Chapter 44 - Friendship Goals

2.1K 34 0
                                    

hindi na mapakali si ann dahil sa pag aalala ke luna, kanina pa ito hindi nag ttxt sa kanya mula ng umalis papuntang san simon.

andrewww!!!

alam na niya kung sino ang tumatawag sa kanya ng ganito.

andrew! akyat ako diyan sa inyo me dala akong pagkain!

mula ng nakilala nila si dexter, naging malapit na itong kaibigan sa kanila ni luna. mabait si dexter, at parang magkakapatid lang silang tatlo kung mag kulitan.

ano bayang dala mo?!!
sigaw ni ann sa taas.

fried chicken ng baliwag!
dumaan kasi ako ng sm kanina,
kaya bumili narin ako nito.

alam ko gusto niyo ito, lalo na yun si luna!
hahaha

humahalakhak pa si dexter habang umaakyat ng hagdan na bitbit ang dalang pagkain.

oh! baket parang dika natutuwa na me dala akong pagkain, nakakapanibago naman ata yun!
panunukso ni dexter ke ann.

si luna asan?

yun na nga eh!
hindi pa nauwi si luna, kanina pa nga ako nag aalala.
hindi rin nag ttxt, tinatawagan ko hindi ko makontak!

baket..? san siya pumunta?

sa san simon..'

san simon..? diba probinsya yun!
ano naman ginagawa niya dun?

hindi masabi sabi ni ann ke dexter ang totoo kung baket pumunta ng san simon si luna.

ayaw kasi ni luna na me nakakaalam pa tungkol sa buhay niya.
me pinuntahan lang siya dun...'
pag sisinungaling ni luna ke dexter.

baka walang signal dun ann! probinsya yun syempre mahirap signal.
isip isip din minsan ann.
natatawang sabi ni dexter.

wowww!!
nagsalita ang utak mamon!

tigilan mo nga ako sa pang aasar mo dexter, kasi baka magdilim paningin ko sayo!

ano mangyayari pag nagdilim paningin mo..?
mahahalikan mo ako??
ganun..!

sige na dali! magdilim na sana yang paningin mo!!
hahaha

pakyu ka dexter!!
kadiri ka!

wala akong gusto sayo, at kahit magdilim pa paningin ko habang buhay! hinding hindi kita hahalikan!

natutuwa na lamang si ann sa kakulitan ni dexter.

kayong dalawa ni luna, ang bastos niyo talaga saakin. magkaibigan nga talaga kayong dalawa!

hahahahah'
natawa na lamang si ann sa si sinabi ni dexter.
nagulat pa sila ng biglang tumunog celfon ni ann.

nakita ni ann sa screen ng telepono niya na si luna ang tumatawag.agad agad niya itong sinagot.

luna! asan kana?
kanina pa ako nag aalala sayo ni wala kang txt!

wala kasing signal kanina ann, pero pauwi na ako nasa bus na ako.
mga 7 andiyan na siguro ako.

bilisan mo at andito si dexter, me dala ng paborito mong chicken!

tirhan niyo ako hahh! kasi kanina pa ako nagugutom, indi pa ako nakain!
hahaha

sige na, maya nalang pag uwi ko! ingay dito sa bus,bye..!!

ingat luna, bye!
naibaba na niya celfon niya pero nasa isip niya parin si luna.

ang galing ni luna magtago ng nararamdaman niya. kung tumawa ito parang walang pinagdaanang trahedya sa buhay niya.
masayahin parin ito sa kabila ng lahat ng nangyari sa kanya.

problema at tulala ka diyan?
nakausap mo lang si luna...?!
nagtataka si dexter habang naka tingin ke ann.

wala! nagugutom na kasi ako, padating na yun si luna maya maya, kumain na tayo!

maya alis tayo nila luna!
punta tayo ng sea side sa me moa!
me food expo dun ngayon, food trip tayo, tapos inom tayo dun me live band naman dun!

sige, basta manlilibre ka ba! sama kami!
hahaha

no pa nga ba magagawa ko!!
masyado kayong nasanay saakin na lagi kayong nalilibre!

mahiya ka naman dexter, kung kami pa ni luna ang manlilibre sayo. kalalaki mong tao, taz mag papalibre kalang!

ang sabihin niyo, lagi nalang kayo mga walang pera! baka ikamatay niyo pang dalawa pag kayo ang nanlibre..'

hahahaha
o di, ikaw na ang mapera!

hindi mahinto hinto si ann sa kakatawa ke dexter.

antayin kaya natin si luna dun sa me kanto.
pag aaya ni dexter.

sige, sige!
nagmamadaling tumayo si ann.
at sabay na silang lumabas ng bahay ni dexter.

 My Arrogant BoyfriendDonde viven las historias. Descúbrelo ahora