Chapter 27 - Boyfriend..??

2.4K 47 0
                                    

nagising si luna dahil naramdaman niyang nagugutom siya..!

nakatulog kasi siya kanina pagdating niya ng tanghali galing sa trabaho, panggabi pasok niya ngayon kaya maaga siya nakakauwi at madaling araw naman ang pasok niya ng trabaho mamaya.
       
tiningnan niya relo niya..
mag aalasingko palang naman ng hapon!
baba nga muna ako at makabili ng makakain dun.
     
bumangon na siya at naghilamos!
bago siya lumabas ipinusod niya muna buhok niya para hindi ito maging sabog sabog tingnan.
                 
pagbaba niya ng hagdan nakita  niya agad si dexter sa me tindihan,
bihis na bihis ito at mukhang me lakad!
         
dexter!!
saan punta mo at mukha kang tao ngayon tingnan..?!!

sama ng ugali mo luna!!
sa gwapo kung ito hindi paba ako mukhang tao!

hahahaha!
at sabay pa silang nagkatawanan.

tumawid si luna sa kabilang kalsada para dun bumili ng pagkain,

nakita niya kasing me nagluluto ng turon at mga fishball kaya nagmamadali siyang tumawid.

kuya''!
me langka po yang turon?

meron luna''!

pabili kuya dalawa!
saka limang pisong fishball!!

dahil sa lagi ng nagtitinda yung matanda dito malapit kela luna kaya kilala na siya nito.

habang kumakain si luna tinawag niya si dexter para alukin ng kinakain niya.

dex..!!!!
gusto?!!!
ang sarap ng turon!!

tawag ni luna dito habang ngumunguya nguya pa.
at nakita na niyang naglalakad na si dexter papalapit sa kanya.

kuya kikiam saaken sampung piso..!

ito kaagad sabi ni dexter paglapit na paglapit sa nagtitinda.

habang kumakain sina luna at dexter me nakita silang sasakyan na dahan dahan na pumapasok sa kalsada nila.

astig!! nang sasakyan ang ganda..!!
napansin agad ito ni dexter.

ang ganda nga, sino kaya yan!
nagtataka pang sabi ni luna.

dahil sa pinagtitinginan ito ng mga tao, doon din nakatingin si luna, hanggang sa huminto na ang sasakyan.

nakita niyang bumukas na ang pinto at me bumaba na babae,

teka..'teka...''!!

parang si ann yung bumaba!
at nakita niyang nakatayo lang ito sa tabi ng sasakyan na parang me inaantay.

nakita niyang kinawayan siya ann!

shheeettt!!
si ann nga, baka jowa niya yung naghatid sa kanya!

halos hindi malunok lunok ni luna yung fishball sa bibig niya dahil sa kakatingin ke ann.

maya maya pa bumaba narin yung lalaking nagmamaneho dito,

at halos hindi magkamayaw ang mga babaeng nakatayo sa kakatingin sa lalaking lumabas ng sasakyan.

at nakita niyang naglalakad na sina ann at lalaking kasama nito papalapit sa kanya.

kulang nalang mabulunan si luna sa paglunok ng fishball sa bibig niya,
ng makilala niya kung sino ang kasama ni ann.

hindi niya alam kung ano gagawin niya, gusto niyang tumakbo pabalik ng boarding house nila para di siya makita ni gabriel,
pero para siyang hindi makakilos sa kinatatayuan niya.

habang papalapit ito ng papalapit sa kanya, palakas din ng palakas ang kaba sa dibdib ni luna..!

bakeeettt andito ang lalaking ito..??

hindi maalis alis na tanong niya sa sarili niya.

lunaaa!!

tawag sa kanya ni ann ng makalapit na ito sa kaniya.

hindi niya alam kung ngingiti siya dito o sisimangot!
at nakita niyang nakatingin lang sa kanya si gabriel at nasa tabi ito ni ann.
hindi niya alam kung paano titingin dito.

hi dexter..!!
andito ka pala, bati ni ann dito.
dexter si sir gabriel pala..!

siya ba ang boyfriend ni luna..!!
dere deretsong tanong nito ke gabriel!

hindi nakapag salita si ann sa sinabi ni dexter,
hindi niya alam kung ano isasagot ke dexter.

tiningnan ni luna ng masama si dexter dahil sa sinabi nito'

punyetaaa ka talaga dexter!
ano ba pinagsasabi mo diyan!

gusto niya sigawan si dexter pero di siya makapagsalita!
kulang nalang saksakin niya ito ng stick ng fishball para manahimik..!

biglang nagdilim mukha ni gabriel dahil sa tanong dexter dito.

yes..!
ako nga boyfriend niya!
baket?
matapang na sagot nito ke dexter.

wala naman pare!
matagal na kasi kita gusto makita,
kung totoo nga talaga ang sinasabi nitong si luna na me boyfriend naraw siya.
paliwanag ni dexter ke gabriel.

si luna hindi niya alam kung ano sasabihin sa dalawa,

kasi kanina pa siya nauubo sa mga pinagsasabi ni dexter!

lumapit sa kanya si gabriel at walang sabi sabing hinila kamay niya at naglakad pabalik ng sasakyan.

walang nagawa si luna kundi sumunod dito.

andromeda!
ihatid ko mamaya si luna!

sabi nito habang naglalakad na hawak hawak sa kamay si luna.

naiwang nakatunganga si ann at dexter,
at mga tambay na kanina pa nakamasid ke gabriel.

nakita ni ann na pumasok na yung dalawa sa sasakyan at unti unti na itong lumalabas ng kalsada nila.

mukhang mayaman pala boyfriend ni luna!!
ito ang sabi ni dexter ke ann.

heeeyyyy!
sigaw ni ann dito!
ang ingay ingay niyang bibig mo!

saka niya ito iniwan at pumasok na siya ng boarding house.

 My Arrogant BoyfriendWhere stories live. Discover now