Chapter 72 - The Donor

2.2K 52 5
                                    

habang naglalakad si gabriel sa hallway ng hospital napansin niyang sobrang busy ng ibang nurse, kulang nalang tumakbo ang mga ito sa bibilis kumilos na para bang me hinahabol.

bigla siyang nakaramdam ng kaba, hindi kaya si........

hindi na niya tinuloy ang nasa isip niya, binilisan niya nalang maglakad papunta kay luna.

ng marating niya ang kwarto ni luna, huminga muna siya ng malalim bago niya pinihit ang door knob ng pinto.

gabriel!!

bumungad kaagad sa kanya si jesson, ito ang nag babantay ngayon kay luna.

nakahinga siya ng maluwag ng makita niyang natutulog parin si luna.

akala niya, me nangyaring masama dito kanina.

hindi parin ba siya nagkakamalay jesson?
hinawakan ni gabriel ang kamay nito at hinalikan niya ito sa noo.

hindi pa gabriel!
kakaalis lang din ng mga kaibigan niya. ang mama at papa mo naman umalis lang sandali, babalik daw sila mamaya!

maiwan muna kita dito gabriel, pupunta pa ako ng opisina! me mga aayusin pa ako.
pag papaalam ni jesson.

tumango lamang si gabriel at naupo agad ito sa tabi ni luna.

nakatitig lamang si gabriel sa wala pang malay na si luna.

sana magising kana luna,
mis ko yang mga ngiti mo, ang pagtawa mo ng malakas, at yang pagiging madaldal mo!

at ikinulong niya ang kamay ni luna sa mga palad niya saka niya ito hinalikan ng buong pagmamahal.

hindi ko na hahayaang me mangyari pang masama sayo luna...'
ngayong nasa akin kana hinding hindi kana mawawala sa paningin ko.

sana maintindihan at matanggap mo ang buo kung pagkatao pag dating ng araw na malaman mo kung ano talaga ako.

hindi parin niya binibitawan ang kamay ni luna. hawak hawak niya ito habang nag sasalita siyang mag isa.

hanggang sa me napansin si gabriel kay luna.

luna?

kaagad na tumayo siya at pinindot niya ang emergency button sa loob ng silid nito.

ilang minuto lang dumating na agad ang doctor.

doc! i saw it, she's moving!
tarantang pag sasalita ni gabriel.

ngumiti lamang ang doctor kay gabriel at lumapit ito kay luna.

ng matapos nitong i check si luna kinausap nito si gabriel.

she will be ok, gising na siya..' maririnig kana niya pag kinausap mo siya.
anyway i want to talk to you in private gabriel.

sabay talikod nito kay gabriel at naglakad na ito palabas.
hindi niya alam na sumunod sa kanya si gabriel.

doc..'..!
mahinang tawag dito ni gabriel.

biglang huminto ito sa paglalakad at humarap kay gabriel.

its about her' gabriel..
kailangan kitang makausap sa opisina ko ngayon.

tumango lamang si gabriel sa kausap niya.
ok' doc..'

susunod ako, kailangan ko lang nang mag babantay sa kanya dahil wala siyang kasama ngayon.

 My Arrogant BoyfriendWhere stories live. Discover now