Chapter 19- Where is Ann??!!

2.4K 33 0
                                    

namumugto mga mata ni luna ng magising siya ng umaga dahilan ito ng kakaiyak niya kagabi.

at ramdam na ramdam na niya ngayon pananakit ng katawan niya.
    
tumayo siya at humarap sa salamin. pinagmasdan niyang maigi mukha niya dito.
     
hayop na banana boat na yun pahamak sa buhay ko!!

paano ko pa ma i enjoy ang lugar na ito kung masakit katawan ko!
minsan na nga lang makalibre ng ganitong lifestyle palpak pa...''!

teka...'' .....
asan si ann?

napansin niyang wala na ito sa higaan.
ang babaeng yun talaga, hindi man lang ako ginising!
pagmamaktol ni luna sa sarili.

magkape kaya muna ako...mamaya nalang ako maliligo maaga pa naman!

saka parang gusto kung maligo doon sa pool, mamaya yayain ko si ann..'
         
ito ang mga planong nabuo sa isip ni luna.habang pababa ng hotel.
paglabas niya ng elevator naglakad kaagad siya papuntang labas ng lobby.

saan kaya me coffee dito...''?

ito ang ayaw ko sa ganitong mga mamahaling lugar eh'',

nagiging mukha akong tanga pag ganito..!!

napansin ni luna na nasa labas lang naman pala ang restaurant ng hotel.
    
ang ganda naman ng restaurant na to parang nakakahiyang maupo. nakita niya ang mga mesa nito na salaming pabilog lamang at apat na maliit na puting bakal lang ang nagsisilbing tukod nito,
at meron ding nakalagay na white calla lily sa gitna ng mesa bilang centerpiece na talaga namang bumagay dito na lalong nagpaganda sa mga mesa,dahil sa puting bulaklak nito.
at me nakapaikot na apat na mga puting upuan na gawa rin sa bakal.

hindi kaya lalo akong magmukhang tanga pag naupo ako dito?!!

wala pa mandin akong kasama..'
kakahiya pa naman itong mata ko ngayon, halos lumabas na dahil sa kakaiyak ko kagabi.

naalala ni luna na wala pamandin siyang dalang shades na pwede niya sanang gawing panakip dito. kaya naisipan niyang wag nalang maupo at hanapin nalang si ann.

saan ko naman kaya hahanapin ang shunga na yun??

kaya maglakad lakad nalang muna siya baka sakaling makita niya si ann.
hanggang sa mapadaan siya sa pool.

wooww sarap maligo dito''!

kaya lang napansin niya na lahat ng mga babaeng naliligo dito ay mga nakasuot ng swim suit.

pwede kaya maligong naka shorts lang dito?!

ito naman kasi si ann kahit kelan ang shunga talaga!
hindi man lang sinabi saken na ganito pala dito'.
eh di sana nanghiram nalang muna ako ng swin suit dun sa mga kasama ko.
    
sayang naman, sarap pa man din sanang maligo..'!

maya nalang kami punta dito ni ann pag walang tao.
pangiti ngiti pang sabi ni luna sa sarili niya.

sa kakalakad niya me nakita siyang isang magandang cottage, hindi nga lang siya sigurado kung cottage nga kasi parang halos nakapaikot dito ay salamin para lang siyang coffee shop kung titingnan sa labas.
         
hindi niya rin masilip loob nito kasi tinted mga salamin nito,
ang sosyal ng pagka sytle ng tinted niya kasi parang crystal sa labas, pero wala ka talagang makita sa loob.
  
kaya napag isipan ni luna na pumasok nalang baka sakaling coffee shop nga.

napasarap tulog ni gabriel kagabi kaya hindi siya nakauwi, nawala lahat ng plano niya na makaalis ng resort.
     
kaya pagkagising niya dumiretso na kaagad siya dito sa bar.

nakaupo siya sa me counter kung saan nakaharap siya sa tv at nanunuod ng ESPN.

palinga linga naman si luna sa labas para hanapin kung nasaan ang pinto ng papasukan niya,

dahil sa naka auto slide ito hindi niya nakita. kaya ng mapunta siya sa isang bahagi nito, bigla nalang itong nagbukas.

ayyy tanga lang'!!

sambit pa ni luna sa sarili niya.
at unti unti siyang naglakad papasok.
 
namangha siya kung gaano ito kaganda sa loob, meron itong dalawang   mababang table lang at me mga couch na kulay puti sa paikot nito.

tama ba itong napasok ko?

parang masyado naman atang mamahalin mga gamit dito.
napansin niya na andaming mga nakasabit na mga ibat ibang uri ng wine glass sa counter nito, at mga mukhang mamahaling alak lahat ang mga naka nakadisplay rito.
               
me nakita rin siyang isang lalaki na nakaupo sa harap ng counter nito at nanunuod ng tv. pati yung empleyado dito ay nakatutok din sa panunuod kaya siguro di siya napansin ng mga ito ng pumasok siya.

sa kakalakad niya dahan dahan papuntang counter biglang tumama ang isa niyang paa sa couch.'

Arraayyyy..!!!

 My Arrogant BoyfriendWhere stories live. Discover now