Chapter 48 - Meeting the Monte Carlo's

2K 41 0
                                    

nakaupo si doña mariz sa isang sofa na nasa sala nila at nasa tabi naman niya ang asawa niyang si condrado.

inaantay nila ang pagdating ng anak nilang si gabriel. dahil nag pasabi ito kanina na me ipapakilala daw ito sa kanila.

hindi niya alam kung sino ang kasama nito at kung sino ang ipapakilala nito sa kanila.
ngayon lang nagsabi sa kanila si gabriel ng ganito na para bang napaka importante ng kasama nito.

maya maya lang me narinig na silang tunog ng sasakyan, at alam ni doña mariz na si gabriel na ito.

nagmamadaling naglakad papuntang pinto ang isa nalang kasambahay para pag buksan sina gabriel.

nakita agad ni doña mariz ang anak niyang si gabriel pag pasok nito ng bahay nila at me kasama itong babae.

nang makita sila nito agad itong naglakad papunta sa kanila.

napansin agad niya na hawak hawak ng anak niya ang kamay ng babae.

ngayon niya lang nakita na ganito si gabriel sa isang babae.

nagdadala nga si gabriel ng mga babae dito sa bahay nila, pero ni isa wala itong pinakilala sa kanila. at kahit na kay monica hindi naging ganito si gabriel.

habang papalapit sa kanila ang dalawa napansin agad ni doña mariz ang kasama ni gabriel.

maganda ang babae kahit na wala itong make- up litaw na litaw ang ganda nito.

napaka simple lang ng pananamit ng babae pero hindi nito maitatago ang napakaganda at napakaamong mukha nito lalo na sa malapitan.

hindi parin tinatanggal ni gabriel ang pagkakahawak nito sa kamay ng babae hanggang sa makalapit sa kanila.

ma..' pa..'
mabuti naman po at hinantay niyo kami.

napansin niya agad ang saya sa mukha ni gabriel ng lumapit ito sa kanila.
humalik ito sa pisngi niya at nag mano naman ito ke condrado.

ma....' pa.....'

tumingin sa kanila si gabriel at inakay nito ang babaeng kasama palapit sa kanya at hinahawakan nito muli ang kamay ng babae habang nakaharap sa kanila.

siya nga po pala si luna...'
maria luna dominguez, she is my girlfriend ma...' pa..'

siya po ang gusto kung ipakilala sa inyo.
kitang kita niya ang pagmamahal sa mga mata ni gabriel tuwing tumitingin ito sa babae.

ngayon niya lang nakitang ganito kasaya ang anak nila. iisa lang naman lagi ang pinag dadasal nila ni condrado, ang maging masaya ito sa babaeng mamahalin niya.

kitang kita ni doña mariz sa kilos ni luna ang pagiging mahiyain nito. parang hiyang hiya ito sa ginawang pag papakilala ni gabriel.

at kitang kita niya rin dito ang pamumutla nito na alam niyang kinakabahan ito.

magandang gabi po..'
bati ni luna sa kanilang mag asawa.

lumapit ito sa kanila at akmang mag mamano sa kanya, pero natigilan ito ng magsalita siya.

welcome to our family luna..'
niyakap niya ito.
hindi maintindihan ni doña mariz kung baket napakagaan ng loob niya ke luna.

 My Arrogant BoyfriendWo Geschichten leben. Entdecke jetzt