa naman ganda ditooo! grabeee!!
sobrang nakaka amazed!!

grabe namang yamam ng me ari nito, at nakagawa sila ng ganito kagandang resort..!
nasa mataas na lugar si luna nakatayo, kung saan ito yung ginagawang garahe ng mga sasakyan sa lahat ng mga pumupunta dito.

bukod sa mga naka uniform na empleyado dito, ang dami ring mga guardiyang naka bantay sa resort.

habang nasa mataas na lugar nakatayo si luna kitang kitang niya yung view pababa, kung saan me matatanaw kang dalawang swimming pool na nasa gilid lang halos ng hotel na nakatayo sa loob ng resort.

at sa bandang babang baba naman ng hotel matatanaw mo naman yung dagat na nag halong berde at asul ang kulay nito.

napakaganda ng lugar, madaming puno at napakalaki nito.

lunaaaa!!

narinig niyang tawag sa kanya ni ann,
halika ka dito sa baba!!

dahil sa nalilibang siya sa mga nakikita niya, hindi niya napansin na nauna ng bumaba sa kanya si ann at mang gerry.

habang naglalakad siya papasok ng resort nasa kabilang balikat niya nakasabit ang dala niyang backpack,
sa bawat daraanan niya hindi niya maalis ang humanga dito.

habang papalapit siya sa bungad ng hotel kitang kita nya kung gaano ito kaganda...

me mga natatanaw narin si luna na mga taong nakaupo sa lobby nito at yung iba naman ay mga naliligo na sa pool.

bigla siyang nakaramdam ng hiya, ng mapansin niyang madami palang kasama sa outing na to. ganito pala kadami ang empleyado ng kompanyang pinapasukan ni ann.

payuko yuko siyang pumasok ng lobby, pakiramdam niya pinag titinginan siya ng mga tao dito, kaya naman nag lalakad siyang nakayuko papunta ke ann na nakatayo malapit sa elevator, na halatang inaantay siya.

ang bagal mo naman maglakad!!

bungad kaagad sa kanya ni ann.
ehhh, kasi namam ann! napakaganda ng resort na ito, parang gusto ko na ngang tumira dito!!

halika na akyat na tayo sa taas, sakay na tayo ng elevator kasi nasa taas yung mga kwarto.

sabay hila ni ann sa kamay niya papasok ng elevator.

nasa 3rd floor ang kwarto nila ni ann, kaya kitang kita nya ung beach na nasa baba lang nito.

nakita nya rin na medyo madami dami naring tao banda dun, kita niya yung malalaking bangka at 2 speedboat na naka hinto lang dun.

ann........???

baket luna?!

ganito ba kadami kasama mo sa trabaho?

nakuuu luna, hindi ahh!

yung iba diyan hindi ko na sila kilala, sa dami ba naman ng negosyo ng mga monte carlo!
kaya hindi na nakakapagtaka kung ganyan sila kadami.

pahinga na muna kaya tayo luna, mamaya nalang tayo mamasyal..
nakakapagod di pala yung biyahe natin!

ahhh basta ako ann, mag bibihis lang, tapos punta na ako sa baba, iikutin ko ang resort na ito!

ito na ang pag kakataon ko na makapamasyal sa ganito kagandang lugar!

ikaw bahala luna!
sunod nalang ako sayo sa baba maya maya lang...'

nagpalit lang si luna ng white short na tamang tama lang yung pag kaiksi sa mga hita niya, at nka boxer sando lang sya na kulay asul.

nakalugay lang ang buhok niya na lampas lang ng balikat, na me layer style..na lalong bumagay sa mukha niya.

bago siya lumabas ng kwarto nila, nag lagay muna siya ng kaunting pressed powder sa mukha, para naman kahit papano maayos ayos siya tingnan..

annnn! baba na ako ha! antayin nalang kita dun!
pag papaalam niya dito.

 My Arrogant BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon