Chapter 15 - Anger

2.6K 38 0
                                    

nasa tapat na nila yung speed boat para tulungan sila na maiahon, galing sa pagkakahulog nila sa sinasakyang banana boat kanina.

walang alam si luna na nauna ng naisakay yung mga kasama niya kanina at kasama narin dun si ann.

silang dalawa lang pala ng lalaking ito ang pinakahuling naisakay.

ng malapit na niyang maisampa ang katawan niya sa speed boat biglang naglapitan yung mga kasama nilang nakasakay kanina.

lunnaaaaa!!

nag aalalang tawag sa kanya ni ann, ng makita siya nito.
nagmamadaling tumulong rin ito para mapabilis lalo na maiakyat siya.

niyakap agad siya ni ann at kitang kita dito ang pag aalala sa kanya.

anooo??

ok kalang??!!

me masakit ba sayo?

ok lang ako ann!!

ikaw?........nahulog karin ba??

ano kaba! !

tumaob kaya tayo, nahulog tayong lahat!

ikaw inaalala namin kasi hindi ka marunong lumangoy..!!

at sabay na inabutan siya ni ann ng towel para mapunasan niya katawan niya na tumutulo parin sa tubig.

napaupo na lamang si luna sa me gilid ng speed boat na para bang hindi parin makapaniwala sa mga nangyayari ngayon.

iwan muna kita dito sandali luna ha, puntahan ko lang yung kasama ko.

sige lang ann, ok lang ako dito..'

at napadpad yung tingin niya dun sa lalaking kakaakyat lamang.
ito yung lalaking lumapit sa kanya kanina para tulungan siya.

parang me galit siyang nakikita sa mukha nito, na pinipigil lamang mailabas..

nag mamadaling pumasok ito ng cabin na hindi man lang siya tinapunan ng tingin.
samantalang andun lang siya nakaupo sa dinaanan nito.

at maya maya pa dumaan din sa tapat niya yung lalaking nag dadrive ng speed boat nila kasunod lang halos nung lalaking naunang dumaan.

What is your name again??!!

pasigaw na tanong ni gabriel sa lalaki.

   .....leo po sir...

leo..!!
alam mo ba na ang bilis ng pag papatakbo mo kanina!
kaya tumaob yung hinihila mong banana boat!!

sir....,
pasensiya na po talaga kayo..hindi ko po talaga alam na nakasakay po kayo dun,
pagpapaliwag ni leo.

kahit na hindi ako nakasakay doon dapat nag iingat kapa rin!
paano kung me naaksidente kanina!!

sir...hinding hindi na po talaga mauulit..
pag susumamo ni leo..

Hinding Hindi na talaga mauulit!!

dahil ayaw na muna kitang makita dito sa resort ko!!

wag kana muna magpakita saken!bumalik ka nalang kung seryuso kana sa trabaho mo!!

pero...sir,...

lumabas kana dito!!
pag tatapos ni gabriel sa usapan nila.

nang makalabas na si leo, biglang napaupo sa kama ng cabin si gabriel.

nakatungo habang nakapatong yung mga siko niya sa dalawa niyang tuhod.

hindi parin maalis yung galit niya hanggang ngayon, dahil sa nangyari kanina.

baket ba ako nag kakaganito...
kelan ba ako naging over protective sa isang babae?

baket ganun nalang ang naramdaman kung kaba knina ng makita kung nakalutang siya sa tubig..'

punong puno ako nang pag aalala sa kanya,
na kahit kelan hindi ako naramdaman ng ganito sa mga naging karelasyon ko dati.

napakagago ko para maging ganito dahil lang sa sa kanya!

wala tong nararamdaman ko, dala lang to ng alak na nainom ko kanina.
pilit na pinapakalma ni gabriel ang sarili niya.

i need to stop this!! kung ano man tong nararamdaman ko..! this is insane..!!

i am GABRIEL MONTE CARLO!

hindi ko kailangan magpaapekto sa nararamdaman ko ng dahil sa isang babae lang.
         
tumayo na siya sa pag kakaupo at naglakad palabas ng cabin.

 My Arrogant BoyfriendDove le storie prendono vita. Scoprilo ora