Chapter 60 - The pain

2K 34 3
                                    

mayaman ka pala GABRIEL MONTE CARLO, akalain mo nga naman na ikaw ang boyfriend ni luna.

kailangan mag isip ako ng magandang plano para mailabas kita luna sa bahay ng mga madrigal.

at pag nangyari yun yayaman na ako. at aalis na ako dito sa san simon.

kung alam ko lang na ganyan kayaman ang boyfriend mo luna, sana ako nalang ang nagtago sayo.

pagnailabas na kita dun sa malaking bahay, ipapatubos kita sa boyfriend mo ng 20 milyon.

pangiti ngiti pa si santiago habang nag iisip ng plano kung paano ilalabas si luna sa bahay ni roberto madrigal.

tumayo si santiago at lumabas ng opisina niya.

pupuntahan niya si roberto ngayon para sabihin na me mga NBI na nag iimbestiga sa pagkamatay ng pamilyang dominguez.

mukhang hindi magtatagal lalabas na ang baho ng mga madrigal dito sa san simon.

kailangan bago mangyari yun nakalayo na ako dito.
patuloy si santiago sa paglalakad hanggang sa makarating nito ang sasakyan niya na nakaparada lang sa harap ng presinto nila.

pagkapasok niya ng mansyon ni roberto naupo muna siya habang inaantay niya ang paglabas nito.

ng makita niya itong naglalakad papalapit sa kanya, tumayo agad si santiago para magbigay galang dito.

boss'!!

santiago'! mabuti at nandito ka me pag uusapan tayo..'

tama ba yung nakarating sa akin na me mga nbi na nandito sa sa simon!?

boss' , meron ho! at yun ay dahil sa pagkawala ng bunsong anak ni cesar!

nagsisimula na ho silang nag imbestiga kaninang umaga, pati ho dun sa pagkamatay ng mga dominguez!

me alam kaba kung sino ang tumutulong sa babaeng yun?

nag ngangalang GABRIEL MONTE CARLO!
yan ho ang bumabangga sa inyo ngayon boss, at balita ko kasintahan daw yan ng anak ni cesar!

malalim na nag isip si roberto habang nakaupo ito sa magarang sofa ng mansyon nila.

gabriel monte carlo..???...

kilala nga mga monte carlo sa pagiging mayaman. dahil sa mga multinational companies na halos pag aari ng mga ito.

ubusin mo man gabriel ang pera mo, wala kanang magagawa! hindi mo na kayang iligtas ang anak ni cesar..!

ito ang tumatakbo sa isip ni roberto habang tuloy parin sa pag sasalita ang tauhan niyang si santiago.

iniimbestigahan din ng nbi boss ang mga pag aari ng mga dominguez kung paano ito nailipat sa pangalan niyo!

gawin niya lahat ng gusto niya santiago!
dahil hindi na niya makikitang buhay ang babaeng yan..!'

kailangan mawala yan sa landas ko sa lalong madaling panahon!

ako na ho bahala boss, ilalabas ko siya dito ako na bahalang magligpit sa kanya!

hindi mo siya ilalabas ng buhay dito  santiago'..!
bukas ba bukas din tapusin niyo na ang babaeng yan.

gawin mong malinis ang trabaho mo this time!! ayoko ng palpak!
pasigaw na pagsasalita ni roberto.

nag isip ng mabuti si santiago kung paano niya ito ilalabas ng buhay dito sa mansyon.

 My Arrogant BoyfriendWhere stories live. Discover now