Chapter 42 - Roberto Madrigal

2.1K 32 0
                                    

other person's POV

hello' santiago!
akala ko ba naka closed case na ang sa pamilya dominguez?

baket nakita kung pakalat kalat dito sa san simon ang anak ni cesar?

ahhh! yun ba mike!
wag nyo intindihin ang babaeng yun, walang kakayahan yun para pabuksan muli ang kaso nila.
           
at hindi niyo kailangan mag alala wala namang ebidensya na makikita!

sinunog niyo lahat diba? ano kinatatakot niyo!

hindi ko alam santiago kung gumagana yang utak mo!

ang babaeng yun ay survivor ng dominguez massacre!
ang natitirang dominguez dito sa san simon.

nakita niya ang mga pangyayari ng araw na iyon at nag iisa siyang nakaligtas dun!

tapos sasabihin mo saakin santiago na walang ebidensya!?

mag isip ka ng maayos, at linisin niyo ang trabaho niyo!
tatawagan kita ulit, kausapin ko si boss tungkol dito.

nagpatuloy sa pag maneho ng sasakyan si mike pagkatapos nilang mag usap ni santiago sa telepono.

hindi siya maaaring magkamali sa nakita niya kanina.

anak yun ni cesar at ang batang yun ang hinanap nila dati na alam nilang naitago ng kapatid nito.

ang huli niya lang nalaman dito ay kinupkop ito ng mga lolo at lola niya, at halos dalawang taon ito hindi nakakausap at laging tulala dahil sa nangyari dito.

at nalaman niya rin na bigla nalang itong naglaho ng san simon.

anong pakay niya ngayon at bumalik pa siya dito?

kailangan kung makausap si boss ngayon, kasi kung hindi baka ang babaeng yun ang sumira sa mga madrigal dito sa san simon.

binilisan ni mike ang takbo ng sasakyan para makarating kaagad siya sa pupuntahan niya.

malayo palang si mike sa mansyon ng mga madrigal, kitang kita na kung gaano kalawak ito sa labas palang.

ito ang mga madrigal na kilalang tao dito sa san simon, sila rin ang may pinaka magandang bahay dito.

me kalakihan din ang san simon kaya kung hindi ka tagarito hindi mo malalaman na mga madrigal ang halos nag mamay ari ng mga lupain dito. at madrigal din ang namamahala sa bayang ito.

papalapit palang si mike ng mansyon kita na niya agad ang mga private security na nagbabantay.

pagkatapat niya sa me guard house kinausap niya agad ang mga nagbabantay dito, dahil sa dati rin siya nakatira dito kaya kilala na siya ng mga ito.

andito ba si boss?
ibinaba ni mike ang bintana ng sasakyan niya para makita siya sa loob.

kaw pala yan sir mike!
nasa loob pa po, maamaya pa alis niyan ni boss!

ok' salamat!
at tumuloy na si mike sa loob.

pagkababa niya ng sasakyan agad na pumasok siya loob.
dahil sa kilala na siya ng mga tao dito, alam na mg mga ito kung baket siya nasa mansyon.

sir mike! nasa library niya po si sir,
malumanay na sabi ng kasambahay ke mike.

agad na tumuloy ng library si mike at binuksan ang pinto nito.

mike! napasyal ka..!
tumayo agad ito para salubungin si mike at kamayan.

me problema tayo boss!
ito agad ang bungad ni mike sa kausap niya.

hindi sinabi ni santiago na bumalik na ng san simon ang anak ni cesar.

biglang nag iba agad ang hitsura ng kausap ni mike, hindi nito nagustuhan ang sinabi niya. mababakas ang galit sa mga mata nito.

siya si Roberto Madrigal ang nag mamay ari ng mga malalaking lupain ng san simon, at siya rin ang nagmamay ari ng mga malalaking negosyo dito.

kilala siya sa pagiging tuso pag dating sa lupa at pera.
ang mga bagay na ito ang nakakapagbigay ng saya sa kanya.

kung kinakailangan niyang pumatay ng tao para dito ay gagawin niya, makuha niya lang ang gusto niya.
ganito ang nangyari sa pamilya ni cesar dominguez!
         
pinakiusapan niya si cesar na bilhin niya nalang ang lupa nito na malapit sa plaza dahil gusto niyang mag patayo ng bahay dito, para sa anak niya.
 
pero nabigo siya, hindi pumayag si cesar hanggang sa nauwi ito sa isang matinding away. may pera si cesar, alam niya iyon.

me nakapagsabi nito sa kanya galing sa malapit na kaibigan ni cesar. simple lang itong tingnan pero madaming pera ito sa bangko dahil iniwan ito sa kanya ng mga namatay nitong magulang.
                
kaya malakas ang loob nitong kalabanin siya dahil kaya siya nitong tapatan. pero nagkamali si cesar ng kinalaban, dahil hindi siya ang taong tumatanggap ng pagkatalo.

gumawa siya ng paraan para mawala ang mga dominquez sa san simon, dahil sa makapangyarihan ang mga madrigal dito, pinapatay niya ang pamilyang dominguez. pinalabas niyang aksidente ang lahat para walang  imbestigasyong maganap.
          
at hindi nga siya nabigo, walang kahirap hirap sa kanya ang magsinungaling dahil kapatid niya ang punong alkalde ng san simon.

kahit isang ebidensya walang nakuha sa pinangyarihan ng krimen.
        
pinasunog niya ang buong bahay ng mga dominguez,
at pati bangkay ng mga ito walang awa niya ring pinasunog.

at pinalabas nilang aksidente ang pagkakasunog ng mga ito. pero bago niya pinapatay ang mga ito sinigurado niya munang mapupunta sa kanya ang lahat ng ari arian at lalong lalo na ang pera.

pilit niyang pinapirma ng kasulatan si cesar na nabili niya ang lupa dito at me malaking utang ito  na kailangan bayaran sa kanya.

kaya naman wala siyang kahirap hirap na ilipat lahat ng pera at ari arian ng mga dominguez sa pangalan niya.

kung alam niya lang na gagaling ng tuluyan ang batang yun sana noon pa pinatahimik niya narin ito.

ito ang babaeng anak ni cesar na nakaligtas ng araw na yon. dalawang araw bago ito nakita.

hindi na niya ito ipinaligpit dahil sa naging kalagayan nito.
mula ng natagpuan itong walang malay malapit sa lugar ng mga lolo at lola nito hindi na ito nakakausap buhat ng magkamalay.

lagi rin itong tulala at hindi nagsasalita. kaya hinayaan niya nalang ito.

hanggang sa me nasagap siyang balita na umalis na ito ng san simon.
yun lang ang huli niyang alam dito.

at ngayon hindi niya inakala na babalik pa ito ng san simon at nakakapag lakad ito sa lugar niya na para bang walang takot.

ang tapang ng batang yun, tingnan natin kung saan ka pupulutin ng pag tatapang tapangan mo at naisipan mo pang bumalik dito.

mike!!
sabihin mo ke santiago na kailangan ko siyang makausap!

kasalanan niya ang lahat ng ito kung baket nakaligtas ang batang yun!

kung hindi lang sana mga bobo ang mga taong imutusan nito wala sanang nakaligtas sa pamilyang yun!

sige' boss! daanan ko siya mamaya pag uwi ko.

kailangan manahimik ng babaeng yun mike!
kung kinakailangang isama nyo siya sa hukay ng pamilya niya, gawin niyo!

ito ang matigas na utos sa kanya ni roberto madrigal.

 My Arrogant BoyfriendWhere stories live. Discover now