Chapter 45 - Love is in the air

2.1K 38 0
                                    

masaya si luna na kasama niya ngayon sina ann at dexter.

mabuti narin pala na sumama siya sa mga ito medyo gumaan gaan pakiramdam niya.
halos nanakit mga panga niya sa kakatawa.

para silang mga sira ulo pag nag sasama sama silang tatlo. wala silang ginawa kundi asarin ang isat isa.

tiningnan ni luna celfon niya, lowbat na ito at ayaw ng magbukas. hindi niya kasi ito na charge mula kaninang umaga pa.

luna..'...!
inom kaba?

isang bucket na san mig light nalang i order natin hati hati tayo!

ok lang dexter, isa lang naman iinumin ko!
bahala na kayo ni ann umubos.
basta i order mo ako calamares ha!
natatawang sabi ni luna.

o sige, i order kita ng sampung kilo!

hahahaha!
parang mga baliw lang silang tatlong sabay na nagtawanan.

habang nag aantay sila ng order inikot ni luna ng tingin ang paligid.
maganda ang lugar na napili ni dexter. nasa labas lang sila nakaupo at tanaw na tanaw mo yung dagat mula dito.

occupied din lahat ng mga tables at makikita mong madami talagang tao. hindi sila ganun kalapit sa bandang nag pi perform sa bar kaya hindi ganun kaingay sa pwesto nila.

ano tinitingnan mo luna?!
para kang taga bundok! na ngayon lang nakalabas ng syudad.
natatawang sabi ni dexter.

tangaaa! natutuwa lang ako, kasi dami tao!
at ang ganda nitong napili mong bar. sarap tumambay!

ng dumating order nila kanya kanya sila dampot ng iinumin nila.

sheettt!
sarap talaga nitong light pag nasa bote, at pag ganito na sobrang lamig siya, ang sarap inumin!
tuwang tuwa na sabi ni ann.

si luna naman ay di magkanda ugaga sa pag kain agad ng calamares.
at hindi lang pala calamares ang inorder ni dexter, meron ding tempura at fried chicken wings.

luna!!
dahan dahan lang baka naman masuka kana niyan sa dami na ng nakain mo!
natatawang sabi ni dexter.

naku wala yan ke luna pag mga ganyang pagkain!!
kaya niyang ubusin lahat yan!

masyadong pinagpala ang babaeng yan, kahit na andaming kumain hindi tumataba!

ewan ko ba ann! pag ganitong klase ang pagkaing nasa harap ko, para akong patay gutom lagi!
hahaha! sabay sabay pa silang natawa.

nasa kalahating bote na ang iniimon ni luna, ng me napansin siyang lalaking naglalakad papunta sa kanila.

biglang nanlamig pakiramdam ni luna ng makilala niya kung sino ang taong papalapit sa kanila.

hindi niya malunok lunok yung beer na nasa bibig niya, halos maibalik niya ito sa boteng iniinom niya ng makita niya si gabriel.

baket siya andito?
tanong niya sa sarili niya.

at habang papalapit si gabriel sa kanila, hindi maiwasan ni luna ang makaramdam ng inis.

inis dun sa mga babaeng lumilingon ke gabriel.
kulang nalang lunukin si gabriel ng buo kung makatingin ang mga babaeng nasa ibang mesa.

 My Arrogant BoyfriendWhere stories live. Discover now