Chapter 75 - Surprised...

1.9K 42 5
                                    

ang tagal niyang nakatayo sa harap ng salamin. halos hindi makapaniwala si luna na sarili niya ang nakikita niya.

bagay na bagay sa kanya ang napakagandang gown na binili sa kanya ni gabriel.

lalo pang inilapit ni luna ang mukha niya sa salamin. na para bang hindi parin siya naniniwala na siya ang nasa harapan nito.

gossshhh!!
bakit ang ganda ko sa damit na ito?

ganito nalang kaya lagi isuot ko..!
para lagi akong maganda, at para sa akin lang lagi nakatingin si gabriel...'!

parang baliw lang si luna kung titingnan na kinakausap ang sarili niya sa harap ng salamin na me pangiti ngiti pa.

ganito naba talaga ako kabaliw sa lalaking yun?
baket ba...!
gusto ko akin lang sya! at kung saan mang party yung pupuntahan namin ngayon, sisiguraduhin kung sa akin lang sya nakatingin..'..

pinapalaki pa ni luna mga mata niya na para bang tinatarayan ang sarili niya sa harap ng salamin.

Tok!Tok!Tok!

ang malalakas na katok galing sa pinto ng kwarto niya ang gumising sa kabaliwan ni luna.

bukas yan!!

sigaw niya at dali dali siyang umalis sa harapan ng salamin at nag lakad siya papalit sa pinto.

sino yan?

mam si lucas po ito...'

lucas pasok ka!
at sabay na binuksan ni luna ang pinto ng kwarto niya.

lucas, diba sabi ko naman sayo luna nalang itawag mo sa akin! ayaw ko na tinatawag mo akong mam, kasi naiilang ako eh!

sige po, susubukan ko..'

mahinang sagot nito kay luna. at kitang kita sa mukha nito ang paghanga sa kagandahan ni luna.

lucas.....

hindi ba ako mukhang engot sa suot ko?

tila nahihiya si luna na tumingin kay lucas na titig na titig sa kanya.

napakaganda mo luna!!
hindi mo kailangan mahiya, napaka swerte ni gabriel sayo...'!

nakangiti si lucas habang nakatingin sa mukha ni luna na namumula dahil sa sinabi niya.

halika kana! ihahatid na kita!

huh..!

o baket?
parang gulat na gulat ka dyan..!

hahaha!
natawa na lamang si lucas sa reaksyon ni luna.

ikaw?
baket nasaan si gabriel?
akala ko siya susundo sa akin...'

nauna na siya, me inayos kasi siya doon kaya pinasundo ka nalang sa akin.

at nauna ng naglakad palabas ng kwarto si lucas.

habang naglalakad si luna napansin niyang wala sina ann at ang mama ni gabriel pati ang papa nito.

baket parang mag isa lang ako dito...?

 My Arrogant BoyfriendWhere stories live. Discover now